CHAPTER 9
GABRIEL
Niyakap ko si Keira. Hindi ko alam kung bakit parang ang tagal tagal ko nang gustong gawin to sakanya.
"Dito ka lang Gabriel. Huwag kang aalis. Huwag mo kong iwan. Hindi ko kaya. Dito ka lang sa tabi ko."
Niyakap ko pa siya ng mas mahigpit. Sobrang taas ng lagnat niya. Hindi ko alam kung anung gagawin ko. Misyon kong bantayan siya.. Protektahan.. Pero hindi ko inakalang ganito pala kahirap yun..
"Dito lang ako.."
Maya-maya'y nakatulog na siya.
"Gabriel..."
"mmmm?"
"Bawal ba talaga? Hindi ba pwedeng mahalin ka?"
Keira.. Pasensya na. Hindi talaga pwede. Bawal. Dahil ginawa ako para lang alagaan ka. Hindi para mahalin ka. Patawarin mo ko, Keira. Ngayon pa lang humihingi na ko ng tawad sayo. Hindi kita pwedeng mahalin. Bawal. Dahil wala akong puso. Hindi ako marunong magmahal. :|,
KEIRA
Nanatili si Aya sa ospital nang mga ilaw araw upang maobserbahan pa ng mga doktor. Nang lumabas ang resulta ng MRI at CT scan, sinabi ng doktor na Psychosis daw ang tawag sa kondisyon ni Aya. Hindi ko alam kung papaano nakagawa ang doktor na iyon ng ganung kabilis na konklusyon. Basta ako, isa lang ang alam ko. HINDI BALIW SI AYA.
Lumipas pa ang ilang mga araw. Sinigurado muna ng doktor na maayos na ang estado at kalagayan ni Aya bago ito palabasin ng ospital. Mahigpit na ibinilin ng doktor na kailangan ni Aya ng pahinga, at matulog sa tamang oras. Ibinilin din sa amin na itago lahat ng matatalim at nakasusugat na bagay mula dito.
Nang mga sumunod na araw ay nakita namin ang unti-unting pagbalik ng sigla at saya na mababakas sa mukha ni Aya. Mukhang nakatutulong ang payo ng doktor sa kanya, isama pa ang mga gamot na ibinigay sakanya.
Akala namin, maayos na ang lahat.. Akala ko tapos na.. Pero hindi pa pala..
"Keira, magjajogging lang kami ni Pepper ha. Si Aya kasama mo dyan.." narinig ko ang pamilyar na boses ni Jackie.
Nakarinig ako ng mga kaluskos. Pagkaraa'y narinig kong bumukas at sumara ang pinto.
...
...
...
"AAAAARRRRRRRRGHHHHHH!!!" narinig ko ang mas matinis at mas malakas pa sa tunog ng alarm clock na tili ni Jackie.
May mga kaluskos, kalabog at nabasag. Anu bang ginagawa ng mga to?
Kahit inaantok pa'y pinilit kong idilat ang aking mga mata. Araaaay.. Napasimangot ako nang marinig kong nagsitunugan ang mga buto-buto ko. Ang sakeeeet..
"Anu bang ingay yan, Jackie?"
Dahan-dahang tumingin sakin si Jackie. Mababanaag ang takot sa mga mata nito. Kinabahan ako agad.
"Si... si... A... A... ya..." tila wala sa sariling sabi nito.
"Si Aya?"
Bumaba ako sa double deck namin ni Aya kung saan sa taas ako natutulog.
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Punung-puno ng dugo ang kama ni Aya. Nakadapa ito.
"A-A..ya.."
Narinig ko ang impit na hagulgol ni Pepper.
Naglakas-loob akong lapitan si Aya. Tumindi ang amoy ng dugo. Malansa. Nakakasuka.
"A....ya.."
Hindi pa rin ito natitinag. Kinabahan ako. Hinawakan ko siya. Malamig. Matigas. Pinihit ko siya paharap sakin.
"Diyos ko Aya.."
Lahat kami ay nagulat sa aming nakita. Naliligo ito sa sariling dugo. Malansa. Mabaho. Nilalangaw. Ang kalahati ng mukha nito'y parang pinilit hiwain para lang matanggal. Kitang kita ang mga laman niyon.
Naramdaman kong tumulo ang luha ko. Napaupo si Jackie sa sahig, umiiyak.
"Ayaaaaaaaa!" hagulgol ni Pepper.
Niyugyog nito si Aya.
"Aya! Wala namang ganito! Aya.."
"Pepper, wala na si Aya.." awat ni Jackie dito.
"AYA! GUMISING KA DYAN! WAG KA NAMANG GANYAN! AYA! PARANG AWA MO NA."
Wala na si Aya.. Wala na..