"Lime,anong balak mo teh ngayong pasko? December one na bukas." tanong sa akin ng kaibigan kong si Prem,isa ding bading na gaya ko. One year pa lang kaming nagkakilala nung mapadpad ako dito sa lugar nila.
Bumuntong hininga ako saka sumagot. Hindi ko kayang icelebrate ang pasko. Para sa akin,wala yung kwenta,yon ang araw na nagsimulang masira ang buhay ko.
"Wala. Hindi ko alam ang pasko na yan. Huwag na nating pag usapan." walang emosyon kong sagot. Masakit pa din para sa akin,magdadalawang taon na mula ng maganap yon. Hindi pa talaga ako nakaka move on.
"Haay,kung sana may magagawa ako teh,pero ang tangi ko lang magagawa ay damayan ka." aniya at hinawakan ang kamay ko,bakas sa mukha nya ang pag aalala kaya nginitian ko sya.
"You dont need to worry Prem. Kaya ko sarili ko. Humihinga pa naman ako at tuloy pa buhay ko." ani ko at ininum ang juice.
"Eh sya? Nagparamdam na ba sya?"
"I dont want to talk about him." sagot ko. Pag na aalala ko talaga,parang bago lang,parang kahapon lang nangyari ang lahat,sariwang sariwa pa sa akin.
"Haay! O sige,uuwi na muna ako. Baka hinahanap na ako. Text ka lang pag may kailangan ka ah? Bye teh!" anito,tumayo na at lumabas sa apartment na inuupahan ko. Ang hirap mamuhay mag isa,pero kailangan kong kayanin. Sa ngayon ay may trabaho ako,isa akong call center agent at grave yard ang shift ko.
Napag pasyahan kong umakyat muna sa kwarto ko para mag siyesta. Pagkahiga ko pa lamang sa kama ay hindi ko maiwasang balikan ang nakaraan,ang mapait kong nakaraan.
"Lime! Wala ka bang gala anak?" tanong ni Papa habang nagdidilig ng mga halaman namin,maaga kasi talaga kaming nagigising.
"Wala po Pa! Gusto mo ako na magdilig dyan? Tulungan mo na lamang si Mama sa kusina." sagot ko at lumapit.
"Mabuti pa nga,salamat anak." naka ngiting sabi ni Papa at ini abot sa akin ang hose. Nagsimula na akong magdilig habang kumakanta kanta pa.
Ako nga pala si Climencio Arturo, palayaw ko ay Lime, pronounced as Lay-me pwede ding Lime lang,nineteen years old. Kaka-graduate ko lang ng college at pahinga muna ako ng isang taon. Pumayag naman sina Mama at Papa para daw maramdaman ko naman ang mahabang bakasyon since puro aral lang ako ng mga nakaraang taon.
"Good morning beautiful!" napatingin ako sa nagsalita. Ang gwapo naming kapitbahay na si Kline Rivas. Mula nang lumipat sila dito sa lugar namin,tatlong taon na ang nakakaraan ay naging malapit na kami sa isa't isa.
"Good morning din. San ang punta? Ang aga mo ata?" ang pagsagot ko naman.
"Mag iikot lang sa buong village,alam mo na,exercise for healthy living." nakangiti nyang sabi. Tiningnan ko sya,naka sando lang sya,may maliit na towel sa kanang balikat at maiksi ang short. Confident si mokong,kaya nya naman dalhin ang sarili nya eh.
"That's good! Malay mo,may makilala kang chix!"
"Hahaha! Sana nga,pero sad to say,naka ilang jogging na ako pero wala pa din akong nakikilala." nakangiti nyang sabi. Sus! Sa gwapo nyang iyan,imposibleng wala,I doubt.
"Meron yan! O sige na! Humayo ka na at para matapos na din ako. Ang daldal mo eh!" sabi ko na lang.
"Okay! See you around Lime!" pagpapa alam nya at umalis na. Thankful talaga ako na hindi tulad ng iba si Kline na huhusgahan ka dahil isa kang binabae. Ang sabi nya sa akin,para sa kanya,babae ang turing nya sa mga gaya ko,parang babae din na dapat igalang at irespeto.
Respeto,ang pinakamataas na kayang ibigay ng isang tao sa mga kagaya ko. And Im glad,kahit hindi ko hingiin ito ay nakakamit ko.
Pinatay ko na ang gripo at niligpit ang hose,ewan ko lang kung hindi mamulaklak ng bongga yang mga orchids namin at mga gumamela.
Pagkapasok ko sa loob ay nakahanda na ang almusal kaya dumulog na ako sa hapag.
"Natagalan ka ata sa pagdidilig Lime?" ani Papa habang hinahalo ang kape nya.
"Dumaan po kasi si Kline,nakipag kwentuhan saglit." nakangiti kong sagot habang naglalagay ng kanin at ulam sa plato ko.
"Gwapong bata iyon,kaso mukhang wala pa ding girlfriend." pagsingit ni Mama na kakatapos lang lagyan ng kanin at ulam ang plato ni Papa. Napangiti ako,ang sweet pa din nila sa isa't isa. Nag ngitian pa.
"Searching nga po yon eh,kaya panay ang jogging,baka may makita o makasalubong sa village." sabi ko at tumawa.
"Ganon? Edi ipakilala mo sa mga kilala mong babae? Hindi pa ba nya nakikilala mga tropa mo?" ani Mama. Umiling ako bilang sagot.
"Sa tinagal tagal ng pumupunta ng mga kaibigan mo dito,hindi mo pa sila naipapakilala kay Kline?" ani naman ni Papa.
"Tuwing nandito sila eh wala naman si Kline,hindi ko makita sa paligid. Pero pag nakita sya ng mga kaibigan ko,Im sure mag aagawan ang mga yon." sagot ko at tumawa. Matapos nun ay pinagpatuloy na namin ang pagkain at nagkwentuhan lang about random things.
KRIIING KRIIING KRIIING!
Napa balikwas ako ng bangon. Grabe,napapanaginipan ko pa din lahat. Tiningnan ko ang paligid. Madilim na pala,napahaba ang siyesta ko. Kinuha ko ang phone sa bed side table at pinatay ang alarm. 8PM na pala,9PM ang call time ko hanggang 6AM. Nakaka bangag talaga.
Tamad akong tumayo,binuhay ang ilaw at kinuha ang tuwalya sa likod ng pinto at bumaba na para maligo. Sa totoo lang,nawawalan na ako ng drive sa trabaho,bukod sa puyat ka na,ma i-stress ka pa sa mga costumer na wala ng ibang ginawa kundi ang sigawan ka,malaki nga ang sweldo,madali ka namang mamamatay. Whats the use?
Alam ko na,mag reresign ako next week at maghahanap na lamang ng ibang trabaho. Tutal may record na ako na nagkatrabaho,hindi na siguro ako mahihirapan pa.
Matapos maligo ay nagbihis na ako. Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin habang sinusuklay ko ang buhok kong lampas tenga na. Malaki na pala talaga pinagbago ko.
Pagkalabas ng apartment ay saka ako nakaramdam ng gutom. Makadaan nga muna sa isang fastfood at makapag take out. Hindi ako pwedeng ma-late,tutuksuhin ako ng team mates ko at papagalitan ako ng Team Leader namin.
Nang makapag take out ay nag abang na ako ng jeep na masasakyan. Napatingin ako sa paligid,madami din talaga ang tulad ko na sa gabi ang buhay,iba iba nga lang kami ng trabaho.
"Kung kailan naghahabol sa oras saka walang jeep? Pag nag taxi aksaya naman sa pera." bulong ko sa sarili at nagpalinga linga pa.
"Tonton! Anong balak mo sa pasko?" napatingin ako sa nagsalita,may dalawang bata na mukhang kalalabas lang din ng fastfood na pinang galingan ko.
"Malayo pa ang pasko Balok,pero balak kong sumama kina ate at kuya pag may misa de gallo na." sagot nung tinawag na Tonton. Ewan,nacurious ako sa dalawang bata kung ano ba ang pasko para sa kanila. Usually ang mga bata,regalo at pera ang gusto pag pasko.
"Ano yon?" inosenteng tanong nung balok.
"Simbang gabi. Siyam na gabi kang magsisimba,pwedeng gabi at pwedeng madaling araw hanggang magpasko yon." sagot nung Tonton. Napaisip ako,december na nga pala talaga bukas. Nararamdaman ko na naman ang sakit.
"Ay ganon? Anong mapapala don?"
"Pag nakumpleto mo ang siyam na simbang gabi,pwede kang humiling at matutupad daw ito."
"Talaga? Sama ako sayo pag nag simba na kayo. Ano ba hihilingin mo Tonton?"
"Hihilingin ko? Na sana,kung nasan man sina Mama at Papa ay maging masaya na sila." sagot nung Tonton at tumingin sa langit.
Nanikip ang dibdib ko. Parang may kung anong nakabara sa lalamunan ko. Masyadong tumama sa puso ko ang usapan nila. Bakit ang batang iyon madali nyang natanggap? Ako hanggang ngayon nagdudusa pa din.
"Sa mismong araw ba ng pasko hi-hiling Tonton?"
"Oo Tonton. Sa pasko mismo,yun ang huling simbang gabi,pagkatapos ay magsasalo salo na ang pamilya para ipagdiwang ang pasko."
Hindi ko na namalayang tumulo na pala ang mga luha ko. Sana katulad ako ng mga batang ito. Sana maramdaman ko ang pasko,pero parang hindi ko talaga kaya.
Totoo kaya iyon? Pag nakumpleto mo ang simbang gabi ay pwede kang humiling at maaaring matupad?
Totoo kaya ang hiling?
BINABASA MO ANG
HILING -Christmas Special (boyxboy)- Completed
RomanceCHRISTMAS SPECIAL - This is a story of hatred,love,forgiveness and acceptance. Let us begin our countdown to Christmas =) . Ang kwentong ito ay matatapos sa mismong araw ng pasko.