December 10,2013
Sakto ang gising ko,alas tres ng madaling araw. Diba nga tatambay ako ngayong madaling araw sa Cafe Sonata. Bwisit kasi yang si Kline e! Pakiramdam ko naubos ang dugo ko sa mga pang iinis nya kahapon. Co-manager daw,e ginagawa nya akong chaperone. Kaya nung natapos na ang oras ng trabaho agad akong umalis at di nagpaalam. Bahala sya sa buhay nya.
Medyo nakakapanibago lang ulit dahil ngayon lang ulit ako lumabas ng madaling araw. Malamig na ang simoy ng hangin,bawat bahay pabonggahan ng dekorasyon at christmas lights na nakaka aliw tingnan.
Nang marating ko ang Cafe Sonata ay sakto naglalabasan na sa dating call center na pinagtatrabahuhan ko ang mga call center agents,break na nila. Tumawid na ako dahil nakita ko na si Khins na may kausap na isang costumer. Magaling din talaga sya mag entertain,hindi katulad ng pinsan nyang si Kline,walang ibang alam kundi mang inis at mambwisit.
Pagpasok ko sa Cafe Sonata ay tiningnan ako ni Khins at ngumiti. Kaya kinawayan ko na sya,sakto tapos na din ata sya makipag usap,lumapit na ako at inimuwestra nyang maupo na kami.
"Ang galing mo talaga mag handle ng negosyo." nakangiti kong sabi. May lumapit na crew at naglagay ng kape at cake.
"Hindi naman,gusto ko lang talaga ang ginagawa ko. Ikaw,kamusta naman ang pagiging co-manager?" nakangiti nyang sabi.
"Kaya nga magaling. Ayun nga,gusto ko magpasalamat sa trabahong ibinigay mo. Pero hindi naman siguro maganda na co-manager nyo agad ako,wala naman akong alam sa negosyo,pwede namang simpleng crew lang ako." mahaba kong sabi bago tinikman ang cake.
"That was nothing. Mas maganda nga na may co-manager kami ni insan. Kamusta trato nya sayo?"
"Mabaet naman sya. Madaling pakisamahan." ang sabi ko. Kung pwede lang sabihin sa kanyang matagal ko ng kilala si Kline ay ginawa ko na. Pero sa tingin ko,hindi naman ata importanteng malaman pa nya.
"That's good. Pag nagtagal ay masasanay ka din,at pwede ka na naming ipakilala sa mga parents namin bilang co-manager. Alam mo naman,sila at ang mga lolo at lola pa namin ang nagpasimula ng Cafe Sonata at Cafe Sonatina." aniya na mababakasan ng pagka proud ang mukha. Pero hindi ata magandang idea ang ipakilala ako,lalo na't hindi pa ako handang harapin ulit ang mga magulang ni Kline.
--- PAST ---
Hindi ko din natiis si Kline,kakampi nya mga magulang namin,at kung mag iinarte pa ako ay kukulitin nila ako. Kaya nga wala akong magawa ng na corner nya ako sa dinner ng family namin. Sa harapan nila ay sinagot ko si Kline. Syempre ayaw ko na din mag inarte,iniisang tabi ko muna ang pag aalala kay Marine. Pwede ko naman kasi syang kausapin ng maayos para walang gulo,at saka I dont think na dahil lang sa lalaki ay mag aaway kami.
Masaya ako ng maging kami ni Kline,walang araw na hindi kami magkasama,halos hindi kami mapag hiwalay,ang mas ikinalalim ng pagmamahal ko sa kanya ay hindi nya ako ikinakahiya,parang babae pa talaga ang turing nya sa akin. May isa lang syang gusto na hindi ko maibigay,ang pakikipagtalik,pumapasok kasi talaga sa isipan ko kung paano din sila magtalik ni Marine,pakiramdam ko,nakikisawsaw ako,natikman na ng kaibigan ko,titikman ko pa? Hindi ko kaya.
Ngayon nga ay bisperas ng pasko,nandito kami sa mall at bibili para sa exchange gift mamaya. Hindi ko na pinansin ang pagiging balisa niya,kahit ang panay pagtunog ng cellphone nya at pagsagot nya sa mga text ay hindi ko pinapansin. Ang mahalaga,magkasama kami,ayokong masira ang maganda kong mood.
"Umuwi na tayo." aniya pagkatapos naming bumili para sa exchange gift.
"Huh? Mamaya pa naman ang party diba? Mamasyal muna tayo." ang agad ko namang reaksyon.
"Masama ang pakiramdam ko eh." sagot nya na parang wala nga talaga sa mood. Kinapa ko ang noo nya,hindi naman mainit,normal naman.
"Sige,umuwi na lang tayo." ani ko at naglakad na kami papunta sa parking.
BINABASA MO ANG
HILING -Christmas Special (boyxboy)- Completed
RomanceCHRISTMAS SPECIAL - This is a story of hatred,love,forgiveness and acceptance. Let us begin our countdown to Christmas =) . Ang kwentong ito ay matatapos sa mismong araw ng pasko.