"May boyfriend ka na ba?" ang tanong ni Khins. I was taken a back by his question. Sasagutin ko ba ang tanong nya? Pwede siguro pero hindi yung detalyado,hindi pa ako handang isiwalat ito dahil hanggang ngayon ay masakit pa din,lalo na at nagbalik na si Kline,kaya lalo akong naguguluhan. "So? Im sorry,you dont have to answer kung ayaw mo."
"Actually,nagkaroon ako ng boyfriend,three years ago,hindi maganda ang nangyari and I dont want to talk about it,pasensya na." ang tangi ko lang naisagot. Ngumiti sya at nagsalita.
"I understand. Pero isa lang ang masasabi ko Lime. Ang tanga nya for letting you go. Tara na at kumain."
Madaldal si Khins,akala mo matagal na kaming magkakilala. Napag usapan din namin ang pagtatrabaho ko sa coffee shop nila pag nagresign na ako sa call center. Medyo nalungkot lang ako na hindi sya ang boss ko,yung pinsan daw nya na nakatoka pag umaga hanggang gabi.
Matapos kumain sa P2 Restaurant ay nagpumilit syang ihatid ako. Hindi na ako nag inarte since nararamdaman ko na naman ang antok at pagod.
"Salamat sa breakfast Khins." sabi ko ng i-unlock ko na ang seatbelt at buksan ang pinto.
"Wala yon. I hope its not the first and last." nakangiti nyang sabi.
"Ofcourse! Sige na,thank you ulit!" at tuluyan na akong lumabas sa kotse. Bumusina muna ito bago tuluyang umalis.
Naglakad na ako pauwi sa bahay,malayo pa lang nakita ko na si Prem na naka upo sa may pintuan ng apartment.
"Ano ba tong kaibigan kong to? Araw araw na lang akong inaabangan." nakangiting bulong ko sa sarili at nagpatuloy sa paglalakad.
"Mabuti at dumating ka na! Late ka ng dalawang oras,alam mo ba,bumalik dito kanina yung lalaki kahapon? At saka oy! Magkwento ka naman! Malakas ang kutob kong yung Kline na yon yung nasa kwento mo sa akin eh." direderetso nyang sabi na halos walang hingahan,mabuti na lang at goodvibes ako,kung hindi,siguro nainis na ako sa kakulitan nya.
"Ikaw talaga,pumasok muna tayo para makapag pahinga muna ako saglit. Teka nga,wala ka bang trabaho ngayon?" ang sabi ko at binuksan na ang pinto,naupo ako sa sofa at ganun din si Prem.
"So ano na? Magkwento ka bakla kahit naka pikit ka." aniya. Jusme,mabuti na lang hindi nya nakita si Khins kanina,dahil for sure dagdag yon sa mga itatanong nya.
"Oo,si Kline ay yung nasa kinekwento ko sayo. Nakikipagbalikan sya,gusto nyang magpaliwanag pero hindi ko tinanggap,masyadong masakit sa akin ang lahat,hindi ko sya kayang tanggapin ulit at patawarin." sagot ko at sumandal,tinitigan naman ako ni Prem.
"Pero mahal mo pa?" ang seryoso nyang tanong. Natigilan ako at nahirapang sagutin ang tanong nya. At hindi ko din alam kung kaya kong sagutin,dahil maski sa sarili ko ay hindi ko alam,tanging galit at pagkamuhi lang ang nangingibabaw sa akin. Matagal akong natahimik at ganon din sya. "Huwag mo na lang sagutin,maiba ako. Wala ka bang balak mamili ng mga christmas decoration? Kami tapos na sa bahay."
"Hindi ko alam,alam mo namang hindi ako nagse-celebrate ng pasko,at wala akong balak." ang sagot ko naman,kahit ang totoo ay nagdadalawang isip na ako. Pati nga yung simbang gabi ay pinag iisipan ko na kung gagawin ko o hindi,na curious kasi ako sa sinasabi nilang pwede kang humiling.
"Nako! Hindi ako papayag! Sa restday mo kailangan na natin bumili ng mga christmas decoration mo,tama na teh ang pagiging negative. Kaibigan kita at ayokong magkaganyan ka na lang forever." disedido nyang sabi. Nginitian ko na lamang sya dahil pag sumagot pa ako ay madami pa syang sasabihin.
-- PAST --
"Sige na Lime!" ang pangungulit ni Kline sa akin.
"Ayoko! Tantanan mo ako!" inis kong sagot. Alam kong wala ako sa lugar para mainis,pero naman kasi,kung nag away sila ni Marine bakit ako pa magiging bridge para magka bati sila,eh sobrang nagseselos na nga ako.
BINABASA MO ANG
HILING -Christmas Special (boyxboy)- Completed
RomanceCHRISTMAS SPECIAL - This is a story of hatred,love,forgiveness and acceptance. Let us begin our countdown to Christmas =) . Ang kwentong ito ay matatapos sa mismong araw ng pasko.