Wish # 8

4.4K 122 11
                                    

"Good morning po! Im Climencio Arturo. Yung ni-reffer po ng pinsan nyong si Khins." magalang kong sabi sa lalaking nakatayo at nakatalikod,sa bintana sya nakaharap.

"Mabuti at on time ka." anito at humarap. Napanganga ako bigla.

"Kline?!"

"Yes,Lime. Ako nga." ang nakangiting sagot ni Kline.

Dyosko! Sya ang pinsan ni Khins? Lintek talaga maglaro ang tadhana,gustong gusto talaga akong sinasaktan.

"Did you plan this?" hindi iyon tanong. Kundi diretsong pang aakusa. Ngumiti sya bago sumagot.

"And why would I do that? Tadhana na ang muling naglalapit sa atin Lime. Huwag ka ng magmatigas,tanggapin mo na lang na tayo talaga ang para sa isa't isa." aniya. Bakit parang bigla syang naging presko? Nakaka inis.

"Hindi tayo ang para sa isa't isa. Madaming babae dyan,dun mo ibaling yang damdamin mo,dahil paulit ulit kong sasabihin sayo,hindi na kita mahal. Galit ako sayo! Napu-puot ako! At saka trabaho ang pinunta ko dito,hindi ang makipag balikan sayo!" ani ko at tumalikod na. Kailangan kong maka usap si Khins,magpapalipat ako ng oras.

"Anything you say Lime,walang magbabago sa nararamdaman ko sayo. By the way,kung balak mong magpalipat ng time,wala ng available sa night shift,sayang din ang posisyong ibibigay namin sayo dito."

Ugh! Ang lakas mang inis ng isang to! Hindi naman sya ganyan dati. Pero teka,posisyon daw?

Tumigil ako sa pagbukas sa pinto at hinarap sya ng nakataas ang kilay. "At anong position?"

"co-manager,yon lang naman." naka ngisi nyang sagot saka kumindat.

Literal akong napanganga at napakurap ng ilang ulit.

Co-manager?!

--- PAST ---

"P-pero,paano si Marine? Ayokong masira ang pagkakaibigan namin dahil sa lalaki." ang tangi ko lang nasabi. Nagtaka pa ako ng biglang ngumisi si Kline. May nasabi ba akong dapat nyang ika ngisi?

Oh my god!

"Teka,baka mal--"

"That's the very reason kung bakit ako nainlove sayo Lime. Hindi ka marunong magtago ng damdamin. Sa sinabi mo ay para ka na ding umamin,mahal mo din ako diba? Huwag kang mag alala,mahal din naman kita,wala akong pakialam kung wala kang boobs o parehas tayong may lawit,ang importante,nagmamahalan tayo." aniya at humagikgik pa. Napanganga talaga ako.

Pinagkanulo ako ng sarili kong damdamin. Hindi ko na siguro naitago. At nang mag sink in sa akin ang mga sinabi nya,ay saka lang ako nakapag reak.

"Bastos!" sabay sapak ko sa bicep nya. Ano ba yan! Ang tigas! Parang ako pa ang nasaktan.

"Hahaha! Cute ka pala pag nagba-blush? Dapat lagi pala kitang pinag ba-blush. Lalo akong naiinlove sayo. So,pano? Tayo na ba?"

"Tse! Hindi ko tatraydurin si Marine para lang sa nararamdaman ko. Hindi ako ganon." inis kong sabi. Ang hirap naman nitong sitwasyon ko. Gustong gusto ko ng maging akin sya pero naiisip ko pa din si Marine kung anong mararamdaman nya kung sakaling sagutin ko si Kline. Ang panget.

"Alam mo Lime,hindi mo kailangan mag reason out sa sarili mo. Desisyon namin to ni Marine,mas pinili nya ang career nya,ako naman na fall out of love. Wala tayong masasagasaan kung sakali. Huwag ka na ngang ano dyan,ako nga umamin ng mahal kita eh,kaya dapat ikaw din umamin na."

Wala na. Wala na ako masabi,na blangko na din utak ko. Wala na akong ibang naririnig kundi ang malakas na pagkalabog ng puso ko.

Kaya ko ba?

HILING -Christmas Special (boyxboy)- CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon