Wish # 4

4.7K 129 9
                                    

December 2,2013

"Umuwi ka na Kline,wala na tayong dapat pag usapan." nanginginig ang kalamnang sabi ko. Gusto kong umiyak,hindi ko matanggap na sa loob ng halos tatlong taon ay mahal na mahal ko pa din sya,at hanggang ngayon ay nasasaktan pa din ako.

"Pero Lime! Please!" pag mamakaawa nya pero hindi ko sya pinakinggan. Pumasok ako sa loob ng bahay at saka inilock ang pinto. Sa loob ng madaming taon na nilabanan kong huwag umiyak ay bumigay na ako sa wakas. Inilabas ko ang sakit,lahat lahat.

"Lime! Lime! Please,lets talk!" ang sigaw ni Kline sa labas habang kumakatok. Parang pinipiga ang puso ko. Kaninang nakita ko sya,nagbalik ang lahat,at parang mas dumoble ang sakit. Iniiyak ko ang lahat hanggang sa mapagod ako,hanggang sa wala na akong mailabas na mga luha,hanggang sa makatulog na lamang ako.

--

December 3,2013

Nagising ako ng alas tres ng madaling araw,hindi naman ako nabahala na mag absent,dahil magre-resign na din naman ako eh. Naligo na ako at nagbihis. Naisip kong pumunta sa Cafe Sonata,alam kong nandun sila dahil ito ang oras ng break time namin. Alam kong nagpapaka adik na naman sila sa Cafe at Wifi.

Pagdating doon ay hindi nga ako nagkamali,sa labas sila naka pwesto at kasama nila yung Khins,nung mapansin nila ako ay kumaway sila at sumenyas na lumapit na daw ako.

Alam kong namamaga ang mga mata ko,pero kaya ko naman mag dahilan kesa mag shades ako ng madaling araw. At kasalanan ito lahat ni Kline,I really hate him! Sana hindi na sya nagbalik! Sana hindi na sya nagpakita.

Binati ko muna silang lahat at pang huli si Khins. "Good morning sir Khins!"

"Anyare teh? Bakit ka absent?" salubong agad ni Babat.

"Halos umusok ilong ni sir Monet,wala daw ang paborito nya." segunda ni Mia.

"Its okay. By next week ay magre-resign na din naman ako." ang sagot ko na ikinanganga nila.

"Bakit?" sabay sabay nilang tanong.

"Pagod na ako sa ganitong trabaho,madali ko itong ikakamatay at saka gusto kong sumubok ng ibang trabaho,yung pang araw." ang tanging sagot ko na lang.

"Kung ganon,pwede ka dito sa shop. Kahit huwag ka ng magpasa ng requirements,at kahit walang interview ay pasok ka na." ang pagsingit ni Khins kaya sa kanya nabaling ang tingin naming lahat.

"H-ha? Sigurado ka? Hindi ba nakakahiya?" ang alangan kong tanong dito. Ngumiti ito bago sumagot.

"Ako nga ang dapat mahiya dahil baka hindi pwede sayo ang ganito,kaka resign lang ng manager,so baka pwede ka." anito. Napatitig ako dito. His smile is somehow familiar,hindi ko lang maalala kung sino.

"O-okay lang sakin kahit ano,basta okay ang sahod,pang araw ang trabaho. Uhm,inform na lang kita pag nakapag resign na ako." ang masaya kong sabi. Tingnan mo nga naman,may konting swerte pa palang pumapatak sa akin.

"Good! Its settled then."

"Ahem! Baka nakakalimutan nyong may kasama kayo?" pag butt in ni Japoy.

"Swerte mo naman Lime,may naghihintay agad sayong trabaho." dagdag pa ni Ully.

"Kayo talaga. By the way,anong balak nyo ngayong december?" ang tanging nasabi ko na lamang.

"Simbang gabi. Haay! Hindi ko nakumpleto last year eh." sagot ni Mia.

"Ako din. Pero ako nakumpleto ko last year." ani Ully.

"Hindi pa ako pumalya dyan,lagi kasing natutupad ang hiling ko eh." sabi pa ni Japoy.

HILING -Christmas Special (boyxboy)- CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon