"Diana? I dont know her. By the way,kaya ako pumunta dito para kunin ang phone ni pinsan,naiwanan daw nya sa sobrang pagmamadali,at ako pa talaga inutusan nya." ani Khins. Mataman ko syang tiningnan kung nagsasabi ba sya ng totoo o hindi. Pero wala akong makitang pag aalinlangan sa mga mata nya.
Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "Ganon ba? Pasensya ka na,nagdadrama ako,paranoid lang siguro ako. Ito na phone nya." at iniabot ko na kay Khins ang phone.
"Kung may problema Lime,dont hesitate to call me. Nandito lang ako palagi para sayo,and you know that."
"Salamat talaga Khins." ang tanging nasabi ko na lamang. Nagpaalam na siya dahil kailangan pa daw nyang magpahinga. Ako naman ay muling pumasok sa loob ng bahay at nag isip.
Ngayon pa ba ako magkakaganito? Mas mabuti sigurong kausapin ko si Kline para mas malinaw.
Buong araw ay nasa bahay lang ako kasama si Prem,dito ko na din sya pinatulog para sabay kaming magsimbang gabi,iniisip ko din kasi na baka hindi makarating si Kline dahil parehas silang busy ni Khins.
-----
December 21,2013
Ito ang ika anim kong simbang gabi. Hindi ako makapaniwala na nagawa ko ito,tatlong gabi na lang at makukumpleto ko na.
Maaga kaming nakarating ni Prem sa simbahan,ayaw daw kasi nya ng nagsisimula na ang homily saka kami dadating,maging ako man ay sang ayon. Pero syempre,medyo kulang ang pakiramdam ko,tama nga ang hinala ko,hindi dumating si Kline,ito na ang pangalawang gabi,kaya lalong tumitibay ang hinala ko.
Ipinagdasal ko na sana,kahit gaano kalakas ang hinala ko ay mali ako. Ayoko na kasing masaktan ulit,hindi maganda sa pakiramdam,hindi maganda sa pag-iisip.
Papalabas na kami ng simbahan ng mapansin namin ni Prem si Kline na palapit sa amin at may kasamang babae. Alam kong hindi nya kami napansin,at alam ko ding hinahanap nya ako. Kung pupunta sya sa bahay ay dun ko sya kakausapin.
Agad kong hinila si Prem na mukhang hindi naman nakahalata dahil talak pa ng talak tungkol sa naka chat daw nya kagabi.
Pagdating ko sa bahay ay agad akong nagbihis ng pambahay at nagluto ng para sa pananghalian ko mamaya. Ng matapos ay natulog ako para gigising na lang ako ng tanghalian.
Ngunit lumipas ang tanghalian at gabi,walang dumating na Kline,kahit text man lang. Kaya hindi ko maiwasang makabuo ng sama ng loob. I knew it,sa babae padin talaga ang bagsak nya.
-----
December 22,2013
Ito na ang ikapitong simbang gabi ko. Mabigat man ang pakiramdam ko ay pinilit ko pa ding bumangon,agad na akong naligo para mawala ang katamarang nararamdaman ko.
Kahit sa paglalakad ay tamad na tamad ako,mabibigat ang mga hakbang ko,tulala din ako habang naglalakad dahil iniisip ko ang sa amin ni Kline.
Isusuko ko na ba sya o ilalaban ko? Paano kung lumaban ako pero sya ang sumuko? Paano kung sumuko ako tapos sya naman ang lumaban? Ano ba talaga ang dapat? Kailangan ko na talaga syang makausap.
Kaya naman ay dumating ako sa simbahan ng halos kalahati na ng homily at puno na ang loob ng simbahan. No choice tuloy ako kundi ang tumayo sa labas.
"Abala ngayon sina sir Kline at sir Khins eh,may pinaghahandaan daw kasi si sir Kline sa mismong pasko,kaya maaga kaming pinagbakasyon." sabi ng isang boses sa likuran ko. Biglang kumalabog ang dibdib ko,pero pinilit kong huwag lumingon dahil baka makilala ako.
Ano kayang mahalagang pinaghahandaan ni Kline at tumutulong si Khins? At sa pasko talaga?
Si Diana. Baka may kinalaman dun si Diana. Sigurado akong yon din yung kasama nya kahapon. Talaga bang pinagpalit na nya ako agad?
BINABASA MO ANG
HILING -Christmas Special (boyxboy)- Completed
RomanceCHRISTMAS SPECIAL - This is a story of hatred,love,forgiveness and acceptance. Let us begin our countdown to Christmas =) . Ang kwentong ito ay matatapos sa mismong araw ng pasko.