GRAND FINALE ~
NOTE: Maraming salamat po sa lahat ng sumuporta dito sa Short Story ko,salamat sa pag antabay sa buhay pag ibig nina Lime at Kline. Merry Christmas! =)
-----
December 24,2013
Ika siyam kong simbang gabi,si Prem pa din ang kasama ko,nanatili akong tahimik tungkol sa mga iniisip ko at sa mga nangyayari. Ayaw ko naman tanungin si Prem tungkol nga dun sa pinag usapan nila ni Kline. Nawawalan na ako ng pag asa tungkol sa amin ni Kline,pero syempre,tuloy pa din ang buhay.
Maaga kami sa simbahan,triple ang dami ng tao. Mahaba ang tinakbo ng misa. Tulad nung nakaraan ay pre occupied na naman ang pag-iisip ko. Hanggang sa malapit ng matapos ang misa. Nagdasal na ako ng taimtim,ng buong puso at bukal sa kalooban.
"Panginoon ko,marami man nangyari sa buhay kong hindi maganda,may mga nangyayari pa ding hindi maganda ay hindi ko na po kayo kakalimutan,gabayan nyo na lamang po ako at bigyan ng lakas para harapin ang mga darating pang pagsubok. Nagpapasalamat din po ako sa mga biyayang naibigay mo sa akin at sa pamilya ko. Ngayon pong nakumpleto ko na po ang siyam na simbang gabi,hiling ko po,na sana kung nasaan man sina Mama,Papa at Marine,hiling ko po na sana ay nasa mabuti na sila at magandang lugar kasama ka,pakiabot na lamang po na maayos ang kalagayan ko,wala na akong iba mang mahihiling,dahil nakapag patawad na po ako at naging bukas na ang aking pag iisip. Maraming salamat po sa lahat." ang mahaba kong dasal sa aking isipan. Hindi ko na namalayang tumulo na pala ang aking mga luha.
"Friend,okay ka lang? Bakit ka umiiyak?" ang pagkalabit sa akin ni Prem. Nagmulat ako ng mga mata at umayos ng pagkaka upo galing sa pagkaka luhod.
"Sobrang okay na ako Prem. Nagawa ko na. Wala na akong maihihiling pa." nakangiti kong sabi at pinahid ang aking mga luha.
"Sigurado ka? Hindi ka ba magwi-wish para sa lovelife mo?" ang parang naniniguradong tanong ni Prem sa akin.
"Hindi." sabi ko at umiling. "Masaya na ako sa mga nangyari,kahit may hinaharap akong mabigat ngayon ay hindi ko iyon isinama sa hiling ko."
"Ano ba ang hiling mo?"
"Para sa mga magulang ko at para kay Marine."
"Napaka buti mong tao,hindi ako nagsisisi na naging kaibigan kita. Huwag kang mag alala,kung ano man ang pinagdadaanan nyo ni Kline ay matatapos din iyon,sasaya ka din ng sobrang saya,at yung hiling mo para dun sa Marine at sa mga magulang mo,tutuparin ni Papa God yon,mabait ka kasing tao." ani Prem,nagulat pa ako ng tumulo ang mga luha nya,naiyak na ako ng tuluyan kaya niyakap ko na sya.
"Maraming salamat Prem,napaka buti mo din,swerte ko at ikaw ang kaibigan ko." ang sabi ko habang yakap sya.
"Tama na yan,tapos na ang misa,baka mapagkamalan pa tayong naglalasunan dito." aniya at kumalas sa yakapan namin.
"Tse! Baliw ka talaga!" ani ko at nag ngitian kami.
Pagkatapos ng misa ay nagdesisyon kaming mag grocery ni Prem para mamayang noche buena. Dahil sya ang nakaka alam kung ano ang mga dapat bilhin ay pinabayaan ko sya,taga tulak na lamang ako ng cart.
Masyadong madaming tao na tulad namin ni Prem ay ngayon lang din bumibili,kaya pagdating sa cashier ay mahaba na ang pila. Alas dose na kami ng tanghali nakauwi. Nagpaalam si Prem na uuwi muna at tutulong sa pamilya. Ako naman ay inayos na ang mga pinamili at inihanda na ang mga sangkap sa spagetti at salad na gagawin ko mamaya. Matutulog muna ako at magpapahinga.
Bahala na kung biglang sumugod ang mga dati kong kasama sa trabaho,nararamdaman kong pupunta bigla ang mga iyon since hindi naman sila nagpapakita pa sa akin.
BINABASA MO ANG
HILING -Christmas Special (boyxboy)- Completed
RomanceCHRISTMAS SPECIAL - This is a story of hatred,love,forgiveness and acceptance. Let us begin our countdown to Christmas =) . Ang kwentong ito ay matatapos sa mismong araw ng pasko.