December 2,2013 --
"C'mon Lime! Huwag ng umarti teh! Ito ang first time na makakasama ka sa amin sa Cafe Sonata!" paghila sa akin ni Babat. Minsan hindi ko maiwasang isipin kung bakit naaadik sa kape ang mga ito,eh yon ang malakas maka high blood at makapag pa-nerbyos.
"Ito na nga eh! Sasama na!" naka nguso kong sabi. Nagtawanan lang naman sila. Sa totoo lang malapit ako dito sa mga ka team ko,pero nanatiling tikom ang bibig ko pag nagtatanong sila ng mga tungkol sa akin. Pa misteryoso effect pa daw ako. Eh sa ganon talaga,kay Prem pa lang ako nakaka pag open up. Sa ngayon,sya pa lamang ang hinayaan kong ibang tao na muling pumasok sa buhay ko.
"Im glad sumama ka na din sa amin." ani Ully.
"Makakatikim ka na din ng kape." sabat naman ni Japoy.
"Kinaladkad nyo na ako eh,may magagawa pa ba ako? Might as well makipag chikahan na lang over coffee bago mamahinga." naka ngiti kong sagot. Nakalabas na kami ng building,at tanaw ko na ang pinagmamalaki nilang coffee shop.
"Tama yan teh,para ma adik ka na din sa kape gaya namin." ani naman ni Mia bago kami tumawid.
Ng makapasok sa cafe sonata ay namangha ako,maganda ang ambiance,may piano sa bandang gitna,at ang mga uniforms ng mga crew ay cute mapa babae man o lalaki,madami na ding customer,na Im sure mga tulad naming caljak center agents o di kaya ay mga pang gabi ang trabaho o papasok pa lang sa trabaho.
Agad kaming nakahanap ng magandang pwesto,tiningnan ko ang wall clock nila na may design na mga puso at musical notes, 6:45AM na pala. Muli kong ibinaling ang tingin sa mga kasama ko na ngayon ay pare parehong nakalabas ang mga cellphones,ipad,tablet at nagpipi-pindot.
"Magkakape tayo o magtetext kayo hanggang sa mag uwian?" taka kong tanong.
"Were not texting,nag i-internet kami. Alam mo naman bawal sa work." sagot ni Mia.
"At maganda ang Wifi connection nila. Mataas ang kalidad,kaya dinadayo din ito." dagdag ni Babat. Literal akong napanganga dahil dun.
"Seriously? Pumunta kayo dito para maki wifi?"
"Uhm excuse po mga Maam and Sir. Ano po mga order nyo." biglang pagsingit ng isang crew kaya nabalewala ang sinabi ko. Nagkanya kanya na sila ng order. Nagkibit balikat na lamang ako at napangiti,sadyang baliw nga ang mga ito,no wonder nag click ang samahan nila.
Nasa kaligitnaan kami ng pagkain ng cake,paghigop ng kape at pag uusap ng may magsalita.
"Good morning mga mahal kong sonatinians. Para naman ma relax kayo ay tutugtugan ko kayo at kakantahan. Para din ito sa grupo nina Pareng Ully at Japoy,at mukhang may bagong recruit sila sa kanilang grupo." sabi ng isang gwapong lalaki na nakatayo sa harap ng piano. Tumutok ang tingin nito sa akin,at ewan nakaramdam ako ng kakaiba at agad akong nag iwas ng tingin. "Sa mga bagong dating,Im Khins Villaflor,owner of this branch. At ito na po ang handog ko para sa inyo."
"My gaaadd ang gwapo nya talaga." kinikilig na sabi ni Babat.
"Im so proud na medyo close na natin sya." kinikilig ding dagdag ni Mia.
Ako naman speechless,nag thumbs up sina Japoy at Ully dun sa Khins. At ng magsimula itong tumugtog,parang gusto ko na lamang umiyak at umuwi.
~ I was wrong when I hurt you.
But did you have to hurt me too
Did you think revenge will make
it better?
I don't care about the past I just want our love to last
There's a way to bring us back
together
BINABASA MO ANG
HILING -Christmas Special (boyxboy)- Completed
RomanceCHRISTMAS SPECIAL - This is a story of hatred,love,forgiveness and acceptance. Let us begin our countdown to Christmas =) . Ang kwentong ito ay matatapos sa mismong araw ng pasko.