Wish # 2

5.7K 131 16
                                    

"That would be all sir? Thank you for calling our costumer care service." end call. Yan ang last call ko for today. Im so tired,stressed and sleepy.

Ni log out ko na ang aking Avaya. Maya maya ay lumapit na ang TL namin,si sir Monnet.

"Ikaw ang pinaka maraming narecieve na calls,at maganda ang feedback sayo Lime,malaki posibilidad na ma promote ka." nakangiting sabi nito. Gwapo si sir Monnet,may asawa at isang anak,mabaet ngunit istriktong TL. Pero hindi ko na binibigyang pansin ang mga gwapo at mga lalaking malapit o lumalapit sa akin. Isinara ko na kasi ang puso ko mula ng maganap ang trahedya.

"Thank you sir. But I think hindi na kailangang ma-promote ako. Im resigning by next week with my resignation letter." nakangiti ko ding sabi ng humarap ako sa kanya matapos ma shutdown ang computer.

Biglang kumunot ang mga noo nito at halata ang pagtataka. "And why is that?"

"Personal reason Sir. Uhm if you'll excuse me,I have to go. Bye." nakangiti kong sabi at saka umalis. Nang marating ko ang locker room ay nandun ang mga ka team mates ko.

"Lime,sama ka sa amin,magkape muna tayo. May bagong branch ang Cafe Sonata dyan sa tapat." ang alok sakin ni Mia.

"Nako,yon ba yung pinagkaka adikan nyo ngayon?" sabi ko habang kinukuha ang gamit at phone sa locker.

"Yup! Matagal ko ng nadidinig yon eh,sikat sa ibang lugar,may kapartner pa nga yon na Cafe Sonatina na sa mga Malls naman nakapwesto." si Japoy ang sumagot.

"May love story daw kasi sa likod nun kung bakit naimbento ang Cafe Sonata,nung araw daw may gwapong lalaki na blah blah..." at nagsimula ng dumaldal si Babat kaya nagtawanan na kami. "And last,pamangkin daw nung mga yon yung manager dyan. Long lost pamangkin kumbaga at sya na nga ata ang may ari,matanda na kasi yung mga original na may ari, at gwapo dun yun ah?"

"Bunganga mo talaga Babat parang pwet ng manok. So Lime,sama ka pa ba pagkatapos mong malaman ang history ng coffee shop na yon?" sabi naman ni Ully.

Tiningnan ko ang oras sa phone ko,mag 7AM na. "I think next time na lang. Napahaba ang usapan natin at talagang antok na ako. See you guys later!"

Ng makalabas ako sa building mainit na ang sinag ng araw. Ayoko ng lalo mahapo dahil dun kaya no choice ulit ako kundi ang mag taxi. Pagkasakay ay nahagip ng mga mata ko yung bago nga Coffee shop,and true,mukhang mabenta nga.

[NOTE - If you'll notice,nababanggit din sa mga nakaraan kong story ang Cafe Sonata at Cafe Sonatina,pero ngayon lang natin makikilala ang mga taong naka dikit ang buhay dito.]

Nang makarating sa bahay ay sobrang hapong hapo na ako. Ngayon ko na pinagsisisihan kung bakit itong trabaho na ito ang pinasok ko. Ito ata ang papatay sa akin. Kaya kahit gutom na gutom na ako ay pinalipas ko na lang at dumiretso na sa kwarto ko. Pagpasok pa lang nakita ko na ang kalendaryo,nasa November pa din ito. Lumapit ako,bumuntong hininga at inilipat na sa December.

Today is December one,at malapit na naman ako sa araw na ayaw kong dumating. Inihagis ko na lang ang katawan ko sa kama,pumikit. Pero naalala ko na naman yung dalawang bata.

"Simbang gabi,hiling,pasko. Bakit madaming excited na dumating kayo?"

-----

"Lime! Bumaba ka dyan! May bisita ka!" katok ni Mama sa pinto ng kwarto ko. Grabe,ang aga pa ah? At sino namang bisita? Wala akong kakilala na dadalaw ngayong araw.

"Opo Ma! Saglit lang!" sagot ko at bumaba na sa kama. Dinig ko pa ang mga yabag ng mga paa ni Mama palayo. Pumasok na ako sa banyo at ginawa ang mga morning rituals ko. Nang masatisfied na ay nagbihis na ako ng damit saka bumaba.

HILING -Christmas Special (boyxboy)- CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon