Wish # 7

4.6K 118 11
                                    

"Kung hindi kita madadaan sa santong dasalan. Dadaanin kita sa santong paspasan." aniya at mabilis na nakalapit sa akin.

"Huh? Anong ibig mong sabihi--"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil lumapat na ang labi nya sa labi ko.

Agad akong pumalag. Pero tulad ng dati,malakas pa din si Kline. Nanginig ako,nanlambot ang mga tuhod ko,parang natunaw ang buto doon kaya napakapit ako sa kanya.

Napapikit ako at dinama ang halik nya. Ka'y tagal kong hindi natikman ang halik nya. Namalayan ko na lang na tumutugon na ako kaya napa ungol sya at mas diniin nya ako sa katawan nya. Nayayanig ako,para na akong nalalasing,at ang puso ko naging erotiko ang pagtibok. Maging ako ay idiniin ko pa ang sarili ko sa kanya. I miss this.

-- PAST --

"Oh? Anyare? Akala ko may date kayo ni Marine?" ang agad kong pansin kay Kline. Naglalakad lakad kasi ako ng makita ko syang naka upo sa tapat ng bahay nila at ang seryoso pa. Agad akong lumapit at nagtanong nga.

"We broke up." maikli nyang sagot. Pero parang hindi naman sya malungkot. Parang naguguluhan pa nga sya.

"Ha? Kailan pa? Bakit parang hindi ka naman sure." ang agad kong sabi. Kaya pala hindi na pumupunta si Marine sa bahay,pati na tong si Kline. Pero dalawang linggo na yon ah?

"two weeks I go. Ako nakipagbreak. Pumayag naman sya dahil mas pagtutuunan daw nya ng pansin ang pagmomodelo sa La Beau." sagot nya at tinitigan ako. There's something in his eyes,the way he looks at me,kaya naman nagkakalabog na naman ang puso ko.

"Im sorry to hear that. Okay ka na ba? Okay na ba sya? Four months din kayo oh. Sayang december na next month." ang sabi ko naman. Kahit naman kasi may nararamdaman na ako dito kay Kline ay hindi ko naman ikatutuwa ang nalaman ko.

"Im okay Lime. Minahal ko sya,its just that I fell out of love. May mahal na akong iba,at iyon ang hindi ko maintindihan." aniya.

"G-ganon na lang yon? Sayang kayong dalawa. You were a perfect couple." bukal sa loob na sabi ko.

"Yeah,pero hindi na mag wo-work out yun,lalo na at wala na kaming nararamdaman sa isa't isa. Mas matimbang ang pagmamahal ko sa bago kong mahal,pero natatakot ako,hindi ko alam na posible pala ito,gusto kong sumubok,pero natatakot ako,bago sa akin ito at talagang naguguluhan ako." mahaba nyang sabi. Peke akong ngumiti,ngayon napagtanto kong wala talagang pag asa ang pagmamahal ko sa kanya.

Parang tinutusok ng madaming karayom ang puso ko dahil sa mga sinabi nya. May mahal syang iba. Ibabaon ko na lang sa limot ang pagmamahal ko sa kanya,ngayon pang hayagan nyang sinabi na nahulog na sya sa iba.

"Edi ipaglaban mo yung pagmamahal mo dun sa bago mong mahal?" ang sabi ko naman. Sa totoo lang,parang gusto ko na syang iwanan at umuwi na lang sa bahay. Kung noon ay nakakaya ko pang magtiis at magpaka manhid sa kanila ni Marine,ngayon hindi na.

"Yun nga ang gusto kong gawin Lime. Pero baka hindi nya ako tanggapin at masira lang ang pagkakaibigan namin." ani nya. Tiningnan na naman nya ako at nag iwas ulit ako ng tingin. Sinong kaibigan kaya niya iyon?

"Edi gawin mo. Mas maganda ng sumugal,kesa magsisi ka na wala kang ginawa. Love is about taking risk,taking chances. Kung isusugal mo ang pagkakaibigan mo para sa nararamdaman mo sa kanya,do it. Magtagumpay ka man o hindi,atleast you tried at may natutunan ka Kline. Mahirap mamuhay sa pagsisisi" mahaba kong sabi. Hindi ko alam kung para sa kanya o para sa akin ba yung sinabi ko.

Lumapit sya sa akin. Hindi ako nagpatinag. Kahit ang totoo,parang gusto ko ng maglaho. Kung bakit naman kasi lumapit pa ako at nagtanong. Edi sana hindi ako nasasaktan sa nalaman,at hindi ako tinatamaan sa mga sarili kong salita.

HILING -Christmas Special (boyxboy)- CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon