Wish # 11

4.2K 132 7
                                    

Napanganga ako sa sinabi ni Kline. Parang bawat binibitawan nyang salita ay bago para sa akin. Hindi ko alam kung bakit parang balewala lang sa kanya ang mga nangyari noon. Dahil ako,matapos kong sapitin ang masakit na pangyayaring iyon,lumayo ako ng mailibing sina Mama at Papa. Kinalimutan ko sila,kinalimutan ko ang nakaraan. At itinuring kong normal na araw ang pasko,hanggang sa mapadpad nga ako sa lugar nina Prem.

"O-okay. Pasensya ka na. Next time magpapa alam na ako. Sige,babalik na ako sa kanila." ang tanging nasabi ko saka tumalikod at naglakad pabalik sa Cafe Sonata.

Bakit ko nga naman kasi sinundan pa sya. Galit ako sa kanya diba? Pero naman kasi napaka traydor ng damdamin ko. Siguro dapat umiwas na ako,hindi na ako pwede ulit masaktan. May ipon pa naman ako,aalis na lang ako sa trabaho,pwede pa sigurong next year na lang ako mag trabaho ulit.

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa paghawak sa braso ko. Alam kong si Kline iyon pero hindi ko nilingon. Pasimple kong kinalma ang sarili para matigil ang pagwawala ng puso ko.

"Lime. Umuwi ka na. Ihahatid na kita,magpaalam ka na sa pinsan ko at mga kaibigan mo." Puno ng awtoridad na pagkaka sabi ni Kline. Napatingin ako kina Khins na nakatingin na sa amin,kunot noo si Khins,nagtataka na siguro.

"Sige. Hintayin mo ako." ang sabi ko at pumasok na. Maayos akong nagpaalam sa kanila kahit na pinipigilan nila ako. Parang bigla nga din ako napagod,parang gusto ko na lang mahiga at matulog.

Hinatid nga ako ni Kline,tahimik lang kami sa byahe,ako iniisip ko kung ano ang pwedeng mangyari. Samantalang sya,hindi ko alam kung anong iniisip. Sobrang nag matured na sya,sobrang mas gwapo sya ngayon. Pero theres something deep inside me na nagpipigil,humaharang na mapatawad ko sya at kalimutan ang ginawa nya. Aminado naman ako na hanggang ngayon ay mahal ko pa din sya,I cant believe na may pagmamahal pa lang umaabot talaga ng ganito,akala ko kasi naglalaho yon.

"Maraming salamat sa paghatid." ani ko ng makalabas sa kotse nya,lumabas din naman sya. "Gusto mo ba munang magkape?" ang alok ko pa.

"No thanks. Pero pwede magrequest?" seryoso nya paring sabi.

"A-ano yon?"

"Pwedeng makitulog? Pagod na ako at sobrang antok. Maaga pa ako mamaya dahil may mga hindi ako natapos na paper works,magkaiba kasi kami ng kita ni Khins eh." ani Kline. True to his words,ng titigan ko syang mabuti ay saka ko lang napansin na namumungay na ang kanyang mga mata.

Wala naman sigurong masama diba? Makikitulog lang naman sya. Haay! Parang kanina lang kinukumbinsi ko ang sarili ko na iwasan na sya,pero ngayon,heto at magkasama kami.

"Sige. Tara pasok ka." ang pagpayag ko. Sa sala ko na lang sya papatulugin.

"Salamat Lime." aniya at pumasok na kami sa loob. Sinabihan ko sya na sa sala matulog,pero nung magising ako ay kayakap ko na sya kaya agad ko syang itinulak. Pareho pa kaming nagkahiyaan na para bang ngayon lang kami nagkakilala.

"Tsk! Male-late na tayo!" nanlalaki ang mga mata kong sabi ng makita ang oras. Pero sya,imbis na tumawa ay ngumiti lang. "Maliligo na ako!" ani ko at nagmadaling pumunta sa banyo.

"Sabay na tayo." aniya at agad nakapasok. Pinagtutulakan ko pa sya sa labas pero matigas ang ulo nya. Sa inis ko ay tinalikuran ko na lang sya. "May damit ako sa kotse. At huwag kang mag alala,wala akong gagawin sayo,gusto kong nakatali ka na sa akin bago ko kunin ang virginity mo. Virgin ka pa diba? Wala naman nangyari satin dati at wala din akong nabalitaan na may iba kang lalaki." ang mahaba pa nyang dugtong,parang nag akyatan sa mukha ko ang lahat ng dugo ko sa katawan at nag init ako. Inis ko syang hinarap.

"Hoy! Hindi naman kasi ako gaya ng ibang bakla na-" natigil ako sa pagsasalita dahil wala na syang saplot. As in! Para sya sculpture na nililok ng magaling na iskultor,magandang biceps,eight pack abs na dati ay hindi ganon,malaki at malapad na dibdib. Hanggang dumako ang tingin ko dun,napasunod ang paglunok ko ng laway,ngayon ko lang yon nakita,bakit malaki kahit hindi pa ano? Bakit uminit ang paligid?

HILING -Christmas Special (boyxboy)- CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon