"Binabalaan kita Climencio. Ako lang ang pwedeng umangkin sayo,akin ka lang,akin lang ang puso mo. Hindi ako papayag na mapunta sa wala ang mga paghihirap ko. Walang kahit sino ang pwedeng umagaw sayo mula sa akin,kahit ang pinsan ko."
Napanganga ako bigla. Bakit ganun sya? Parang siguradong sigurado sya na babalikan ko sya.
"Grabe ka!" yan lang tanging nasabi ko saka sya tinalikuran,lalabas muna ako at magpapahangin. Hindi ko talaga kinakaya si Kline,ang laki ng pinagbago nya.
Nang nasa labas na ako ay bigla kong naisip si Marine. Kamusta na kaya sya? Wala na talaga akong balita pa sa kanya. Hindi din naman kasi nag o-open up si Kline,dahil siguro alam nyang ayaw ko.
"Marine." ang bulong ko sa hangin. Kahit naman trinaydor nya ako ay naging kaibigan ko sya at may pinagsamahan kami. Yun nga lang,hindi maganda ang naging paghihiwalay namin.
"Wala na si Marine." sabi ng isang boses mula sa likuran ko kaya napatalon ako at saka ito hinarap.
"What do you mean? Anong wala na si Marine?" ang kinakabahan kong tanong. Ito ang unang pagkakataon na pag uusapan namin si Marine.
"Pagkatapos ng mga nangyari,ng bigla kang mawala matapos ang libing ng mga magulang mo ay na guilty sya. Inamin nya sa akin na mahal pa nya ako,pero sinabi ko ang totoo,nagulat sya,nag drive at nadisgrasya,dead on arrival sa ospital. Lime,magpatawad ka na,hindi lang naman ikaw ang naging miserable ang buhay. At gusto ko sanang ngayon na din magpaliwanag." mahabang sabi ni Kline.
Sa mga narinig ko ay natigilan ako. Totoo ba iyon? Pakiramdam ko natunaw lahat ng sama ng loob ko. Masyado kong inilayo ang sarili ko. Pero bakit ganun? Hindi ko pa din gustong marinig ang paliwanag nya? Nanariwa sa akin ang gabing iyon,ang tawag,ang kotse,ang pagkamatay nina Mama at Papa at ang pagtataksil nila.
"Ayoko pa din marinig ang paliwanag mo. Oo pinapatawad ko na si Marine,pero hindi ikaw,malinaw pa din na nanloko ka,dahil kung tunay mo akong mahal,kahit ilang babae ang maghubad sa harap mo ay hindi ka papatol." umiiyak ko ng sabi.
"Shit naman Lime! Please dont be stupid! Lasing ako that night,lalaki lang ako,natutukso!" singhal nya sa akin kaya napa atras ako.
"Putang inang rason yan!" sigaw ko din at nag walk out na. Mahirap parin pala kalimutan yon. At mahirap pa din magpatawad.
Nang araw na iyon ay nagkulong lang ako sa bahay hanggang makatulog. Inisip ko ng inisip si Marine,ang masasaya naming araw noon,ang pagkakaibigan namin. Nakatulog akong may mga luha sa mga mata.
-----
December 13,2013
Maaga kong pinapunta si Prem sa bahay. Magpapatulong kasi ako sa kanya kung saang sementeryo ba nakalibing si Marine.
"Hindi ka papasok? Nakakaloka ka! Patay talaga hahanapin natin? My gad!" ani Prem ng dumating. Agad kaming naupo sa sofa.
"Oo,ayaw ko na dun. Itetext ko na lang si Kline. And for your information,hindi basta patay ang hahanapin natin,kaibigan ko yon." sabi ko at binuksan na ang laptop para sya ang paghanapin.
Taas kilay nya akong tiningnan saka bumaling sa laptop. "May kinalaman ang hahanapin natin sa inyo ni Kline no? Nakakaloka ka." hindi ako sumagot kaya nagpatuloy sya. "Silent means yes. So ano ba name nun?"
"Marine. Marine Soledad,dating model sa La Beau." sagot ko at dumikit na sa kanya para tingnan ang ginagawa nya. Madali nya itong nahanap sa google,dahil may article pala tungkol sa pagkamatay ni Marine at kung saan sya nilibing.
Nakaramdam ako ng lungkot at panghihinayang. Pero wala na eh,nangyari na,wala na akong magagawa kundi patawarin sya,at sana ganun din sya sa akin kung nasaan man sya.
BINABASA MO ANG
HILING -Christmas Special (boyxboy)- Completed
RomanceCHRISTMAS SPECIAL - This is a story of hatred,love,forgiveness and acceptance. Let us begin our countdown to Christmas =) . Ang kwentong ito ay matatapos sa mismong araw ng pasko.