Wish # 15

4.2K 113 9
                                    

Agad akong bumangon sa kama at lumabas. Ano kayang ginagawa ni Khins dito? Hindi ba sya pumasok sa Cafe Sonata?

"Khins! Gabing gabi na ah? Tara,pasok ka." agad kong anyaya. Na bothered ako sa pagiging malungkot nya. Ano kayang nangyari?

"Lime,totoo bang kayo na ni Kline?" agad na tanong ni Khins pagkapasok palang sa bahay. Hindi ko alam,pero parang may nagbara sa lalamunan ko. Parang natatakot akong saktan sya. Pero ano pa nga bang magagawa ko? Nasasaktan ko na sya,might as well na sabihin ko na,sabi ko nga dati diba,sooner or later ay malalaman din naman nya.

"Im sorry Khins." ang tangi ko lang nasabi. Napayuko ako ng makita kong nanubig at namula ang mga mata nya. Ganon na ba nya agad akong kamahal?

"Wala pa nga ako sa kalagitnaan ng panliligaw ko,basted na agad ako. Akala ko noon,madali lang mahalin ang mga gaya mo,pero mas matindi pa pala kayo sa babae,ang sakit lang na ang bilis kong nahulog sayo,kung ano man ang dahilan,hindi ko alam." aniya at huminga ng malalim. Hindi ko alam kung paano ko maiibsan ang sakit na naidulot ko. Alam ko ang pakiramdam ng nasasaktan,kaya nga takot ako eh.

"Khins..." ani ko at humugot ng malalim na paghinga. "Mayaman ka,gwapo,sobrang baet,hindi ka mahirap mahalin,pero kasi,may iba akong mahal,mahal ko si Kline noon pa man. Ibig sabihin lang nito,hindi ka para sa mga tulad ko,babae ang kailangan mo,madami naman dyan na naghihintay na mapansin mo." ang dagdag ko pa,hindi ko sya matingnan.

"Sana noon mo pa sinabing magkakilala kayo. Pero ayos lang. Atleast naging tapat ako,hiling ko lang na sana magmahalan kayo ng wagas,magiging masaya ako para sa inyo." ani Khins. Wala akong nagawa ng walang lingon likod syang umalis. Nanatili lang akong nakatayo sa sala.

-----

December 19,2013

Hindi ako nakatulog ng maayos at parang tamad na tamad akong kumilos. Ganito pala ang pakiramdam ng may nasasaktan ka,mabigat at masikip sa dibdib. Kung hindi pa pumasok si Kline sa kwarto ay hindi ako babangon.

"Masama ba pakiramdam mo? May sakit ka ba? Pasensya kung napagod kita." aniya na puno ng pag aalala at kinapa pa ang noo ko kung mainit ba ako.

"Adik!" nakangiti kong sabi. "Nanggaling kasi dito kagabi si Khins,nag usap kami at pinagtapat ko na sa kanya,alam kong nasaktan ko sya,ang bigat sa pakiramdam na may nasasaktan." malungkot ko pang dagdag.

Hinapit nya ako at ihinilig sa matigas nyang dibdib,naka polo sya at amoy na amoy ko ang bango nya. "Okay lang yon Lime,meron talagang dapat masaktan,buti nga hangga't maaga pa nalaman na nya,makaka move on din sya. Huwag mo masyadong alalahanin ang pinsan ko,I know him,he'll get over with it one day." at hinalikan nya ang noo ko. The crazy thing is napawi agad ni Kline ang iniisip ko,ang pag aalala ko.

"Sana nga,salamat ah?" ani ko at tiningala sya. Nginitian nya ako at kinintalan ng mabilisang halik sa labi. "Lasang laway! Maligo ka na dali!" tumatawa nyang sabi pa.

Agad akong tumayo at sinapak sya sa dibdib. "Ganon? Hindi ka makaka score!"

"Ayos lang,nakatatlo na naman ako sayo!" tumatawa nyang sabi. Kinuha ko ang unan at ibinato sa kanya,tumawa lang ang impaktong gwapo.

"Dyan ka na nga! Maliligo na ako!"

Nang makarating kami sa simbahan ay nagdadatingan pa lang ang mga tao,akala ko late na kami. Magsisimula pa lang pala,ito na ang ika apat kong simbang gabi. Taimtim akong nakinig at nanalangin,na sana matapos na ang mga problema,at kung may dadating man ay bigyan ako ng lakas ng loob na harapin ang mga ito.

Natapos ang simbang gabi na magaan na ang pakiramdam ko,at syempre masaya dahil kasama ko ang pinakamamahal kong si Kline. Bumili pa nga kami ng bibingka at puto bungbong sa tabi ng simbahan,nakita din namin si Prem na kasama ang pamilya nya kaya tinawag namin para saluhan kami.

HILING -Christmas Special (boyxboy)- CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon