Lalapit na sana si Kline sa akin ng tumunog ang phone nya. Kinuha nya ito sa bulsa nya ng hindi inaalis ang tingin sa akin. Saglit nyang tiningnan ang phone nya at sinagot ito ng hindi inaalis ang tingin sakin.
"Yes. I'll be there in 15 minutes." yun lang at tinapos din nya ang tawag. "Babalikan kita Lime. Hindi ako titigil." aniya saka lumabas.
Napa upo ako sa sofa.
Bakit ngayon lang sya nagtangkang kausapin ako at magpaliwanag? Halos tatlong taon na ang dumaan,bakit ngayon lang?
Napasandal ako. Sa bagay,hindi ako naglaan ng panahong makinig sa kanya noon o kausapin. Masyadong masakit pa sa akin ang lahat,sa loob ng isang araw ay nasira ang buhay ko at sa araw pa iyon na dapat ay nagdidiwang kami. Ang araw ng pasko.
Ayoko na itong masyadong isipin dahil nandito pa din sa dibdib ko ang sakit,galit at pagkamuhi,na hindi ko alam kung mawawala pa.
Tumayo na ako at tinungo ang kwarto ko. Gusto ko na lang matulog. Para pag gising ay deretso na sa trabaho,sa eksaktong December 10 ay mag resign na ako.
Pagkahiga ko ay tiningnan ko ang phone ko ay may mensahe galing sa unregistered number,binasa ko ito.
From : 090541046**
good morning beautiful :) - Khins.
Napangiti ako. Hindi talaga ako sanay na may nagpapakita ng appreciation sa hitsura ko,lalo na at lalaki. Sa mga baklang tulad ko ay nakakataba na ito ng puso. Pinigil ko ang sarili na magreply,ayoko ng maulit ang dati,tama ng makipag kaibigan ako,pero ang makipag mabutihan? Hindi na siguro,dahil napatunayan ko na,walang lalaki ang seseryoso sa bakla,hanggang pagkakaibigan lang talaga.
Muli kong binasa ang text at dun ko narealize, na beautiful nga din pala ang tawag sa akin ni Kline noon. Ugh! I dont want to talk about him! Im over him! Hindi dapat sya iniisip! Isa sya sa rason kung bakit ako miserable.
Mariin kong pinikit ang mga mata ko,gusto ko na lamang matulog para pag gising deretso na sa trabaho. Nagtagumpay naman ako dahil makalipas lang ang ilang minuto ay nakaramdam na ako ng antok.
-- PAST --
"Hindi ko alam kung bakit kailangan nyo pa akong isama dito sa date nyo. Nananadya at nang iinggit ba kayong dalawa?" ang sabi ko kay Kline at Marine habang nandito kami sa Enchanted Kingdom at naghahanap ng ride na pwedeng masakyan.
"Cause we are obviously celebrating my success!" ang nakangising sagot ni Marine.
"At kinailangan nyo ng chaperone?" pang uuyam ko. Grabe naman kasi,hindi naman kasi ako kailangan dito.
"Huwag ka nga magsalita ng ganyan,hindi masaya pag wala ka. Kasama ka sa mga pangarap namin." ani Kline,umakbay kay Marine at hinalikan ito. Nag iwas ako ng tingin,hindi ko yon kayang tingnan. Mag iisang linggo pa lang ang lumilipas kasi nung mamasyal kaming dalawa ni Kline at mag goodnight kiss sya na lalong nagpagulo sa sistema ko.
"Ay nako! Tara dun na lang sa Wheel of Fate ba yun? Gusto ko makita ang over looking." ang sabi ko na lang. Kaibigan ko sila at ayaw ko namang mainis sa kanila dahil lang sa pansarili kong nararamdaman.
"I think I like that! Ang romantic nun! Airborn kisses!" ang maligalig na sabi ni Marine,nginitian ko na lang sila,pero napalis ang ngiti ko ng mabaling ang tingin ko kay Kline at kindatan ako. Hindi ko maiwasang kumabog ang dibdib ko,kung para sa kanya wala yung kulay,sa akin nagkaka kulay na.
Pumila na nga kami sa Wheel of fate. Buti pumayag na tatlo kami sa isang cart. Panay ang daldal nung dalawa,nakikinig lang naman ako sa mga sweet nothings nila.
At nung tumigil kami sa pinakatuktok,hindi ko mapigilang mamangha. Kitang kita ko ang buong laguna. And I bet,mas maganda itong tingnan sa gabi.
"Hmmn.." ang nadinig ko kaya nilingon ko yung dalawa. Para lang makita na nag pe-french kiss sila,kitang kita ko kung pano mag espadahan ang mga dila nila. Ewan ko,nanikip ang dibdib ko at parang tinutusok tusok ng madaming karayom ang puso ko. Binalik ko na lang ang tingin sa overlooking,hindi dapat ako makadama ng ganito.
BINABASA MO ANG
HILING -Christmas Special (boyxboy)- Completed
RomanceCHRISTMAS SPECIAL - This is a story of hatred,love,forgiveness and acceptance. Let us begin our countdown to Christmas =) . Ang kwentong ito ay matatapos sa mismong araw ng pasko.