December 16,2013
Nagising ako sa sunod-sunod na pagkatok sa labas ng bahay at pagtunog ng cellphone ko. Pupungas pungas na tiningnan ko ito. Si Prem pala ang tumatawag,nanlaki ang mga mata ko at tiningnan ang oras. Alas dos y medya na.
"Hello Prem? Pumasok ka na lang at hintayin mo ako sa sala. Maliligo na ako!" agad kong sabi at binabaan agad sya,nagtatakbo ako papunta sa banyo para makaligo na.
Napasigaw pa ako sa gulat dahil sa lamig ng tubig. Talagang ganito pala kalamig ang tubig pag madaling araw. Ligong manok lang ang ginawa ko at nagbihis na at nag ayos. Paglabas ko sa sala ay nakahalukipkip na naghihintay si Prem kaya nginisihan ko sya.
"May alarm clock ka teh,next time gamitin ah?"
"Pasensya na. San ba tayo magsisimba?" ang sabi ko habang nakaharap sa may salamin.
"Dyan lang sa malapit sa atin,dali na,ayaw kong pumapasok sa simbahan na nagsisimula na ang homily. Tama na yang pananalamin,masyado ka ng maganda teh." aniya kaya lumabas na kami.
Malapit lang naman ang simbahan sa amin. Nakakatuwa lang na ang daming tao na kasabay naming maglakad papunta sa simbahan. May pamilya,may mag tropa,may solo,may mga magkasintahan.
Panay na din ang batingaw ng kampana na talagang ginigising na ang mga tao at nagpapahiwatig na magsimba na. Ganito pala ang simbang gabi? Ang dami na ding mga nagtitinda,nagtataka na tuloy ako kung bakit hindi ko ito alam noon.
Pagdating namin sa simbahan ay madami ng tao,medyo nanindig ang balahibo ko nung humangin,sana pala nag jacket ako.
"Tara na,dun tayo sa unahan habang wala pang masyadong tao. Ayaw kong buong misa eh nakatayo. Ang baricus vein ko baka lumabas." ani Prem na ikinangisi ko.
"Ang hyper mo talaga,tara na,dumadami na ang tao." ani ko at naglakad na kami papunta sa harapan. Kung ako din naman ang tatanungin mas maganda sa harapan para mapakinggan talaga namin ang pari.
Ilang minuto pa ay nagsimula na,ganito pala,may mga sumayaw pa at kumanta,may mga naka costume pa. Nagiging ignorante ako kaya hindi ko maiwasang lumingon lingon sa paligid baka may makita akong kakilala. Nang nagsimula na ang misa ay nakinig talaga ako,ngayon na lang kasi talaga ako pumasok sa simbahan.
"Ang iba sa inyo ay nagsisimba lang para pumorma,para mag picture,ilagay sa facebook at kung anu-ano pang social networking sites,at ang pinaka mabigat ay para masabi lamang na nagsimba sila at pumasok sa simbahan." ani ng pari ng nasa kalagitnaan na ng misa,hindi ako nakailag,tinamaan talaga ako.
"Nagsisimba tayo para kausapin ang panginoon,ang ikumpisal sa kanya ang mga kamalian at kasalanan natin,nagsisimba tayo para sa kanya,at ngayong simbang gabi,nagsisimba tayo para pa din sa kanya,para sa kapanganakan niya. Kinakausap natin ang Siya at humihiling na maging maayos ang buhay natin,ang maging matatag sa mga pagsubok,ang tanggapin ang ating pagkakamali,ang hilingin na sana ay mawala ang mga galit natin at makapag patawad tayo." dagdag pa ng pari. Para akong sinisilihan sa kinauupuan ko,tamang tama at tumatagos lahat ng sinasabi nito.
Habang umaandar ang misa ay lumipad na naman ang isipan ko dahil sa mga sinabi ng pari. Hanggang sa dumating na kami sa pagkanta ng 'Ama Namin' at maghahawak kamay. Oo nga at nagpalingon lingon ako kanina pero hindi ko nilingon ang kaliwa ko since si Prem ang nasa kanan ko. Kaya ganon na lang ang gulat ko ng may humawak na kamay sa kaliwa ko at nakuryente ako.
Si Kline! Anong ginagawa nya dito? Ugh! Simbang gabi malamang,pero bakit dito?
Tiningnan ko sya,pero diretso sa pari ang tingin nya,pero ang higpit ng hawak ng nya sa kamay ko. Nilingon ko si Prem pero parang wala syang pakialam. Wala tuloy akong nagawa kundi ang makikanta at hintaying matapos ito. Sa buong oras ng pagkanta namin ay walang tigil sa pagkalabog ang dibdib ko,feeling ko nga ay nangangatog ako.
BINABASA MO ANG
HILING -Christmas Special (boyxboy)- Completed
RomanceCHRISTMAS SPECIAL - This is a story of hatred,love,forgiveness and acceptance. Let us begin our countdown to Christmas =) . Ang kwentong ito ay matatapos sa mismong araw ng pasko.