Wish # 9

4.3K 118 5
                                    

"It really feels great na magdampi ulit ang mga balat natin Lime. Ganon pa din ang reaction ng katawan ko,at ganon pa din ang nararamdaman ko. Niyayanig pa din ako hanggang ngayon."

Dahil sa sinabi ni Kline ay parang bigla akong nakuryente,napabitaw ako sa kamay naming magkahawak. Hindi ko maiwasang maalala yung mga araw na nagsisimula na kami. Yung mga araw na palapit na sa araw na kinasusuklaman ko.

--- PAST ---

Naging ganon na nga ang set up namin ni Kline. Naging consistent sya sa panliligaw sa akin. Pakiramdam ko,tunay akong babae. Kahit sina Mama at Papa ay nililigawan din nya,dahilan kung bakit mas naging malalim ang pagmamahal ko sa kanya. Ang noon na akala ko ay hanggang tanaw na lamang ay heto at sinusuyo ako,sinasabi at pinaparamdam na mahal din nya ako.

"San tayo pupunta?" tanong ko sa kanya kahit na ramdam ko ng sa bahay nila kami pupunta. Ngayon pa lang ako makakapunta at makakapasok dun sa loob ng ilang taong magkakilala kami at hindi ko maiwasang kabahan sa naiisip ko.

"Alam kong alam mo kung san tayo pupunta. Ipapakilala na kita kina Mom and Dad." aniya habang hila hila ako. Lalo tuloy kumalabog ang dibdib ko. Paano pag hindi nila kami natanggap? Pag tinakwil nila si Kline? Hindi ko ata kaya yon.

"Ha? Ah eh? Sa ibang araw na lang."

Tumigil sya sa paglalakad at tinitigan ako. "Hindi pwede. Nangako ako na ipapakilala ko sa kanila ang tunay kong mahal bago magpasko."

"Naipakilala mo na si Marine diba?"

"That's a very different story Lime. Ikaw ang mahal ko. Ikaw ang kasama ko. Kaya tara na." at muli nya akong hinila. Wala na akong nagawa. Bahala na nga,hindi naman siguro masamang iparamdam ko na din ang pagmamahal ko at ipaglaban ito.

Pagdating namin sa kanila ay sinalubong kami ng maid nila. Nasa dining hall na daw ang mga magulang nya at naghihintay kaya tinungo na namin ito. Pero ganon na lang ang paglaglag ng mga panga ko sa aking nakita.

Sina Mama at Papa! Anong ginagawa nila dito?

"This is a family dinner date." sabi ni Kline na nakangisi ng tingnan ko sya. Muli akong napabaling sa hapag kung saan lahat sila ay nakangiti at sa amin nakatingin. Anong nangyayari?

"Maupo na kayong dalawa para makakain na tayo." ani ng Dad ni Kline. Napalunok ako bigla ng sunod sunod. Magkatabi kami ni Kline,sa harap namin ang Mama at Papa ko,katabi nya Mom nya at nasa dulo ang Dad nya,sa pwesto ng haligi ng tahanan. Ngayon ko lang nakita sa malapitan mga magulang nya,maganda at gwapo pa din sila.

"I never thought na sa ganito hahantong ang lahat. Pero dahil mahal namin ang nag iisa naming anak,tinanggap namin." ani ng Dad ni Kline sa gitna ng pagkain namin.

"Alam naming hindi namin sya nabantayang mabuti. Pero ngayon babawi kami at susuportahan sya." dagdag naman ng Mom nya.

Kinakabahan ako kaya hindi ako makakain ng maayos. Pero gusto kong sumabat,hindi pa naman kasi kami ni Kline e.

"Kami din naman. Kahit kailan kasi ay hindi namin nahalata o napansin na may pagtingin pala sila sa isa't isa. Lalo na nung naging si Marine at Kline." ang pagsabat naman ni Papa.

"Uhm,mawalang galang na po,pero hindi pa naman kami ni Kline." ang pagsingit ko sa usapan nila kaya sa akin natuon ang atensyon nila.

"Dun din naman tayo papunta." nakangising sabi ni Kline.

"Tama ang anak ko. Basta,kung magkakatuluyan kayo hanggang sa huli. Gusto kong bigyan nyo kami ng mga apo galing mismo sa inyo. Hindi na yon imposible ngayon." sabi naman ng Dad ni Kline. Napanganga ako bigla. Bakit parang ang layo agad ng usapan at napunta na sa mga apo?

HILING -Christmas Special (boyxboy)- CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon