CHAPTER 1

384 25 9
                                    

Rave's POV

*Kriiiiiiiiiiing*

Arrrrrgh! That bullsht alarm clock! Inaantok pa ako. Kaya nung nahagip ko yung lecheng alarm clock na yon ay bigla kong ipinaltok kung saan at hinayaang mabasag. Kabwiset! Agang-aga ang ingay!

'Anong silbi ng alarm clock ha? Taga-kanta ng lullaby para mapahaba yang tulog mo at tanghaliin ka?' Sigaw nung boses sa utak ko.

Sinampal-sampal ko naman yung noo ko dahil sa mga nagsasalita sa loob nito.

Bat ba ang aga ng alarm ng alarm clock ko? Teka-bakit ako may alarm clock eh hindi naman ako nag-aalarm?

Minulat ko ang mga mata ko at kinuha ko ang phone ko. Tiningnan ko sa calendar kung ano bang meron ngayong araw at

"FIRST DAY OF SCHOOL NGAYON?!" Bigla akong napasigaw at agad na bumangon sa kama ko.

Tiningnan ko ang oras sa wall clock ko at buti di pa ako masyadong malelate.

Dali-dali akong nagpunta sa banyo ko at agad na naligo. 8 minutes lang ako naligo ngayon, hindi gaya ng kapag ordinaryong araw eh 45 minutes ako naliligo.

I did my morning rituals. But not totally 'rituals' kase nagsuklay lang ako tapos nagpulbo. Err-ayoko ng masyadong kaartehan sa katawan.

Tumingin ako sa salamin kung mukha na akong tao at nag-isip kung ano pang kulang ko bago ako bumaba. Umikot ako at nahagip ng paningin ko ang bag ko.

Tama! Yun nalang ang kulang. Hindi na ako nag-abala pang tingnan ang loob nito.

Pagbaba ko, naabutan kong kumakain ang aking Kuya at prenteng-prenteng nakaupo.

"Oh Auravhelle, kain ka na." Sabi ni Kuya.

"Kuyaaaaa! Wag mo nga ako tawagin ng pangalan na yan! Naiirita ako!" Sabi ko at padabog na umupo sa upuan na katapat ni Kuya.

Nag-chuckle naman sya. "Arte mo! E yun naman talaga ang pangalan mo." Sabi nya sakin at nilagyan ng bacon yung pinggan ko.

"Basta Kuya! Mas prefer kong 'Rave' ang tawag sa akin. Pag nga umuwi na sina mommy papapaltan ko yung pangalan ko sa birthcertificate ko." Sabi ko at nagsimula ng kumain.

Pinaltok naman nya ako ng crumpled tissue. "Baliw ka! Hindi pwede yon!" Sabi nya at kumain na ulit.

Binato ko rin sya. Yung mas malaki. Kasinglaki ng fist ko yung crumpled tissue na binato ko sa kanya. "Kuya! Basta! Papapaltan ko yon. Masyadong pang-babae yung pangalan na yon atsaka ang haba." Sabi ko sa kanya at kumain na rin ako.

"Baliw ka talaga. Oh, by the way, buti effective yung alarm clock na nilagay ko sa kwarto mo at nagising ka nang maaga." Sabi nya sakin.

Kumuha naman ulit ako ng tissue at cinrumple ko ulit yon at ipinaltok ulit sa mukha ni Kuya. "Kuya naman eh! Ikaw pala may pakana nung lech-alarm clock na yon! Inaantok pa ako!" Muntik na akong makapag-mura sa inis. Antok na antok pa kaya ako.

Like Hello?! Tinapos ko pa yung 5th Episode ng Final Destination. Dapat nga tatapusin ko lahat ng episode kaso inantok na ako.

My Sadist SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon