CHAPTER 6

114 13 0
                                    

Rave's POV

"Kasalanan mo 'to eh!" Sisi ko dito sa lalaking kasama ko. Di ko sya kilala eh. Basta yung lalaking kabatuhan ko kanina.

"Huh? Ako pa ngayon ha? Eh ikaw nga diya yung basta-basta namamaltok ng ballpen!" Protesta naman nya saken.

Naglalakad kami ngayon papuntang detention room para kumuha ng detention slip.

"E hindi ko nga yon sinasadya! Ikaw jan yung gumanti!" Sabi ko ulit sa kanya at nauna nang maglakad.

"Kahit na! Hindi kaya ako papayag na babatuhin ako tas di ko lang papansinin? Di ako manhid uy!" Sabi nya at sinabayan akong maglakad.

"Nag-enjoy ka naman kanina nung nagpapaltukan tayo ah? Kita kita jan tawa nang tawa kanina!" Sigaw ko sa kanya.

"Mas lalo naman ikaw! Kita na nga yang gilagid mo katatawa nang malakas!" Aba't.

Sumosobra na 'tong lalaking to ah! Bibigyan ko muna 'to ng isang upper cut!

Kellmer's POV

"Mas lalo naman ikaw! Kita na nga yang gilagid mo katatawa ng malakas!" Sabi ko sa kanya.

Sumama naman yung tingin nya saken pagkasabi ko non.

Syempre joke lang yung sinabi ko sa kanyang yon. Sinabi ko lang yon para mainis siya.

Ang cute nya kaya kanina habang tumatawa-Teka?

May sinasabi ba ako? Wala diba? WALAAAAAA.

Maya-maya biglang pumunta sa harapan ko si Rave at humarap sa akin.

At biglang..

*BOOOOOOOOOOOOGSH*

"Aray!" Sabi ko at hawak sa may baba ko.

"Bat ka baga nanununtok?! Ha!?" Sabi ko. Alam nyo kung anong ginawa nya? Binigyan lang naman ako ng isang upper cut.

"Hindi ko sinasadya. Maniwala ka." Sabi nya at nauna nang maglakad.

Aiish. Kakaiba talaga 'tong babaeng 'to!

Basta-basta nalang nanununtok.

At isa pa, siya pa lang ang babaeng nanakit sakin ng ganito.

Pero dahil sa ginawa nya, lalo nya akong ginawang mas maging interesado sa kanya.

//

Pagkabigay samin nung detention slip, sabi samin maglinis nalang daw kami ng kalat mamaya pagkatapos ng audition sa mga clubs.

Well, hindi naman ako first time na nadetain.

Madami na rin akong naging kaso dito sa school.

Like yung nakipagtulakan ako habang nakapila kami sa canteen kaya natapon yung mga pagkain, tapos nung may ibang taong tumambay sa tambayan ko.

Mga ganyan. Kahit na parents ko ang may-ari ng school na 'to, hindi naman pwedeng maghari-harian ako. Minsan ganun ako pero hindi naman 'to pinapalampas ng mga teacher ko at laging detention ang punta ko.

My Sadist SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon