CHAPTER 23

38 2 0
                                    

Rave's POV

Paggising ko, wala na sa tabi ko sina Pristine at Andra pero nasa loob pa rin ako ng tent.

Inaantok akong lumabas ng tent pero nagulat ako dahil nandun si animal sa labas.

"WAAAAAAAAH!" Bigla syang sumigaw.

Muntanga ang animal na 'to. Narindi ako sa kanya kaya nasapok ko sya sa ulo.

"Kuya? What happened?" Tanong ni Bulateng si Kallix tapos napatingin siya sakin.

Tas maya-maya, sumigaw na din sya kaya napaltok ko siya ng isa kong flipflops.

Lumapit naman si Kian at akmang sisigaw na din sya pero dumating na si Pris at Andra galing sa loob ng bahay.

"BAT KAYO SUMISIGAW?" Sigaw ni Pristine. Ulaga talaga 'to. Siya din naman nasigaw eh.

"Hey wait! Manahimik nga kayo. Ano bang nangyayari sa inyo?" Tanong ni Andra sa kanilang tatlo.

"M-may... May.... m-multo..." Nanginginig na sagot ni Kian.

Whut? Tumingin ako sa likod, kaliwa at kanan ko. Wala naman.

"Ha? Na-uulol ka na ba? Bakit magkakamulto dito eh tanghaling tapat. Wag kang talkshit." Naiinis na sabi ni Pristine.

"Ayan oh." Tumuro sakin si Bulate.

Nagkatinginan kaming tatlo...









"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Tawa naming tatlo.

Putek, ako pala yung multo? Hahahaha LT hanep.

"Bat kayo tumatawa? Di ba kayo natatakot jan? Malay mo doppleganger yan ni Rave!"

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" Putek. Sakit ng tiyan ko katatawa. Tapos sina Andra nakalupagi na.

"Taena tinawanan lang tayo." Nasusurang sabi ni animal.

"Hoy teka nga! Mamaya na kayo tumawa!" Naiinis na din si Kian.

Pero laptrip pa din kami dito.

Nang kumalma na si Andra, siya ang nagpaliwanag.

"Walang multo at hindi multo si Rave, okay? Nakakashookt lang talaga yung mukha niya tuwing umaga."

"May insomnia kase siya. May mga days or weeks na di siya nakakatulog, kaya yung eyebags niya, lumaki nang ganan." Mahabang pag-eexplain ni Andra.

"Eh bakit sa school hindi naman ganyan itsura nan?" Tanong ni Kallix. Di pa rin satisfied.

"I put creams." Ako na ang sumagot.

"That's the reason why di siya pwedeng matulog sa ibang bahay." Sabi pa ni Pristine.

Mukhang na-satisfied na yung tatlo. Naglagay na ko ng cream sa ilalim ng mata ko, baka kasi pati yung mga katulong nila dito sa bahay eh matakot sakin.

Pagkakain ng lunch ay umuwi na din kami kase magbabasketball pa daw yung tatlo.

^

"CLASSMATES! ANNOUNCEMENT!!!!!!" Sigaw ni Pristine habang kinakalampag pa yung teacher's table.

Nakinig naman yung iba, tumigil sa kanilang mga ginagawa at itinuon ang atensyon kay Pris. Wala eh, takot sa President. Hahaha.

"Next month, foundation week na. So dahil foundation week na yon, dapat may isang booth tayo. Mag-isip kayo ng pwedeng theme natin then sabihin niyo sakin. Walang grade ang hindi magpaparticipate!" Sigaw ni Pristine.

"What if wedding booth? Yie tas ipapakasal ako kay Kallix! Kyaaah!"

"Or kaya jail booth?"

"Parang maganda yung jail booth! Lagyan nalang natin ng twist!"

My Sadist SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon