CHAPTER 22

49 4 1
                                    

Kellmer's POV

"HOY KIGGA ANDRA! MALI NGA KASE! GANITO DAPAT OH!" Reklamo ni Pristine kay Andra.

Nandito kaming anim sa study room. Yes, kaming anim. Dahil nung nalaman nina Pristine na dito samin gagawa ng project si ampli, sumama na din sila ni Andra. Kaya kagulo kami ngayon.

Nakita ko namang nagtatawanan si Kallix at ampli everytime na magkakamali sila.

Si Pristine at Andra naman, nagrarambulan na don at naglalabasan na ng malulutong na mura.

At kami naman ni Kian, tapos na! Well, ako lang talaga yung gumawa kase itong isa, inasar na ko nang inasar. Selos daw ako kay Kallix. The fvck.

"Ayan tapos na tayo!" Kallix exclaimed.

"Galing natin, bulate!" Sabi ni Rave at nahampas sa braso si Kallix.

"Aray, Rave!" Reklamo ni Kallix. Pero tinawanan lang siya ni ampli.

Napairap naman ako. Tss. Abnormal talaga. May time na sobrang saya nya at may time din naman na sobrang lungkot. Wait, parang may mali eh.

"Bitches! Hey!" Tawag ni ampli kina Andra.

"ANO?!" inis na sabi nila. Di pa rin sila magka-igi.

"Inaantok na ko." Sabi ni ampli.

"Di ka na naman ba natulog?!" Inis na tanong ni Pristine pero ngumiti lang si ampli.

"Dun ka muna sa guest room habang hinihintay mo sila." Suggest ni Kallix.

"NOOOOOO! BAWAL MATULOG SI RAVE SA IBANG BAHAY!" Sigaw ni Pristine. Ang dami namang ka-ek-ekan. Umuwi nalang kaya siya?

"Umuwi ka nalang." I said habang nakapoker-face.

"Mabuti pa nga." Ampli.

"Di pa kami tapos!" Pristine.

"Hintayin mo kami." Andra.

Sabay sabay talaga sila. Tss. Mga abnormal.

"Edi dito ka na muna Rave." Nakangiting sabi ni Kallix kaya napairap ulit ako. Pangisi-ngisi naman si Kian. Bwiset talaga.

Tumayo ako. "Hala nag-walk out." Rinig kong sigas ni Kian.

Dumiretso ako sa kitchen at naghanap ng chocolates sa ref. Good thing meron pa. Yung last time na bumili ako ng chocolates ay binigay ko lahat kay ampli eh.

Kinuha ko yon at bumalik sa study room.

Inabot ko yon kay ampli at bumalik na sa inuupuan ko kanina.

Nakita ko naman syang nakangiti habang binubuksan yung chocolates.

"Bakit kami wala?" Reklamo ni Pristine.

"Di naman kayo
-asdfghjkl" di na natuloy ni Kian yung sinasabi nya kasi napaltok ko na agad sya ng throw pillow.

"Uy animal, thank you!" Nakangiting sambit ni ampli, tinanguan ko lang sya.

Habang busy sila sa kani-kanilang ginagawa, pasimpleng napatitig ako kay ampli. Kitang-kita yung saya sa mukha at mata nya habang kinakain yung chocolates. Tss. Napaka-transparent.

Bigla naman syang napatingin sakin kaya iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya.

-

"Ayan! Tapos naaa!" Sigaw ni Pristine at nagtatatalon pa.

"Anong oras na ba? Baka hinahanap na ko." Tanong naman ni Andra.

"11:35 na mga bes." Sagot ni Kian na nagpalaki ng mata nilang dalawa.

My Sadist SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon