CHAPTER 29

29 1 0
                                    

Rave's POV

Magkakasama kaming anim—Ako, Andra, Pristine, Kallix, Kian at animal—na naggagala dito sa school.

Mukha kaming magtotropa at magkakaibigan. Pero walang official date at agreement na naging magkakaibigan kami. But that's least important. Im enjoying their company anyway.

Kanina pa kami palakad-lakad dito, wala pa kaming napupuntahang booth.

"Maglalakad nalang ba tayo forever?" Inis na tanong ko sa kanila.

"Walang forever, bitch." Sabi ni Pristine kaya inirapan ko siya. Walang base.

"Guys, di kayo kasali sa sportsfest?" Tanong ni Andra sa mga lalaking kasama namin.

"Hindi. Nakakasawa ng manalo." Taas-noong sagot ni Kian kaya nahampas ko siya sa braso. Hambog.

"Aray naman, Rave!" Reklamo niya pero inirapan ko lang.

Tatawa-tawa lang yung magkapatid. Tss. Wala namang nakakatawa.

Napatingin ako sa DSLR camera na nakasabit sa leeg ni animal. Di naman niya ginagamit. Ano yon, props niya lang ganern?

"Kian, samahan mo ko dun sa mga darts!" Wika ni Andra kay Kian at hinigit niya yung kamay ni Kian.

Wtf? Dun na naman sa pinuntahan naming booth kahapon, di pa nagsasawa si Andra?

"Bakit di tayo yung sinama ni Andra?" Nakalabing tanong ni Pristine. Napatawa naman ako.

"Alam niya kasing di siya makakakuha ng moral support satin. Hahaha." At tinawanan naman ako ni Pris.

"Ang weird niyong tatlo no?" Ewan ko kung insulto o ano yung sinabi ni Kallix eh. Inirapan lang namin siya ni Pristine.

"Ay nga pala, Kallix samahan mo ko dun sa booth natin dali!" At hinila ni Pristine ang sleeves ng damit ni Kallix.

"Oo na, oo na." Parang napipilitan na sabi ni Kallix. Hahaha parang bata 'tong bulate na 'to.

Wala akong kasama, iniwanan nila ako—

"AMPLI!"

"ANIMAL KA!" nagulat naman ako kaya nahampas ko yung katabi ko.

"Kanina pa kita tinatawag!" Inis na sabi ni animal sakin. Nakakunot na naman ang noo niya.

Kaya naman humarap ako sa kanya, at lumapit sa mukha niya. Nakita ko namang lumaki yung mata niya. Hahahaha mukhang tanga.

"O-oy ampli! A-anong g-gagawin m-mo?" Nauutal niyang sabi. Gusto kong matawa pero pinipigilan ko.

Hinawakan ko yung noo niya at inunat yon. Hahahaha. Nagulat siya sa ginawa ko.

"Ayan, wag mo ng ikukunot 'yang noo mo ha? Panget ka na nga, papanget ka lalo." Sabi ko at tinawanan siya nang malakas. Hahahaha.

"Damn you, ampli!" Sabi niya sakin pero tinawanan ko lang siya. Hahaha.

Habang tumatawa ako, itinapat niya sakin yung camera niya at nakarinig ako ng pag 'click'.

Ngayon siya naman ang tumatawa. "Hahahaha. Ampli look. Yung gilagid mo kitang-kita oh!" At tumawa na siya nang tumawa hanggang sa namatay siya.

Pero syempre charot lang yung namatay siya. Hahaha.

Inapakan ko nalang yung paa niya para tumigil siya katatawa.

Lintek na animal 'to!

Nakakita ako ng cotton candy kaya naglakad ako papunta doon. Bahala ka dyang animal ka.

My Sadist SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon