CHAPTER 15

59 5 0
                                    

Kellmer's POV

Hassle talaga sakin tong saklay na to. Punyeta kasi yang amplifier na yan eh!

Pagdating namin sa room ay wala na namang kaming teacher pero nakita ko sa white board na may gagawing activity.

Nung papunta na ako sa upuan ko ay nahagip ng paningin ko kay ampli na nakatungo. Tss. Naiinis na naman ulit ako!

Pero may naalala ako. Hahahahahahahaha. May kasunduan nga pala kami. Tsk tsk tsk. Siguro dun nalang ako gaganti sa kanya.

Napangisi naman agad ako sa naisip ko. Tss. Ang talino mo talaga Kellmer Clint hahahahahahaha.

Nung nagawa ko na ang activity, nilabas ko yung phone ko at tinext si ampli.

To: ampli
Hoy ampli! Sumama ka sakin mamayang dismissal.
Sent ✔

Tiningnan ko sya sa pwesto nya. Pero parang di nya kinukuha phone nya. Tsk.

"Hoy ampli!" Sigaw ko. Lumingon sakin mga kaklase ko.

"Kayo ba si ampli?" Inis na sabi ko sa kanila. Agad naman inalis ang paningin sakin.

Di pa rin natitinag si ampli, nakayuko pa rin sya sa table nya.

Kaya pumilas ako ng papel sa notebook ko at nagsulat don.

Hoy ampli! Magreply ka! Nagtext ako! -Kellmer

Cinrumple ko yon atsaka ibinato kay ampli.

At syempre, sapul sa ulo nya.

Tumunghay sya at kinusot muna ang mata bago nakita yung crumpled paper. Binuksan nya yon at nakita ko ang pagka-kunot ng noo nya. Kinuha nya ang ballpen at tsaka nagsulat. Tumingin sya sa may pwesto ko at pinagtaasan ng kilay. At saka ibinato sakto sa mukha ko. Pakshet!

Tiningnan ko yung isinulat nya.

Ang panget mo magsulat

Pambihira! Nonsense talaga makipag-usap sa ampli na yun. Kala nya naman ang ganda ng sulat nyang cursive. Tabingi pa!

Inis ko syang tiningnan at ayun, nakayuko na naman dun.

Ishinoot ko sa trash can yung papel. Pambihira! Bat kasi umasa pa akong makakausap ko nang ayos yung babaeng yun!

May dalawang subjects pa kami bago mag-dismissal.

Pumasok yung next teacher namin at nag-iwan ng activity. At humingi ng sorry dahil busy daw sila sa upcoming Acquaintance Night, bat ba pinagkakaabalahan pa nila yun. De bale kung sportsfest yun at dapat talagang bigyang oras, eh party lang naman yun. Di naman sila kasali dun at students lang.

Natapos ko agad ang activity at maya-maya ay lumapit sakin yung isa sa mga minions ng pinsan kuno kong si Amanda.

"Uhm, Kell? Pwede bang ikaw ang first dance ko sa Acquantance Night? Please? Last year na naman natin." Pabebe nya sabi. Tsk. Wala ako sa mood.

"Get out of my sight." Sabi ko at sumenyas na umalis. Paiyak na sya nung umalis at bumalik sa chair nya.

Tiningnan ko si ampli at nakita ko syang nakangiti habang nakikipag-usap kay Andra at Pristine.

"Dude, mukhang napapadalas ang tingin mo jan kay Rave ah?" Biglang sumulpot si Kian sa tabi ko kaya nasuntok ko sya. Buti hindi napalakas.

"Aray dude! Ang sadista mo! Argh!" Sabi nya habang hawak ang panga.

"Bat ba kase bigla-bigla kang nagsasalita jan!" Inis na singhal ko sa kanya.

"Pakyu. Buti di masyadong malakas." Sabi pa nya.

"Sorry, okay?" Sabi ko sa kanya itinuon ang paningin sa harapan.

"So, napapadalas nga ang pagtitig mo jan sa ampli mo! Hahahaha." Pang-aalaska pa nya.

"Ulul hindi. May deal kasi kami at nag-iisip ako kung pa'no ko sya papahirapan." Sabi ko sa kanya. Knowing Kian, lagi syang nagjjump into conclusion.

"Anong deal naman yan?"

"Diba sya may kagagawan nito sakin, magiging slave ko sya hangga't injured pa ako." Nakangising sabi ko.

"Oh edi pahirapan mo na! Hahahaha Im sure babawi agad sayo yun kapag magaling ka na. Hahahaha." Tawa pa sya nang tawa atsaka tinapik ang balikat ko at bumalik na sya sa pwesto nya.

Next subject, buti nalang at naglesson yung teacher namin kaya di masyadong boring.

Dismissal.

Nagsilabasan na yung mga kaklase ko. Nauna na din si Kian. Wala si Kallix ngayon kase pinatawag sya sa office kaninang pagkapasok namin. May papagawa na naman si Ate dun.

Naiwan naman ako, si ampli, si Pristine at si Andra.

"Hoy ampli!" Sigaw ko pero si Andra at Pristine ang humarap.

"If you're calling our BBF, call her in her name! Not in your childish codename to her!" Sabi ni Andra. Ang seryoso naman nito.

"Whatever you say." Sabi ko at kinuha ang bag ko. Lumapit ako sa kanila at hinila ang braso ni ampli. "You will come with me either you like it or not." Sabi ko at hinila sya papalabas pero dahil may pesteng saklay ako, di ko sya mahigit nang ayos.

"HOY KELLMER! ALAM MO BANG PWEDE KA NAMING KASUHAN NG KIDNAPPING!" sigaw ni Pristine.

"Ulul hahahaha ang OA mo Pris." Tawa naman ni Andra.

"San mo ba ako dadalhin?" Inis na tanong ni ampli sakin.

"Oh. So.. You already forgot about our deal, aren't you?" Nakangising sabi ko.

Walang sabi-sabi ay sinuntok nya ako sa mukha.

"Argh!" Nabitawan ko sya at agad na napahawak sa parte ng mukha ko na tinamaan nya.

Tumawa naman yung dalawa nyang kaibigan.

"What the fck!? Bakit mo ko sinuntok!?" Galit na sigaw ko sa kanya.

"That was your fault!" Kalmadong sigaw-I mean sabi nya sakin.

"Ikaw naman kasi Kellmer, ayaw nyang basta-basta sya hinahawakan. At ikaw, hinigit mo pa sya. Hahahaha." Sabi ni Pristine. Wtf?

"Pwede mo naman kasing sabihin sa kanya nang ayos." Sabi ni Andra.

"Tsk. I texted her and she didn't even look at her phone." Di ko alam kung bat parang obligado pa akong mag-explain sa mga to! Bwisit!

"Hmm. Baka wala sya sa mood magbasa ng text." Sabi ni Andra. Tf? Pati ba sa pagbabasa ng text, kailangan ng mood?

"Punyeta ang iingay nyo. Bitches, una na kayo. Sasamahan ko lang 'tong animal na to pabalik sa zoong pinagmulan nya." Natatawa pang sabi ni ampli.

"Okay. Ingat-si Kellmer sayo. Bye bitch!" atsaka pinakyuhan ni Andra at Pristine si ampli. Kumaway lang si ampli sa kanila habang nakangiti.

"Oh tara na!" Sabi ni ampli at nauna nang maglakad sakin.

Napailing ako sa kawirduhan ng tatlong yun. Tch. Tawagin ba namang bitch ang bestfriend nila? Teka, bat ko ba pinoproblema yun. Tsk. Ang kailangan kong isipin ay kung pano ko papahirapan tong ampli na to.

My Sadist SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon