CHAPTER 14

58 6 0
                                    

Kellmer's POV

Nakita kong tumulo ang luha ni ampli. Natatakot siguro. Pero ang weird na pareho pala kaming takot na mastucked.

"Rave, are you alright?" Nag-aalalang tanong ni Pristine.

Pero umiling si ampli at tuloy pa rin ang pagpatak ng luha nya.

"Argh ampli, stop crying, will you!?" Inis na sambit ko sa kanya.

Tiningnan niya lang ako at umiyak ulit.

Nakita ko namang parang ang sama ng tingin sakin nung isa pa nilang kasama.

"Kellmer please, kung may hard-feelings ka sa kaibigan namin dahil sa ginawa niya sayo kanina, isantabi mo muna. Wag mo siyang sigawan." Kalmadong sabi sakin ni Pristine.

"It's not about that okay? I just don't want to see a girl crying." Sabi ko sa kanila.

"Edi pumikit ka dude!" Sabi ni Kian at nagtawanan sila ni Kallix. Tch. Kung kelan seryoso ako dito.

Sinamaan ko naman sila ng tingin at tumalikod para di ko makitang umiiyak si ampli.

Wala naman akong hard feelings--nah oo meron nga akong hard feelings sa kanya pero di naman ako ganun ka-immature para sigawan siya nang ganun.

Ayoko lang talagang may nakikitang babaeng umiiyak. Parang may kung anong kumikirot sa puso ko pag nakakakita ako ng babaeng umiiyak, at nakikita ko personally.

"Tumawag na ako kay Ate at sinabi kong na-stucked tayo. Papaayos na daw niya agad at wag daw tayo mag-panic." Sabi ng kapatid ko.

Nainis ako lalo na hindi ko nga nakikitang umiiyak si ampli, naririnig ko naman ang paghikbi niya.

Tch. Kaya di na ako nakapagpigil at nilapitan ko siya.

Lumuhod ako kase nakalupagi siya sa sahig.

At hinawakan ko ang magkabilang balikat niya.

Pokerface siyang tumingin sakin habang patuloy pa rin ang pag-agos ng mga luha niya.

"Look ampli, stop crying okay? Everything will be alright." Seryosong sabi ko sa kanya.

Tumango naman siya sakin at tumungo.

Tumayo na ako at kinuha ang saklay ko at halatang gulat yung apat sa ginawa ko. Tch.

Nakita ko namang nakangisi si Kallix at si Kian naman ay nakangiti ng nakakaloko.

Sinamaan ko naman ng tingin silang dalawa.

Tahimik lang kaming anim at hindi na rin masyadong malakas ang paghikbi ni ampli.

Tss. Buti naman.

Lumipas ang kalhating oras na ganun lang kami.

At bumukas na ang pinto ng lift.

At nasa 6th floor kami.

Pagkabukas ay nakita ko agad si Ate.

My Sadist SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon