CHAPTER 12

82 6 2
                                    

Rave's POV

"Auravhelle." Tawag sakin ni kuya.

Nandito kasi ako sa kama ko. Past 10 o'clock na pero nakahiga pa rin ako. Wala lang, nakakatamad lang bumangon. Wala naman akong pupuntahan today eh.

"Auravhelle." Tawag ulit sakin ni kuya.

Di ako naharap.

Bakit? Wala lang tinatamad lang ako.

"Auravhelle Chrystalline Miller. Tatayo ka jan o extended yung no chocolates-" napabangon agad ako.

"YES KUYA BAT MO AKO TAWAG?" sabi ko.

"Pristine and Andra are there downstairs. They want to talk to you." Sabi ni kuya sakin. Uhm sana may dala silang pang-peace offering.

"Alright. Bababa na ako." Sabi ko at naglakad palabas ng kwarto ko.

Di naman ako galit sa kanila hahaha. Gusto ko lang na bigyan nila ako ng peace-offering.

"And please, don't hurt them okay?" Sabi sakin ni kuya nang madaanan ko sya paglabas ko sa pinto ng kwarto ko.

"Don't worry kuya. Wala naman akong gagawin sa kanila." Sabi ko at tumawa ng malakas. Hahaha.

Pagbaba ko ay nakita ko silang nakaupo sa couch at parang may pinagtatalunan.

"Ehem." Umismid ako para manotice nilang nandito na ako.

"Hi Rave. Uhm-ano kase.." Umpisa ni Andra.

"Uh-Rave uhm.." Sabi naman ni Pristine.

Gusto kong matawa pero pinipigilan ko. Mga halatang takot 'tong dalawa.

"Rave kase naman wala talaga kaming balak na-" pag eexplain ni Pristine but I cut her off.

"Did I say that you two will explain?" Pokerface na tanong ko sa kanila.

Sabay naman silang umiling.

"And in the first place, I don't need your explanation."

Iirapan ko na sana sila kaso nahagip ng mata ko yung dala nilang paperbag.

Na-enlighten agad yung mood ko.

"Wait, chocolates ba yan?" Excited na tanong ko sa kanila.

"Ahh yes?" Sagot ni Andra.

Kinuha ko agad yun at hinila sila.

"Tara sa kwarto bilis! Baka makita ni kuya." Pagkasabi ko non ay hinigit ko na sila. Di na naman sila nakapalag eh.

"So Rave, galit ka samin? Sorry na." Sabi ni Andra. Ako naman ay busyng-busy sa pagbibilang ng mga chocolates na dala nila.

"Uhm Rave, ako talaga yung may kasalanan eh. Wag ka ng magalit, please?" Sabi naman ni Pristine.

Ako'y natatawa na ewan eh.

"Kaya mas madaming chocolates yung akin kesa kay Andra." Sabi nya ulit.

69 pieces kasi yung chocolates at 35 yung kay Pristine while 34 naman yung kay Andra.

My Sadist SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon