CHAPTER 24

33 2 0
                                    

Kellmer's POV

NO. IT'S A BIG NO.

I kept on shooking my head. Well, after niyang lumabas sa music room ay lumabas na din ako nang hindi niya napapansin.
Naiisip ko pa lang na magkakagusto ako dun sa abnormal na amplifier na yon, nandidiri na ako. What more pa kaya kung magkakatotoo?

Nandito ako sa living area ng bahay namin at katapat ko si ate na busy sa laptop niya.

Napansin niya yata na iling ako nang iling kaya tinanong niya ako.

"What's bothering you, Clint?" She used to call me that way. Ang panget daw kasi nung Kellmer.

Dahil close naman kami ni ate, I decided to open up with her.

"Ate, do you reached the point of your life na may isang taong sobrang kinaiinisan mo kahit wala siyang ginagawa?" I asked.

Napakunot naman ang noo niya.

"Hm. Perhaps, yes. Can't remember." She said habang busy pa din sa pag-tatap ng keyboard ng laptop niya. She's a busy person, dahil nga dean/principal siya ng university namin.

"Why do you feel that to a person?"

"It's either insecure ka, or may affection ka. As simple as that. Sige na una na 'ko. Madami pa 'kong tatapusin. Goodnight, Clint." She said then went upstairs with her stuffs.

Napaisip naman ako sa sinabi ni ate. Insecure? Maybe. Kase nag-eexcel kami pareho sa almost lahat ng bagay, especially academics. But I don't bother anyway, I know kaya ko siyang higitan. But the latter, affection? What the hell? That's a gross thing.

"Kuya!" Tawag sakin ni Kallix habang pababa ng hagdan, interrupting my thoughts.

"What?" I irritately asked. May naiisip ako dito, istorbo siya.

"Which one do you prefer? This blue cap or this pink cap?" He asked seriously. Like a child. Tsk. He's already 16 and he must have know how to decide on that kind of thing.

"The blue one." I answered. "That pink is so gay."

Napatitig naman siya dun sa dalawang saklob na hawak niya.

"Right. Thanks, Kuya." He said then went upstairs, to his room.

I erased all my thoughts about ampli and decided to sleep.

^

Day after. We, Kian and Kallix, are walking along the school ground when we saw those three bitches, I mean Pristine, Andra and also, ampli.

Dahil lumapit silang dalawa, wala akong choice kundi lumapit na din sa kanila.

"Uy Rave, may bibigay nga pala ako sayo." Kallix said.

Nagtaka naman ang mukha ni ampli. "Ano naman yan Bulate? I'll be glad kung chocolates ang mga yan." Ampli said. Tss dami na agad nasabi, di naman hinihingi opinyon niya. Napairap nalang ako sa hangin.

Kallix gave her a medium sized box. Agad naman itong binuksan ni ampli and guess what, it's the cap that Kallix showed me last night.

Napangiti naman si ampli. "Thank you Bulate! But how did you know that I love blue?" She asked.

Napatingin naman sakin si Kallix. "Actually, Kuya chose that one. He helped me to decide whether it's blue or pink."

Kumunot naman ang noo niya. "Pink? Eww so gay." She said na parang nandidiri.

It's a funny thing that I also said that. Masyado siyang gaya-gaya.

Natawa naman si Kallix. "Ganan din sinabi ni Kuya eh."

"Uy Kallix, bakit mo naman binigyan si Rave ng gift? Birthday ba niya, ha?" Pasaring na tanong ni Pristine.

"Selos ka lang." I said at tumawa naman silang lahat except Pristine.

"Pakyu ka Kellmer!" Galit na sabi sakin ni Pristine.

Hahahaha.

"Ano naman? Gusto mo din ba? Sige next week bibigyan kita." Sabi ni Kallix. Hahahaha.

"Ang sama niyo kay Pris! Alam niyo namang hopeless romantic 'tong kaibigang kong 'to eh. HAHAHAHA." Sabi ni Andra. Kawawa naman si Pris.

"MGA HAYOP!" Sigaw ni Pristine samin.

Napansin ko namang tawa nang tawa si ampli. Nakikita ko na naman yung gilagid niya.

"Oy wag ka-titig. Napaghahalataan." Bulong sakin ni Kian at agad kong inapakan ang paa niya.

"OUCH." Angal niya.

Natawa lang sila samin.

Sabay-sabay na kaming pumunta sa room namin. Dahil nasa likod nila kami, napatingin ako kay ampli na nakatalikod.

"Tsk. Tinamaan ka 'no dude?" Bulong na naman sakin ni Kian.

"Pakyu. Ikaw tatamaan sakin. Ang ingay mo."

^

After class, nagpunta ako sa office ni ate.

"May classmate kang Auravhelle?" She asked.

Auravhelle? Familiar pero parang wala akong kilalang may ganung pangalan.

"None." I answered.

"Are you sure?" Ate asked again.

"No. But I'm not familiar with my classmates. I don't care about them at all." I answered.

Di na ulit nagsalita si ate kaya tinapos ko na yung paper works ko. Yes. Like a chairman comittee. Tsk. Wala kasi akong choice, it's an order from my parents kaya kailangan kong gawin. Kahit 4th year high school pa lang ako, ang dami ko nang pinagkaka-busyhan.

When I finished all of those, lumabas na ako ng office.

On my way sa parking lot, I heard someone called me. And I know who's that someone. She is the only one who called me that way.

"Animal!"

"What?" I asked.

"Can you come with me?" Im shocked on what she said.

Di pa nag-pprocess sakin yung sinabi niya.

"What again?" I asked.

"I asked if you can come with me? Remember the last time you took me home when I got asthma?" She asked.

I nodded.

"I'll pay you." She said.

"No. I don't need your money. Your th-"

"Shut up! I want to make it up to you. So are you free this weekend?"

Napakunot ang noo ko.Seryoso ba talaga siya dito?

My Sadist SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon