CHAPTER 9

78 9 2
                                    

Rave's POV

BULLSHT.

Makakatanggap na naman ako ng undying sermon kay Kuya mamaya nito for sure.

Alam kong nagsumbong sina Pris at Andra e. Hindi naman kase sila masyadong obvious kanina nung tinakbuhan nila ako *insert my sarcasm here*

Nagpasundo nalang ako sa driver namin at nandito na ako ngayon sa kama ko, nagpapagulong-gulong at nag-iisip ng pwedeng ipangdahilan kay Kuya.

Pero kinakabahan ako. Baka magrounded na naman ako.

Pano na ang mga chocolates ko?

"Aaaaargh! Nakakainis kayo Pristine at Andra!" Sigaw ko at gumulong ulit.

"Stop blaming them, Aurhavelle. It's all your fault." Sabi ni Kuya pagkapasok na pagkapasok nya sa kwarto ko.

"Pero Kuya! I'll explain okay?" Sabi ko at umupo na sa kama ko.

Umupo naman sya sa couch sa kwarto ko.

"Talagang mag-eexplain ka. At pag lame yang reason mo, huh! Humanda ka!" Seryosong sabi ni Kuya.

Kinakabahan ako. Pano na yung chocolates ko?

"Now, iexplain mo sakin yung nakipag-away ka daw dahil lang sa nasipa yung i.d. ni Pristine, at yung nakipag-batuhan ka at napadetention, at tinakasan mo pa. Explain it all. NOW." Sabi ni Kuya.

Dear Utak, alam kong matalino ka. Pero please, tulungan mo akong magpalusot. Parang-awa mo na. For the sake of my chocolates, para-

"Ano na Aurhavelle? Explain." Sabi ulit ni Kuya.

"Eto na nga. Mag-eexplain na. Atat e." Sabi ko at umirap.

"Aba't-" magsasalita pa sana si Kuya pero pinutol ko na yon.

"O? Sabi mo mag-explain na ako tas dudugtungan mo pa yung sermon mo? Yung totoo Kuya? Lokohan tayo?" Sabi ko at umirap.

Naggaganyan-ganyan lang ako pero ang totoo, nag-iisip ako ng ipang-dadahilan ko kay Kuya.

Pero wala talaga akong maisip!

Kaya no choice kundi sabihin kay Kuya ang totoo.

"Aiish. Eto na nga. Tss. About dun sa i.d. ni Pris, hindi naman talaga ako yung nang-away. Sya yung nagsimula ng gulo. Alangan namang hayaan ko sya? Im not that dense no! At alam mo ba Kuya, muntik na nya akong sampalin. Kaya ang ginawa ko, pinilipit ko yung braso nya. Aba! Di naman yata ako papayag na sampalin ako nung hipon na yon. Ikaw nga di ako sinasampal tapos sya sasampalin ako, huh! No way!"

"At dun naman sa nakipagbatuhan ako, ganto kase yon. Ako yung unang nakatama pero di ko yon sinasadya. Bored ako non kaya napagtripan ko yung ballpen ko pero tumalsik yon at tumama dun sa animal na nakawala sa Zoo. Tapos binato nya rin sakin, then nagbatuhan na nga kami. That time wala yung teacher namin pero maya-maya dumating din at naabutan kaming nagbabatuhan kaya napa-detention kami.

"At yung sa tumakas akong maglinis, kase nga tinatamad ako. Napagod ako nung nag-audition tapos paglilinisin ako? Noooo! Di ako pumayag. Kaya umuwi nalang ako."

My Sadist SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon