CHAPTER 7

113 11 4
                                    

Rave's POV

UGH! Mamatay na sana yung lalaking yon at sana mamilipit yung tonsil nya! Sabi nang magbaback-out na ako e.

Psh. So, no choice na ako ngayon kundi maging kapartner 'tong ANIMAL na 'to!

Nagpunta na akong backstage. At yung kapartner ko? Nakasunod lang sakin.

Nung nakita ko yung dalawang vacant seats, pumunta ako don at umupo.

Yung katabi kong ANIMAL, naka-earphones lang at nakapikit.

Aish. Dahil wala akong time para titigan lang yang kumag na yan, kinuha ko yung phone ko sa bag at naglaro ng favorite game ko.

COLOR SWITCH.

Wag maaarte. Favorite ko yan kaya wag kayong umapela.

Yess! Mabibeat ko na ulit yung high score ko sa Black and White .

Enjoy na enjoy ako sa paglalaro nang may lumapit saming babae at sinabi yung number namin.

Hulaan niyo ..




















































pang 61th pair lang naman kami -,-

Ang OA talaga! Sobrang tagal pa namin bago makapag-perform at panghuli pa kami.

Haays. Salamat nalang sa phone ko at hindi ako maboboring..

Nang biglang ..

*toot toot toot*

"What the!"

Kellmer's POV

Habang nakikinig ako ng music ay biglang may sumigaw sa tabi ko.

Sino bang katabi ko?

Minulat ko yung mata ko at tiningnan ko kung sino ang sumigaw na yon.

Nakita ko ang inis na mukha ni Rave.

Hahaha ang cute niya talaga kapag naiinis siya.

Nakita kong padabog na inilagay niya yung phone nya sa loob ng kanyang bag.

Binalik ko ang atensyon ko sa pakikinig ng music.

"Aiish! Ang boring talagaaa!" Narinig kong sigaw ulit ni Rave.

Grabe talaga tong babaeng to! Nasa maximum na nga yung volume ng ipod ko naririnig ko pa rin yung nakakairitang boses niya. Parang may amplifier na nakakabit sa vocal cords niya eh.

Maya-maya naramdaman kong kinukulbit niya ako.

"Peram ng earpiece." Sabi niya at kumura.

Natawa naman ako sa itsura niya kase para siyang bata.

"Oh! Wag ka nang maingay ha!" Sabi ko sa kanya at ibinigay yung isang piece ng earphone ko.

My Sadist SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon