CHAPTER 27

32 1 0
                                    

Rave's POV

"Omg bitches tara duuun!" Hila-hila kami ni Andra dun sa darts booth. Ang cucute ng mga prizes nila.

Ngayon ang first day ng foundation week namin. And one week din kaming walang klase!

We're free to go to any booth pero syempre may bayad. And attendance is a must kahit walang klase.

Nagbayad na si Andra ng ticket para samin.

May 10 darts kami and kailangang maka 8 na shot para makakuha ng prize.

Di kami nakakuha ng prize kasi mahirap din siya.

Nasa open audi ang mga booth kaya ang init so I decided to tie my hair in a bun—messy bun.

"Ate wala bang daya tong booth nyo?" Inis na sabi ni Andra. Gustong gusto niya kasi makuha yung puppy na stuff toy.

"Wala po. Maybe lady luck is not with you today." Sabi naman nung student na naka-assign sa booth.

"Hahaha. Okay lang yan. Push mo pa hangga't di ka pa nakaka-one thousand sa booth na yan." Tumawa naman kami sa sinabi ni Pristine.

Si Andra nalang yung naglalaro, kami ni Pris suko na.

Inilibot ko yung mata ko sa mga booth. Ngayon lang kasi ako naka-attend ng mga ganito kasi walang ganitong event sa past schools ko.

May nakita akong booth na may darts din pero animals yung tatamaan mo, imbis na balloons.

Speaking of animal, di ko na ulit nakakausap yon simula nung nagpunta kami sa EK.

It's been a week na di ko nakakausap yon. Baka busy siya but I don't care.

"OMGGGGGGGGG!" Sigaw ni Andra nang sa wakas ay nakuha na niya yung gusto niyang puppy.

Natawa kami ni Pristine and we decided na pumunta sa ibang booth.

"Oy Pristine! Pumunta ka don sa booth natin aba!" Wika ko kay Pristine.

"Ayoko nga. Hahaha. Hayaan mo na yung mga kaklase natin dun. Gusto nilang magbantay eh." Sabi ni Pristine.

'Tong president na 'to.

"If I know, gusto lang nilang manghuli ng pogi para sila yung ikasal." Tumawa naman kaming tatlo sa sinabi ni Andra.

Di pa namin nakikita yung itsura ng booth ng section namin kasi nag volunteer na yung mga kaklase namin na sila na ang bahala sa lahat.

"Tara don sa may pagkain." Yaya ko sa kanila kasi nagugutom na ko.

"Let's go." Naglalakad na kami papunta sa foodies booth. Ang dami nilang sweets do'n and also, chocolates.

Nauuna akong maglakad kina Pris at Andra.

Nag iisip na ko kung anong bibilhin—

"BITCH TAKBO!" Sigaw ni Pris at Andra kaya napaharap ako sa kanila.

But it's too late kasi two girls grabbed my arm.

Classmates namin 'to! Sh!t don't tell me..

"Hi ateng naka-bun ang buhok. Kailangan mong sumama samin." At hinila na nila ako palayo.

Sumama naman sina Pris at Andra.

"Titingnan lang namin kung anong itsura ng booth natin." At nagtawanan silang dalawa.

How to unfriend these bitches?!

Pagkarating namin sa jail booth, nakita kong may mga prison din doon na naka-bun ang hair.

My Sadist SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon