CHAPTER 5

124 16 7
                                    

Kellmer's POV

Pagpasok ko sa room, nagkakagulo sila. Tsk. Lagi naman eh. Porket ako daw yung Prince nila.

"Hi Prince Kell." Sabi nung kaklase kong babae na ngpapacute. WTH. Kell? Close kami?

Di ko nalang siya pinansin at nagpunta sa upuan ko.

"Yo!" Bati sakin ni Kian.

Tinanguan ko lang siya at nilagay ko yung earphones ko sa tenga ko.

"Tahimik mo na naman." Sabi niya at tinanggal yung isang earpiece.

"Wala ko sa mood." Sabi ko at nilagay ulit yung earpiece sa tenga ko.

Nagshrug lang siya at umalis na sa harapan ko.

Siya ang bestfriend kong si Kian. Bata pa lang kami ay best buddy ko na siya.

Well, siya lang at yung kapatid ko ang itinuturing kong tunay na kaibigan.

Lahat kase sila di ko makasundo dahil moody ako.

Silang dalawa lang ang nakakaintindi sakin.

Like awhile ago, nung sinabi ko kay Kian na wala ako sa mood, gets na nya yon.

Wala akong sakit about sa pagiging moody ko. Yung pagkamoody ko naman e pwede kong makontrol. Kaya choice ko kung magiging moody ako or what.

I am Kellmer Clint Willams. Mga kaclose ko lang ang tumatawag sakin ng Kell, pero yung mga FC, nakikitawag din.

My parents are the owner of this school.

Wala pa akong nakakasundong babae maliban sa ate ko.

Nung nabored na ako sa pakikinig ng music, tinanggal ko na yung earphones ko.

Pumasok naman si Amanda, yung pinsan kong basta. Not totally cousin kase step-daughter lang siya nung auntie ko pero kung maipagmalaki niya yon, wagas.

Kinuha ko yung notebook ko at nagbasa ng notes.

Masipag ako mag-aral 'cause Im running to be our batch Valedictorian.

Kaya kahit na boring ang mga pinag-aaralan namin, no choice ako kundi mag-aral nang mag-aral.

"Arrgh! Nakakainis yang babaeng yan ha! Hindi niya kinikilala kung sino ang kinakalaban niya!" Rinig kong sigaw ni Amanda.

Di ko nalang siya pinansin. At nagpatuloy sa pagbabasa.

"Oo nga eh. Kala mo kung sino! Baguhan lang naman siya dito. Ang lakas ng loob niyang kalabanin ang Queen Bee ng WU!" Im sure sabi yon ng isa pa niyang kaibigan.

Maya-maya biglang tumahimik sila. As in yung tahimik na tahimik. Parang may dumaan na anghel kumbaga.

Tumunghay naman ako para tingnan kung bakit sila nagsitahimikan.

And there. Nakita ko si Pristine na may kasamang dalawang babae.

Hindi pamilyar sakin ang mukha nung dalawang babae. Baka transferee.

My Sadist SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon