CHAPTER 33

73 1 0
                                    

Rave's POV

Hayyyy ang boring!

Nababadtrip lang ako pag naaalala ko yung last na pag-uusap namin ni animal last week.

Yup, isang linggo kaming di nag-uusap at di nagpapansinan. Di na rin kami nakakatagal sa isang lugar na magkasama. Except sa room syempre, magkaklase kami eh.

Like kapag nasa cafeteria kaming anim, it's either siya or ako ang aalis para mawala ang awkwardness. Pati kasi yung apat ay nadadamay samin.

Nagkalkal ako ng bag ko para maghanap ng ballpen, wala lang trip ko lang magsulat. Pero cellphone ni Pristine ang nakita ko.

Inihabilin nga pala niya ito sakin sa school, nakalimutan kunin ng bruha.

Dahil bored na bored ako dito sa kwarto, humiga ako at napagtripan kalikutin ang phone ni Pristine.

Picture niya ang nasa lockscreem habang naka-pout at naka-wink. Para sakin, sa aming tatlo, si Pristine ang pinakamaganda. Kahit na napakaarte at napaka-OA niya. Di ko lang talaga sinasabi dahil lalaki ulo nun.

Sunod naman ay si Andra, maganda din siya pero mas nakakaakit ang ganda ni Pris eh.

At syempre last ako, oo. Di ako nagagandahan sa sarili ko. Bukod sa dahil malaki ang eyebags ko, hindi rin ako mahilig mag-ayos. Suklay suklay lang keri na.

Balik tayo sa phone ni Pristine, may password.

I typed anggandako

WRONG PASSWORD

anggandakosuper

WRONG PASSWORD

Aish ano bang password nito?

Uhmmmm

anggandakosuperb

Napairap nalang ako nang magbukas yung phone ni Pris. Oh diba hindi naman siya masyadong conceited dyan.

Pero eto ang nakaka-shock.

Ang wallpaper niya ay picture ni..



















































BULATE?!?


AS IN
































































KALLIX CLINTON WILLIAMS?!

SHET

Gulat na gulat talaga ako! Kala ko talaga binibiro lang nina Kian si Pristine pero totoo pala???

Di ko tingnan yung messages kasi di ko naman ugali na mang-invade ng privacy so I decided na tumingin nalang sa photos.

Tiningnan ko isa-isa ang mga albums. Yung iba pictures ng pagkain, yung iba screenshots, yung iba naman pictures naming tatlo at karamihan pictures niya.

Pero may isang album na nakakuha ng atensyon ko.

❤❤❤ ayan yung pangalan ng album kaya nacurious ako at naghinala.

Binuksan ko ito at OMG tama ang hinala ko.

Puro nudes-de joke puro pictures ni Kallix a.k.a. bulate.

Puro nakangiti na para bang siya ang nakahawak ng phone. Parang sinave niya lang ang mga 'to mula sa facebook.

Kung may gusto talaga si Pristine kay Kallix, OMG I'm gonna help her!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Sadist SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon