CHAPTER 17

47 1 0
                                    

Rave's POV

Leche naman kasi yung animal na 'yon eh! Pinagbuhat ako ng mabigat tas pabalik-balik pa ako.

"Take me home.. Please." Sabi ko sa kanya matapos kong dalhin yung mga chocolates.

Gabi na rin at pagod na din ako. Gusto ko pang awayin at suntukin siya pero feeling ko talaga wala na akong lakas.

Punyeta kasi talaga yang animal na yan! Nanggigigil ako sa kanya. Matapos niya akong utuin na bibigyan niya ako ng chocolates pinagbuhat pa ako ng sobrang dami.

Nahihirapan na talaga akong huminga kaya next time nalang ako babawi sa animal na to.

Itinuro ko lang sa kanya ang daan papunta sa village namin. Di na ako masyadong umiimik dahil feeling ko, aatakihin na ako.

Nang nasa tapat na kami ng bahay namin ay kinuha ko lang ang gamit ko ang nagdere-deretso na lumabas sa kotse.

Pagpasok ko ng gate at pinto ay agad akong sinalubong ni yaya.

"Oh Rave hija, bakit ginabi ka?" Hindi ko na magawang sagutin si Yaya. "Kanina ka pa hinihintay ng Kuya mo." Sabi niya at bumilis na ang paghinga ko hanggang sa natumba na ako sa sahig.

"Auravhelle!"

Then everything went black.

//////

Pagkamulat ko ng mata ko ay nasilaw ako sa sobrang liwanag kaya napabangon agad ako.

"Auravhelle!" Rinig kong boses sa tabi ko. Si Kuya.

"Are you okay? How do you feel? You want something to eat?" Sunod-sunod na tanong ni Kuya.

"Eeeeeeee Kuya! Ano bang ginagawa ko dito?! DUH nasusuka ako sa amoy dito! Iuwi mo na ako! Don nalang ako sa bahay!" Nakasimangot na pagmamaktol ko sa kanya.

Pero binatukan nya lang ako.

"Ano na naman bang pinaggagagawa mo at inatake ka na naman ha! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi ka pwedeng magpagod?! Alam mo naman yang sakit mo diba?! Dalawa-dalawa yan pero ano?! Napakatigas ng ulo mo! Diba Kuya mo ako!? You must obey me!" Introduction ni Kuya sa sermon nya. Oo. Intro pa lang yan. Oh debaah, ayan ang sinasabi ko sa inyong undying sermon. Pero inunahan ko na agad sya.

"Kuya, I'll explain, okay? At ikaw! Ikaw ang may kasalanan nito! Diba sinabi mo dun sa animal na 'yon na bigyan ako ng punishment dahil sa ginawa kong pagtulak sa kanya sa hagdan!? Alam mo ang parusa nya sakin!? Pinagbuhat nya lang naman ako ng malalaking 20 plastic bags na may lamang chocolates! Alam mo namang nag-ccrave ako sa chocolates dahil pati ikaw pinagbawalan ako diba? At Kuya, we both know na Kuya kita! I disobey you sometimes but it's very often! Im sorry, okay? Sorry. Sorry. Sorry." Naiiyak na sabi ko.

Nagulat din siya at agad nya akong niyakap.

"Sorry, Auravhelle. I meant what I say but still, Im sorry. Masyado lang talaga akong nag-alala sayo." Sabi ni Kuya habang hinahalikan ang buhok ko.

Buti pa si Kuya, nag-aalala sakin. Eh sina mommy at daddy kaya? Do they still care about me?

Sht.

Biglang nag-pop sa utak ko yon kaya naiyak ako nang sobra.

"Kuya..." I said between my sobs.

My Sadist SoulmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon