Kabanata 17

26 4 0
                                    

AYOKONG NAKIKITA KANG PALAYO SA AKIN.


Hindi padin ako umuuwi sa bahay namin alam naman ni nanay na dito na muna ako sa condo ni Tine. Andito kami sa sofa ni tine, nanonood siya nang tv at ako naman ay inaayos ko ang bagong bili kong sim card, pangatlong araw ko na dito salamat kay tine dahil may mga damit siyang nasusuot ko, binili nila ako kahapon ni Jake nang panty. Nagaaway pa daw sila kung magkakasya daw ba sa akin o hindi. 'Mga abonormal' e.

Lumapit si Jake kay tine at niyakap ito. Hindi naman siya pinansin ni tine dahil busy sa panonood nang tv. At saka bumaling nako sa cellphone kong nilalagyan ko na nag simcard.

"Pupunta dito si Ryo.." Sabi niya sa amin dalawa ni tine, pero ako lang lumingon.

"Bakit?" Tanong ko kay Jake.

"Ibibigay niya yung invitation."

"Anong invitation?? Ikakasal na ba siya?" Sabi ni tine, sa wakas ay natinag din sa panonood tinignan ko ang tv, patalastas naman pala. Hinintay ko magsalita si Jake.

"Hindi, babe. Ano kaba, birthday niya this coming Friday nagpa party sila tita. 21 years old na si gago e." Sabi ni Jake na tumatawa.

"Oh? Invited ba kami?" Sabi ni tine.

"Oo, naman babe.. Invited kayo." Malambing na sabi ni Jake kay tine.

"Makikita ko na si Ryenne, miss ko na iyon e. Kamusta na si ryenne?" Sabi ko kay Jake.

"Gusto mo, papuntahin ko din dito? Ipasama ko kay Ryo wala namang din ginagawa iyon sa bahay nila e." Sabi ni Jake sa akin.

"Talaga? Hindi wag na.." Sabi ko.

Maya maya pa ay dumating na si Ryo, si jake ang nagbukas nang pintuan para dito. Pagpasok ni ryo ay may dala-dala siyang pizza at icecream.

"Wow!! Sarap naman niyan." Sabi ko na parang bata.

Pumunta si ryo, sa gawi namin para ilagay sa table ang dala-dala niya.

"Nag abala kapa! Hindi naman kami mahilig sa Icecream e." Sabi ni tine pero siya ang unang nagbukas nang ice cream na dala ni ryo. Napailing nalang ako.

"Kamusta ka, tonete?" Sabi sa akin ni ryo tinabihan niya ako.

"Maayos na naman ako, pumunta ka daw dito kasi ibibigay mo invi, san na?" Sabi ko at nilahad ko ang kamay ko sa kanya at saka ngumiti.

Kinuha niya ang bag niya at saka nilabas ang invitation. "Eto oh." Bigay niya sa akin.

"Hm, formal? Ano kaya pwede kong masuot sa birthday mo? Panigurado.. Madaming mayayaman doon sa party mo no?" Halakhak ko.

"Mayaman din naman kayo ah?" Sabi ni tine sa akin.

"Hindi naman kasing yaman nito!" Pagturo ko kay Ryo.

Binasa ako ang venue nang birthday party niya.. Nagulat ako dahil ang layo..

"Bakit bakit batanes gaganapin ha?" Sabi ko kay Ryo.

"Doon ang gusto nila mommy hindi nadin kasi nila nabibisita ang resort." Sabi ni Ryo.

"Wow!! Makakapunta ulit ako doon.. Kung saan ko na meet si Jake." Sabat naman ni tine at saka dumating si Jake.

"Hm, diko alam.. Papaalam muna ako kila daddy ko?" Sabi ko sa kanila.

"You don't need to, nakausap ko na ang parents mo about that." Sabi sa akin ni ryo at nilagay ang kamay niya sa likod inakbayan niya ako at nailang naman ako.

LET IT BE (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon