Kabanata 6

37 4 0
                                        

SMALL WORLD


Nagising ako sa alarm clock, today is Saturday at ngayon ang party sa bahay nila coleen, dalawang araw ako naghanda para sa party.


Nung isang araw bumili ako nang dress na susuotin ko, busy si tine kaya hindi siya nakasama sa mall nang umalis ako, at kahapon sinundo ni tine sa airport and kapatid nya na si Christoffer galing sa new york that's why ako ulit magisa umalis. Pumunta ako sa salon kung saan ako nagpapaayos lagi.


Regular nako sa salon nayun, kaya alam na nila ang dapat gawin saakin, isa lang ang pinabago ko ang kulay nang buhok ko, blonde na ang buhok ko ngayon since alam kong bagay naman sakin..


At ngayon, babangon nako para kumain sa baba. Naabutan kong nagluluto si nanay Rosie.


"Hm, ang bango nang niluluto nito nay Rosie ha?" sabi ko sabay bukas nang ref at uminom ako nang tubig


"Oo naman no, jan ka na muna at matatapos na din tong niluluto ko."


"Amoy palang masarap na, pero sorry nay Rosie, onti lang makakain ko may party kasi mamaya kila Coleen."


"Ay ganun ba nak, sige ienjoy mo mamaya yung party"


Pumunta ako sa sala, at nagcellphone ako. Nagtext si coleen sakin.


Coleen: See you later!


Naisipan kong tawagan si tine "Hello? Kamusta? Walang paramdam ha!" Bungad ko sa kanya. Narinig ko ang tawa niya sa kabilang telopono.


"Eh, syempre may oras nako sayo ngayon! Hm, don't worry hahatid ako ni Tope, mamaya kaya hindi ako magpapasundo sayo." Humalakhak siya


"Maiba tayo, kamusta si tope?" panga-musta ko sa kapatid niya


"Ayos lang siya tonete, may paparty sa isang bar sa BGC! I don't know pa kung kelan basta I'll update you, okay?"


"Alright, see you later." Binaba ko na ang tawag pumunta nako sa kusina dahil andoon na ang pagkain sa lamesa


"Nay, tara na kain na tayo. Sabayan niyo nako." Inabutan niya ko nang plato, at sabay na kami kumain.


"Nga pala nay, baka gabihin nako sa paguwi wag na kayo magabala magpuyat, okay bayon?"


Um-oo nalang si nay Rosie, saakin. Mahilig kasi mag-alala itong si nanay rosie kaya nagsabi nako nang maaga.


Natapos na kami kumain, at umakyat nako sa kwarto ko at tinawagan si Dein ang make up artist ko pag may event. Inayos ko na ang susuotin ko at bumaba nako sa baba dahil baka nasa baba na si Dein.


"Nay, andyan naba si dein?" tanong ko kay nay rosie habang bumababa ako sa hagdanan

LET IT BE (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon