A/N
Sorry, ngayon lang busy sa school. Charot! Yes, busy nga kasi.. Madami akong ginawa ngayong week. Hahahaha!! Tsaka di na ako pwede magaupdate nang madaling araw kasi 7am class ko :( hayy tas 4am gising ko, ano ayaw niyo ko patulugin?? Hahaha charr! Thank you sa paghintay, 5days late lang naman. hehek
-----
Don't leave me
CALVIN'S POV
Araw araw akong nasa labas nang bahay nila Tonete, pero wala padin nagsasabi sa akin kung nasaan siya, miski sila tine ay hindi sinasabi sakin. Natatakot ako, natatakoT akong mawala si Antonete sa buhay ko, natatakot ako.. Kailangan namin magusap. Hindi kami pwede maghiwalay, pero hindi. Sobrang mali ang nagawa ko sakanya. Isa pa don ang ginawa ni Eunice sa akin. Wala akong kaalam-alam na pinaglaruan ako ni Eunice. Hindi ko alam kung ano gusto niya..
Andito ako sa tapat nang bahay nila Tonete ngayon.. Sana ay nandito na siya, miski si nanay rosie kahit na alam niyang nasa labas ako ay hindi niya ako pinapapasok sa bahay nila. Diko alam.. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nawawala na ako sa sarili ko, napapabayaan ko na ang sarili ko simula nung nangyari.
Biglang bumukas ang gate nila tonete, lumabas ang kotse nila. Kahit na hindi ko alam kung sino ang nasa loob ay sinundan ko 'to, dahil wala namang ibang isasakay ang kotse nila kundi si tonete lang, sinundan ko hanggang sa nawala sila sa harap nang kotse ko, pero binilisan ko padin ang takbo ko, batid kong alam nilang sinusundan ko sila kaya bumibilis ang pagtakbo nila nang sasakyan. Sa dinadaanann namin ngayon ay papunta silang airport.. Bakit? Bakit sila papunta don? Ihahatid ba si tonete? Aalis siya? Iiwan niya ba ako? Kailangan ko siyang pigilan sa pag alis niya.. Hindi ko kaya, hindi ko na alam magagawa ko sa sarili ko kung iwanan na niya ako nang tuluyan..
Huminto ang sasakyan nila sa tapat ni tine kasama si jake at andoon din si Ryo.. Diko maalis sa sarili ko na hindi magalit lalo na't nilahadan nang kamay ni ryo si tonete pababa nang sasakyan..
"DAPAT AKO ANG GUMAGAWA NYAN! TANGINA!" Hinampas hamapas ko ang manebela. Nakita kong kinuha pa ni Ryo ang bag ni tonete. At naglakad na sila papasok, agad agad akong lumabas nang sasakyan ko. Tumakbo ako papunta kay tonete, hinila ko ang mga kamay niya.
"Antonete.. Mage-explain ako please.." Sabi ko, pagharap niya ay nakita ko ang pag kairita niya.. Tinitigan niya ako ulo hanggang paa, siguro ay diring diri siya ngayon sa itsura ko. Oo, magiging ganto ako pag iniwan moko, baby...
"Hindi, saka na pag ready nako harapin ka. Kayo nang Eunice mo, pabayaan mo na ako. Wag ka gumawa nang eksena dito calvin." Sabi niya sa akin. Saan niya nahuhugot ang mga sinasabi niya sa akin? Bakit hindi niya muna ako pakinggan.. Kahit na alam kong imposibleng maniwala siya sa akin, ay susubukan ko padin maayos tong gulong pinasok ko. KASALANAN TO LAHAT NI EUNICE!
"Saan ka pupunta, baby.. Wag mo gawin sa akin to.. Maaayos naten to." Sabi ko, umiiyak na ako sakanya ngayon.. Hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman ko, lumuhod ako sa harapan niya, wala na akong pake sa mga nakakakita. Sobrang mahal na mahal ko lang talaga si tonete.
"Calvin, ano ba. Tumayo ka diyan, sige na pabayaan mo na si Antonete." Sabi sa akin ni tine, hindi niya ako pinatayo o ano, hinawakana ko ni tine at si tine ang nagtayo sa akin galing sa pagkakaluhod..
"Calvin, hayaan mo na muna siya. Ayusin mo ang sarili mo, kahit pa-paano kaibigan padin kita, sa pagbalik namin ni Antonete. Sana hindi na ganyan ang itsura mo. Wag mo pabayaan ang sarili mo calvin." Sabi ni tine sa akin, nilayo niya ako kila ryo. Huminga ako nang malalim, hindi ko kayang kumalma. Tangina!
"ANTONETE!! WAG MO AKO IPAGPALIT DIYAN SA RYO NA YAN!! KAYANG KAYA KO MATUMBAHIN YAN!!" Sigaw ko at saka tinuro si Ryo, pinagpalit niya na ba ako kaagad? Bakit ang bilis naman?? Bakit ang bilis? Nakikita ko ang pagka inis sa mukha ni tonete ngayon dahil dinuro duro ko ang ryo niya, alam ko na naman e, alam kong may gusto si tonete kay ryo nung una palang pero bakit ang bilis!
BINABASA MO ANG
LET IT BE (On-going)
RomantizmKung magmamahal kaba kaya mong sumugal para lang malaman mong worth it lahat? Worth it lahat nang sakit na naramdaman mo kung kapalit naman nang pagsugal mo eh yung kaligayahan mo? Kase ako oo.. kaya ko.