BATANES AGAIN
"Hindi ba ako pwede sumama sa birthday ni Ryo?" Sabi ni xander sa akin andito siya ngayon sa kwarto ko dahil nagulat siya sa nangyari nung nakaraan, kahapon niya lang daw nalaman at text siya nang text sa akin hindi daw ako sumasagot. 'Malamang nag bago ako number.' kaya nung nalaman niya na nakauwi nako sa bahay ay excited na daw siya makita at makichismis sa akin, sinabi ko na sa kanya lahat.
"Di ko alam, gusto mo ba sabihin ko kay Ryo?" Baling ko sa kanya.
"Yes, please. Gusto ko sumama!!" Sabi nya sa akin nag pu-puppy eyes pa sa akin.
"Okay, tawagan ko na ngayon." Dinial ko kaagad ang number ni Ryo, hindi siya nagreply sa text ko kagabi dahil siguro ay hindi ako nagpakilala.
"Hello? Who's this?" Bungad niya sa akin, pakiramdam ko ay nakikita ko ang reaksyon niya ang pagka kunot nang noo niya habang nagsasalita siya.
"Tonete!" Sabi ko at ngumingiti ako kahit na hindi niya ako nakikita.
"Oh, bakit? Napatawag ka?" Sabi niya sa kabilang linya.
"Eh, kasi.. Si Xander yung lagi ko kasama. Gusto niya kasi sumama, sumama sa batanes.. for sure kasi kasama si Coleen sa batanes dba? Kasi kapatid yun ni Chie. So, siya lang kasi ang maiiwan dito sa manila. Kung pwede.. Alam mo na." Kinagat ko ang ibabang labi ko pagtapos ko magsalita.
"Wait.."
"Okay." Sabi ko, pagiisipan niya siguro..
"Sure, sobra nang dalawang ticket ngayon araw buti nalang, kasi bukas pa daw pupunta nang resort si Mikee tsaka si Liza." Sabi niya sa kabilang linya tinignan ko si Xander sa gawi niya at hawak niya ang dalawang kamay niya na parang nagdadasal. Inirapan ko siya.
"Oh talaga? Di, isang ticket lang naman. Si Xander lang naman e." Sabi ko.
"Alright, sayang yung isang ticket hindi magagamit. So? Susunduin kita diyan or kila Jake ka sasabay??" Tanong niya sa akin halatang nagaalangan siya sa tanong niya.
"Hindi na, siguro ay magpapadrive nalang ako sa driver namin doon na tayo magkita sa airport."
"Okay, see you later, then?" Sabi ni Ryo.
"See you.." At binaba ko na ang tawag.
"So, ano sabi?? Pwede ba?" Sabi ni Xander.
"Hay, pasalamat ka kinapalan ko ang mukha ko no! Meron daw, umuwi kana at magayos kana. Magdadala ako nang driver pa airport papahatid ako, ikaw ba?" Sabi ko kay xander.
"Papahatid nalang din ako! Thank you, sis! Kaya love kita e." Tumayo na siya sa kama ko at kinuha ang bag niya. Tatayo na sana ako.. Kaso pinigilan niya ako.
"Opps! Wag na, wag mo na ako ihatid sa labas. Kaya ko na, basta pag nakita ko yung Eunice na iyon, sasabunutan ko iyon. Para sayo, gaganti tayo! Galit pa naman ako sa mga Animal!" Sabi niya at nagflying kiss na sa akin.
"Oo na! Sige na! layas!" Sabi ko.
"Wag kana sumunod ha! Malay mo nasa labas si alam mo na.." Pagtukoy niya kay Calvin.
"Alam ko, siya sige na! Ang kupad e. See you later!!" Umalis na si xandy..
Magisa nanaman ako dito sa kwarto ko, maaalala ko nanaman ang ginawang kahayupan sa akin ni Calvin. Gusto kong maayos namin ito ni Calvin, pero dahil sa narinig at nakita kong ginawa nila. Parang hindi ko na kaya.. 'Mga traydor.' Bumuhos nanaman ang traydor ko ding luha, sabi ko sa sarili ko ay di na ako iiyak. Pero bakit ako umiiyak? Hindi na ako manhid may nararamdaman na ako finally, dati kasi lagi akong tinutukso na ang manhid ko daw, may gusto na sa akin hindi ko pa alam, pero ngayon parang hindi na talaga ako manhid sa nararamdaman kong sakit, parang pinipiga ang puso ko tuwing nagrereplay sa utak ko ang ginawa nila sa akin..

BINABASA MO ANG
LET IT BE (On-going)
Roman d'amourKung magmamahal kaba kaya mong sumugal para lang malaman mong worth it lahat? Worth it lahat nang sakit na naramdaman mo kung kapalit naman nang pagsugal mo eh yung kaligayahan mo? Kase ako oo.. kaya ko.