Kabanata 22

21 3 2
                                    

A/N

SALAMAT SA PAGHIHINTAY NANG UPDATE KO GUYS! LOVE YOU'LL! <3

-----

ANTONETE'S POV

Be Mine

Tapos na ako mag-ayos para sa dinner namin ni Ryo, dalawang araw ang nakalipas simula nung bumalik kami sa manila. So far wala naman nangyari masyado, sinabi namin sa kanila na liligawan ako ni Ryo. Hindi ko alam kung bakit hindi sila nagulat nung sinabi namin iyon, ang totoo nyan ay natuwa pa sila. Lalo na si Ryenne.

Inaayos ko ang suot kong dress nang may kumatok sa pintuan ko..

"Bukas yan, nay." Sabi ko, alam kong si nanay iyon dahil wala namang iba pang pwede kumatok. Hindi ko pa nakakusap si mommy tungkol sa nalaman ko. Siguro ay next time na siguro pag okay na ang lahat sa amin ni ryo.

Bumukas ang pintuan at niluwa nito si nanay rosie, ngumiti siya sa akin habang naglalakad papalapit sa gawi ko.

"Andyan na yung sundo mo." Sabi niyang nakangiti..

"Hm? Okay ba nay maganda naba ako? Hindi ba mukhang nasaktan sa pagibig?" Natatawang tanong ko kay nanay.

"Loko loko ka talaga. Hindi mo sinasabi sa akin na may bago na pala ah." Sabi niya sa akin at kinurot ang tagiliran ko.

"Nako nay, siya yung sinasabi ni tine na na-meet namin sa batanes nung unang bakasyon namin. Si ryo, siyadin yung nag birthday sa batanes kaya umalis ako dba?? Siya din yung manliligaw ko ngayon." Masayang sabi ko kay nanay, hanggat maari ayokong ipaalam kay nanay na lumulubog na ang negosyon namin. At ang gustong mangyari nang daddy ni ryo. Tamang kami nalang ni ryo ang nakakaalam non.

"Mabuti naman kung ganon! Mas gwapo.." Tumawa kami nang sabay.

"Tara na nga nay." Tumayo ako at kinuha ang pouch ko at sabay na kami bumaba.

Pagbaba ko ay nakita ko agad si Ryo na nakatulala sa akin.. May dala dala siyang bulaklak.

"Wow. Ang ganda mo. Hm, wait this is for you." Sabay abot niya sa akin nang bulaklak.

"Nag-abala kapa, pero salamat ha." Sabi ko.

"Let's go?" Sambit niya sa akin.

Tumango lang ako at bumaling kay nay rosie. "Nay, alis na kami."

"Nice to meet you po, nay." Sabay mano niya kay nanay rosie bigla naman akong napangiti sa ginawa niya. Hindi pa ginagawa ni calvin iyon kay nay rosie ever..

"Ikaw din iho. Mag-ingat kayo." Sabi ni nay rosie.

Lumabas na kaming sabay ni Ryo, at pinagbuksan niya ako nang pinto upang makapasok na sa loob nang kotse niya. Pagkaupo niya ay bumaling siya sa akin.

"So, San ulit yung restaurant na pagkikitaan niyo ni Calvin?" Tanong niya sa akin.

"Hm, sa thai restau daw sabi ni tine sa akin."

"Alright, saglit lang kayo maguusap ha? Magdinner pa tayo.." Sabi niya sa akin at hinawakan ang isang kamay ko saglit at umalis na kami..

"Saglit ka lang don ah.. Wag kana magtagal please." Tumingin siya sa akin habang nakatigil kami dahil redlight, paulit ulit niya nang sinasabi ito.. Oo makikita na muna ako kay calvin bago kami magdinner, para matapos na.

"Yup. Wait, san ba tayo magdinner?" Tanong ko.

"Basta. Ako na bahala. Okay?" Sambit niya at tumango na lang ako.

LET IT BE (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon