SEATMATES
"Goodmorning, nak!" Bati sakin ni nay rosie pag kababa ko. "Ang aga mo naman ngayon, 10am pa ang klase mo diba?" Dagdag ni nanay Rosie.
7 palang ng umaga ngayon, ginising ako ni calvin ng tawag niya sa cellphone. Niyaya niya akong kumain sa labas nang breakfast, sabay daw kami kumain bago kami pumasok. Halos parehas lang kami ng schedule ng pagpasok at pag uwi.
"Nako nay, ayos lang po. Sa labas po kami kakain ng agahan ni calvin." Ngumiti ako at umupo sa kusina pinapanood ko ang ginagawa ni nay rosie.
"Oh edi hindi ko na kailangan pa magluto ng para sayo?" Bumaling siya sa akin naghuhugas siya ng plato.
"Yes, nay. Wag na po. Kayo nalang po ni kuya rick ang kumain."
"Okay. Magdadala kaba ng kotse?"
"Oo. Nay magdadala ako, doon na kami magkikita ni Calvin. Hindi ako masusundo ni calvin dahil kailangan ko magdala ng kotse dahil ako ang maghahatid kay tine sa paguwi, kaya magkikita nalang kami don sa kakainan namin." Mahaba kong sabi
Totoong magdadala ako ng kotse ngayon, dahil sabi ni calvin kagabi e, ako nalang daw pumunta doon dahil nagusap sila ni tine na ako maghahatid kay tine pauwi sa kanila..
Inayos ko na ang mga gamit na dala ko, at tumayo na. Kinuha ko sa bag ko ang susi ng kotse.
Nilingon ko si nanay rosie. "Nay, alis na ho ako."
"Osya, baka may nakalimutan kapa ha? Mag ingat ka sa pagmaneho.." Sabi ni nay sakin sumunod siya dahil bubuksan niya ang gate para malabas ko ang kotse sa garahe.
Lumabas nako ng bahay, at nakasunod naman sakin si nay rosie. Pinatunog ko ang kotse saka pumasok. Nang nabuksan na ni nanay rosie ang gate nakalabas na ang kotse bumusina ako hudyat na aalis nako.
Nagd-drive ako patungo sa Cafelidia kung saan kami magkikita ni Calvin. Tumunog ang cellphone ko, tinignan ko ito at nakita kong tumatawag si calvin mabuti nalang naka red light ang stop light.
"Hello?" Pangbungad ko.
"Baby, andito nako. San kana?" Sabi niya sa kabilang linya.
"Im on my way na."
"Alright, take care. Okay? Iloveyou." Sabi niya.
"Okay, I will." At binaba ko na ang tawag.
Nakikita ko na kung nasaan si calvin sa loob ng cafelidia, may kausap siyang babae. Pinunta ko ang kotse sa parking lot para makapagpark. Bumaba nako, kausap niya padin ang babae sa loob kitang kita ko dahil sa transparent na glass. Pumasok ako. Nakita ko ang pagkagulat ng mukha ni cavin sa presensya ko hindi ko padin nakikita kung sino ang babaeng kausap niya dahil nakatalikod sakin ang babae.
"Umalis kana, andyan na si Antonete." Tumingin sakin si calvin at lumingon din ang babae sakin.
Ngumiti siya sa akin, si Eunice. Ang ex ni calvin, bakit andito to?
"Hi. Antonete Chua." Sabi niya sa akin.
"Im Eunice." Naglahad siya ng kamay niya pero hindi ko ito tinanggap tumango lang ako. Nabigla si eunice sa hindi ko pagtanggap sa kamay niya. "Opps. Sige, alis nako. Calvin, see you around!" Baling niya kay Calvin at tumalikod na, tinaas niya ang isang kamay niya para mag wave patalikod.
Nakatayo na si calvin, tinaasan ko siya ng kilay dahil naiinis ako sa kanya kung bakit. Bakit sila magkasama, parang yung nararamdaman ko nung nag mall kami bakit kasama ni ryo si Mae??

BINABASA MO ANG
LET IT BE (On-going)
RomanceKung magmamahal kaba kaya mong sumugal para lang malaman mong worth it lahat? Worth it lahat nang sakit na naramdaman mo kung kapalit naman nang pagsugal mo eh yung kaligayahan mo? Kase ako oo.. kaya ko.