WALA NA BA TALAGANG PAGASA?
Nakaupo kami sa damuhan, nandito padin kami sa garden pero kami nalang mag ba-barkada ang natira. Lumuwas na nang Maynila sila Nanay rosie at si Kuya Rick after kumain, kami naman ay nagsasayahan pa dito. Pinaghandaan pala talaga nila ang araw na ito, ngayon ko lang nalaman dahil nakahanda na ang mga gamit nila dahil dito kami hanggang Sunday. Oo, kasama padin si Jake hanggang Sunday dito, si tita at si tito ay umuwi na din pa manila. Etong bahay na 'to ay bahay bakasyunan lang nila Calvin, sa laguna ito. Kaya pala medyo ginabi kami. Halos magkasunod lang pala ang dating namin ni Xandy at Coleen dito sa mansyon na ito.
Lumapit ako kay Tine and Jake na nasa sulok nagiihaw sila ng hotdogs.
"Oh, bakit?" Bungad sa akin ni tine.
"Wala naman, masama ba lumapit dito?" Sabi ko kay tine at ngumiti naman si Jake sa akin.
"Ganda mo kanina ah, infairness. Haba ng buhok mo, sarap gupitin kanina e!" Habang sinasabi niya sa akin ay with actions pa.
Tumawa ako. "Gaga, atleast sa akin open. Eh sayo? Kayo? Kamusta naman kayo diba?" Pag-tukoy ko sa kanilang dalawa ni Jake.
"Getting to know each other stage nga. Ano ba? Ba't ba paulit-ulit kayo? Excited ba kayo? Mas excited pa kayo sa akin e!" Sabi ni tine sa akin.
"Tagal niyo naman maka-alis sa stage na iyan, mabuti nalang ako masaya nako sa love life ko." Sabi ko sa kanilang dalawa tumawa lang silang dalawa sa akin.
"Mapupunta din kami diyan, dadahan-dahanin lang namin." Habang sinasabi sa akin ni Jake ito, nakatingin siya kay tine. "Madami pa kaming mga problema na dapat ayusin."
"Nice. Napakaseryoso naman niyan." Halakhak ko sa kanilang dalawa.
"Paano ba yan, antonete? Wala na pala talagang pag-asa ang pinsan ko, ano?" Sabi ni Jake sa akin, halatang iniba niya ang usapaa. May problema ba? Bakit hindi sinasabi sa akin ni tine?? tumingin tingin ako sa paligid nakita kong andon si calvin kausap si Xandy. Baka kasi e, narinig ni calvin ang tanong sa akin ni Jake.
"Ha? Ano kaba. Kaibigan lang turing namin sa isa't isa." Sabi ko dito na natatawa.
"I see. Kaibigan? Bat parang iwas na iwas ka naman ata? Nagk-kwento sa akin iyon e. Nung mga nakaraang araw daw, parati kayo nagtatalo. Pero alam mo ba tonete, type ka non e. Sa pag kaka-alam ko e' ikaw ang dahilan kung bakit lumipat siya sa school niyo ni tine." Tumingin siya kay tine bago mag salita.
"Ehem ehem. Babe, yung mga sinasabi mo.. Oh! May boyfriend na yung tao! Ikaw naman mukhang pinagb-break mo na ka-agad!" Sabi ni tine kay jake tumawa lang si jake nakitawa na din ako.
"Loko-loko!" Baling ko kay tine. "So, kulang tayo ngayon. Ba't wala si Christoffer ha?" Untag ko sa kanya. Umalis na si Jake pumunta sa gawi nila Calvin, at binigay ang mga hotdogs na tapos ihawin.
"Ano kaba, parang hindi naman kita bestfriend niyan! Patay na si kuya!" Sabi niya sa akin.
"Gago! Anong patay!" Pag sigaw ko sakanya.
"Charot! Busy na siya simula nung nagpasukan tayo! Ano kaba, nagtutulungan nga sila ni mommy sa negosyo. Wag tanga, okay?" Sabi niya.
"Umayos ka nga nang mananalita mo, tine. Nabi-bwisit ako." Tatalikuran ko na sana kaso bigla siyang nagsalita.
"Wow ha, bff! Nakakahiya naman sa pag 'gago' mo sakin no? pasalamat ka mahal kita! Tsaka hindi kapa masanay sa akin! Parang hindi moko tunay na kaibigan!" Sabi niya sa akin at parang hurt na hurt siya.
BINABASA MO ANG
LET IT BE (On-going)
RomanceKung magmamahal kaba kaya mong sumugal para lang malaman mong worth it lahat? Worth it lahat nang sakit na naramdaman mo kung kapalit naman nang pagsugal mo eh yung kaligayahan mo? Kase ako oo.. kaya ko.