MALIWANAG NA SA AKIN ANG LAHAT
Mabilis natapos ang exam ko ngayon, pinasa ko na ang papers ko kay ma'am. Inayos ko na kaagad ang gamit ko dahil naisip kong baka maabutan ko si calvin sa room nila since, maaga natapos ang exam ko ngayon.
"Madaling madali ka naman!" Sabi ni coleen sa akin. Nilingon ko lang siya at nginitian.
"Syempre te! May lovelife, palibhasa hopeless romantic ka!" Sabi ni Xander kay coleen.
"Tsk, ayan nanaman kayo maga-away nanaman kayo." Sabi ko. "Alam niyo wala na kayong ibang ginawa kung hindi magbangayan!" Dagdag ko.
"Eh kasi eto e si xander! Palagi may side comment!" Sabi ni coleen.
"Kasalanan mo yon! Tanga ka kase!"
"Bahala kayo sa buhay niyo!" Hindi ko na sila pinansin at inayos ko ang cookies na binake ko sa bahay, marunong naman ako magbake natuto ako dahil kay mommy.
"Sya, sige bahala kayo! Mauuna nako, pupunta ako sa room ni calvin! Magbati na kayong dalawa pagbubuhulin ko na kayo next time." Sabi ko sa kanilang dalawa.
Buong sem na ito ay hindi na sila nagka-kasundong dalawa ni Coleen, dahil puro sila away, at puro sila bangayan minsan ako ang naiipit sa kanilang dalawa eh. Paakyat nako sa floor kung saan ang room ni Calvin, nakita kong andoon sa tapat nang classrom nila Calvin ang tatlong babaeng familiar sa akin. Habang papalapit ako naririnig ko ang boses ng babae sa loob nang room.
"Wag mong gamitin si Antonete, calvin wag kang tanga! Harapin moko! Ako ang kailangan mo diba? Hiwalayan mo si antonete kayang kaya ko ibigay lahat sayo! Magumpisa tayo ulit calvin!"
Nakita kong sabi ni eunice kay calvin, hindi ako makagalaw sa tinatayuan ko ngayon. Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. Tinignan ko si calvin kung ano ang maiisagot niya, dahil baka masalba pa namin ito. Pero hindi, hindi siya sumagot.
Lumapit sa kanya si Eunice, at hinawakan ni eunice ang pisngi ni Calvin at saka hinalikan ito. Napahawak ako sa bibig ko dahil bigla nalang tumulo ang mga luha ko. Kitang-kita ko sa harapan ko kung pano halikan ni Eunice si Calvin, di ko na kinaya ang nakikita ko kaya tumalikod ako atsaka tumakbo nang mabilis. 'Mga hayop kayo!!!' Sigaw ko sa utak ko. Pumunta ako sa rooftop nang school namin at doon ako humagulgol nang malakas, panigurado hindi ako mahahanap ni Calvin dito dahil hindi niya to alam. Unang una pumasok sa isip ko ay si tine, tinawagan ko si tine kaagad dahil kailangan ko siya ngayon..
"He-llo t-tine.." Hagulgol ko kay tine.
"Asan ka? Bakit ka umiiyak ano nangyare sayo, tangina!" Sabi niya.
"S-sunduin moko ngaa-y-on na." Sabi ko sa kabilang linya sobrang sakit pala at sobrang sakit din sa mata nang nakita ko.
"Asan ka? SAGOT AGAD ANTONETE!! PAPASUNDO KITA KAY JAKE!" Sabi niya sa kabilang linya halatang natataranta siya.
Huminga ako nang malalim at pinunasan ko ang luha ko.. "Nasa school ako. Hihintayin ko si Jake, sa likod nang school niya ako sunduin." Sabi ko
Pumunta nako ngayon sa likod nang sch, dahil doon ang gate 3 maya maya pa ay may tumigil na sasakyan sa akin kulang itim na ranger, familiar ito sa akin. Bumaba ang nasa loob nang sasakyan at pumunta siya sa akin. Inabutan niya ako nang panyo.
"Salamat, ryo." Sabi ko.
"Welcome, uwi na kita sa inyo?" Alok niya sa akin.. Ayoko umuwi..
"Hindi, ayoko umuwi e." Sabi ko.
"Kung ayaw mo, sama ka nalang sa akin. May pupuntahan tayo makakapagrelax ka don. Doon, mailalabas mo ang lahat nang sama nang loob mo." Sabi ni ryo sa akin.
BINABASA MO ANG
LET IT BE (On-going)
RomanceKung magmamahal kaba kaya mong sumugal para lang malaman mong worth it lahat? Worth it lahat nang sakit na naramdaman mo kung kapalit naman nang pagsugal mo eh yung kaligayahan mo? Kase ako oo.. kaya ko.