YES
Kakatapos lang namin maglunch ni Xandy and coleen, kung kelan Friday saka pumasok si Coleen. Tsktsk wala naman siyang na missed na lessons, kasi hindi pa nagsisimula magturo ang mga prof. Magtatabi na naman kami ni Ryo, napabutong hininga ako sa naiisip ko.. Ano nanaman kaya ang mangyayari ngayong araw hayyy.. Nung Wednesday kasi ganto ang nangyari.
"Oh, ba't nakasimangot ka?" Baling sa akin ni Ryo.
"Ano naman sa ngayon?" Sabi ko.
"Ayaw mo ata ako katabi e? Pwede naman ata naten sabihin kay ma'am." Sabi niya sa akin. "Sabihin naten na ayaw moko katabi, dahil may crush ka sa akin naiilang ka." Dagdag niya.
Nagsasalita si ma'am sa harap, bigla niya akong kinausap..
"Ang kapal ng mukha mo! Peste!" Ang kapal nang mukha nakuha pang mag joke nang ganon?? Peste talaga! "Baka ikaw? Sinusundan mo ata ako e. Tsk."
"Ha? Bat' kita susundan miss? Hindi lang ikaw ang pwede mag enroll sa school na ito."
Sasagot na sana ako, kaso biglang sumigaw si ma'am..
"You, two! Chua and David mukhang close na close na kayo ka agad ha?" Baling sa amin ni ma'am "Mamaya na kayo mag chikahan after class. Nagsasalita ako sa harapan hindi kayo nakikinig!!"
"Wag mo na 'ko kausapin." Sabi ko kay Ryo.
Humarap siya sa akin "Edi wag." Sabay ngiti at tinalikudan na ako humarap na siya kay ma'am.
Nung Thursday naman..
"Komportable ka na bang katabi ako, miss?" Natatawang pambungad niya sa akin.
"Nang-aasar kaba talaga?? Ts, ayos lang malamang!!" Sabay tumawa siya nang malakas.
"Chua and david, hindi ba kayo titigil sa kadaldalan ha? Bakit ba pag tuwing nagsasalita ako sa harapan lagi kayong naguusap?"
Tumawa ang buong klase, napatingin ako kay xandy at umiiling iling siya sa akin.
"Nakakapeste." Bulong ko narinig ata ni ryo sinulyapan niya ako at ang sama nang tingin niya sinamaan ko din siya ng tingin..
"Sorry ma'am." Sabi ko
Tinignan ko si Ryo, napapangiti padin siya. Wow! Nakuha mo pang ngumiti ngayong napagalitan na naman kami?? Psh! Kakaiba din to e. Mamaya e' idamay pa grades ko dahil napagiinitan kami.. -_______-
"Hoy! Chaka, ano na! kanina pa kita chinika." Sigaw ni Xandy sa akin nagulat ako..
"Ano ba yon?" Mataray kong sabi.
"Lalim kasi nang iniisip, peste! Lika na nga coleen. Iwan na naten si Chaka." Sabi niya kay coleen diniinan niya talaga ang salitang chaka, 'peste bruha ka naman' sabi ko sa isip ko.
Nauuna silang naglalakad ni coleen, papuntang classroom. Nahuhuli naman ako, napabuntong hininga ako. 'Ano ba sinasabi ni xandy??'
Last subject na namin ngayon. Maiisip ko palang na makakatabi ko si ryo e, naiinis nako. Taas ng tingin sa sarili eh! Crush ko daw. Tsk!! Biglang Sumagi sa isip ko bigla kung saan kami pupunta mamaya ni Calvin, aalis daw kami mamaya after class.. Hm?
Naka stop ang dalawa sa may pintuan ng classroom, tinignan ko sila na nagtataka. Tinuturo ni coleen ang loob nang classroom at nagmadali nakong puntahan sila..
"Bakit?" Hindi nila ko sinagot sinilip ko ang classroom andon na si ma'am.
Nagtinginan kaming tatlo "Patay." Sabay sabay naming sinabi..

BINABASA MO ANG
LET IT BE (On-going)
RomansaKung magmamahal kaba kaya mong sumugal para lang malaman mong worth it lahat? Worth it lahat nang sakit na naramdaman mo kung kapalit naman nang pagsugal mo eh yung kaligayahan mo? Kase ako oo.. kaya ko.