Kabanata 19

25 4 0
                                    

Dedicate this chapter to Alysson Cepeda! I love you b! (;

-----

SICK

"Asan si Ryo?" Tanong ko kay Ryenne na katabi ko ngayon , andito kami sa chinese restaurant kumakain kami ngayon nang breakfast kung saan kami kumain nila daddy nung last na punta namin dito. Andito halos lahat, pero si Ryo lang ang wala.

"I don't know e. Andyan lang yun sa tabi-tabi, baka inaasikaso yung venue niya mamaya." Sabi ni Ryenne sa akin habang kumakain siya.

Tumango lang ako at tinuon ko ang pansin ko sa pagkain ko.

"Bakit mo hinahanap ha?" Sabi ni tine sa akin, inirapan ko lang siya.

"Kase, nafa-fall na siya?" Sabat naman ni Xander hindi ko sila pinapansin.

"Mali, kasi may kailangan siya?" Baling sa akin ni Coleen.

"Mali kayong lahat! Kase nami-miss na ni Antonete si Ryo! Yie" Sabat ni Ryenne, at lahat sila ay nagtawanan na.

"Alam niyo ba na mali lahat nang sagot niyo??" Sabi ko sa kanilang lahat, nakatingin silang lahat sa akin at hinihintay nila ako sasagot ko.

"Kase, nawawala siya. Nawawala siya dito. Kasi diba, dapat ka-sabay naten siya ngayon. Hehe." Sabi ko, lahat sila ay umiwas nang tingin sa akin at nag kanya-kanya sa kanilang pagkain.

"Swimming tayo later, girls!" Basag sa katahimikan ni Ryenne.

"Im in!" Sabi ni tine sabay taas nang isang kamay niya.

"Me too! Para masuot ko iyong swim suit na bagong bili ko!" Sabi ni xander tinignan ko siya na 'are you fucking serious-look' tumawa lang siya sa akin.

"Ayoko, papanooodin ko nalang kayo.." Sabi ko.

"Ang KJ amputa! Magswimming kana. Sige pag hindi ka sumama sa amin ngayon iisipan talaga namin na ganyan ka kasi wala si Ryo." Sabi ni tine.

"Oo, tama!" Sabi ni coleen.

Natapos na kami kumain at bumalik na kami sa kanya kanya naming kwarto, wala na akong nagawa baka isipin pa nilang may gusto ako kay Ryo kahit wala naman talaga.. Hay nako. Ang totoo ay ayoko talagang mag swimming dahil ayoko mapagod mamaya sa party, feeling ko kasi ay magkakasakit pa ako. Suot ko ang kulay dilaw kong two peace at ang see through bagay naman sa akin ang yellow dahil maputi naman ako, lumabas na ako nang kwarto at bumungad sa akin si Xander na naka shorts at sando.

"Oh, akala ko ba magswimsuit ka?" Natatawang bungad ko sa kanya.

"Hindi na, mapagtripan niyo pa ako no!" Sagot niya sa akin, biglang lumabas si Ryenne sa suot suot niyang red na two piece at natatakpan nang kanyang baba ang high waisted short na suot niya.

"Let's go!!" Sigaw niya.

"Wait, san si Coleen?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Nauna na. Excited ata e.." Sabi ni Xander " Kasama niya iyong ate niya." Tumango lang ako at bumaba na kami.

"Sinong magaayos sayo later, ryenne?" Tanong ko kay Ryenne ngayon ay nasa elevator na kami.

"Hm, yung make up artist namin.. Pupunta siya mamaya sa room naten, bakit papaayos kadin?" Sabi niya sa akin.

Lumabas na kami nang elevator. "Hm, oo sana e." Sabi ko.

"Sure." Ayon lang ang sinabi niya at nauna na maglakad sa amin ni Xander.

LET IT BE (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon