Yey! Nakaabot na tayo ng chapter 20! Dedicated to all my readers! Cheers
-----
JUST LET IT BE
Nagising ako na may kumot na nakabalot sa akin, tumingin tingin ako sa paligid at nasa sofa si ryo, natutulog. 'Hindi ba siya bumalik sa party niya?' bakit diyan siya natutulog? Binantayan niya ba ako? Pinakiramdam ko ang sarili ko, medyo maayos ayos na ako. Bumangon ako, at pumunta sa sofa kung saan natutulog si Ryo tinitigan ko ang buong mukha niya. Ang gwapo naman pala talaga nito pag tulog, gwapo din pag gising napailing ako sa naiisip ko, hahawakan ko sana ang buhok niya kaso bigla siyang nagising, umiwas ako.
"Ah, eh gigisingin na sana kita.." Nahihiya kong sabi batid kong namumula ang mukha ko ngayon.
"Sorry, nakatulog ako. Maayos na ba ako pakiramdam mo?" Tanong niya sa akin umayos na siya nang upo niya nakatayo padin ako sa harapan niya.
"Ah, oo. Maayos ayos na pakiramdam ko. Hindi kana ba bumalik sa party mo?" Tanong ko, sana ay bumalik manlang siya saka niya ako binalikan dito..
"Hindi na, sobrang taas kasi nang lagnat mo kagabi. Kaya binantayan kita, nakatulog pala ako." Nahihiyang sabi niya sa akin.
"Sorry, naabala pa kita sana ay pinaasikaso mo nalang ako Kay tine o di kaya kay xander.." Sabi ko sa kanya umupo ako sa kama ko ngayon.
"Ayos lang, ako na din ang nagpresinta sa kanila na magbabantay sayo."
"Paano ang mga bisita mo kagabi?"
"Kaya na nila ang sarili nila, kailangan moko kagabi kaya binantayan kita. Wag kanang madaming tanong." Tumayo siya bahagyang lalabas na sana nang kwarto ko.
"San ka pupunnta?" Tanong ko.
"Baka nagugutom kana, magpapadala ako nang soup para sayo." Lumingon siya sa akin suot suot padin niya yung polong puti na kagabi pa niya suot suot, tinanggal lang niya yung coat.
"Hindi na, masyado na kita naabala ryo.. Ako nalang."
"Wag na matigas ang ulo. Ako naman ngayon.." Sabi niya sa akin "Mahal mo pa no?" Biglang singit niya. Nagtaka naman ako sa tanong niya.
"Sino? Bakit?" Nagtataka kong tanong.
"Si Calvin, nananaginip ka ata.. Panay ang sambit mo nang pangalan niya kagabi." Dire-diretsong sabi niya sa akin nakatayo padin siya malapit sa pintuan.
"Sorry. Hindi ko alam na ganon." Nilalaro ko ang daliri ko habang sinasabi ito. Si Calvin ang hinahanap hanap ko kagabi, pero si Ryo ang nagbabantay sa akin.. 'Mali to.' sabi ko sa sarili ko.
"It's okay, kaya ngayon pabayaan mo akong alagaan ka. Magpapaakyat ako nang soup dito, sabay tayo kakain." Sabi niya sa akin. At tuluyan na siyang lumabas sa kwarto.
Inayos ko na ang sarili ko bago lumabas nang kwarto, paglabas ko ay inaayos na ni ryo sa kusina ang kakainin namin. Nagtaka ako dahil bakit kami lang ni Ryo ang nandito asan sila??
"Asan sila?" Hawak hawak ko ang ulo ko dahil kumikirot kirot padin ito, habang tinatanong si Ryo.
"Nagpunta sila sa kabilang island, kanina pa." Sagot niya sa tanong ko "Kain na tayo." Pag ayaya niya sa akin kumain umupo na ako at umupo nadin siya sa harapan ko. Halatang puyat na puyat ang mukha niya, kulang siya sa tulog..
"Sorry." Nagtataka niya akong tinignan.
"Para san?"
"Nabala pa kita, sana ay kasama ka doon nagsasaya." Napayuko ako pagtapos ko magsalita.

BINABASA MO ANG
LET IT BE (On-going)
RomanceKung magmamahal kaba kaya mong sumugal para lang malaman mong worth it lahat? Worth it lahat nang sakit na naramdaman mo kung kapalit naman nang pagsugal mo eh yung kaligayahan mo? Kase ako oo.. kaya ko.