AYAW NA KITANG PAKAWALAN
CALVIN'S POV
Sinabi sakin lahat ni tine ang mga nangyayare nung nasa batanes sila. Gusto ko si tine gusto ko lang siya bilang kaibigan at alam kong hanggan doon lang yun, hindi na mapipilit pa. Hindi mapipilit nang kahit sino, miski si tine pa. Mabuti nalang at nagkausap na kami ni tine tungkol dito.. Alam ko na sobra-sobrang sakit ang nadulot ko pag hindi ako nagpaparamdam sa kanya, parang pinipiga ang puso ko na nasasaktan siya ng dahil sakin. Wala akong magawa, ayoko siyang paasahin.
Si Antonete talaga ang gusto ko, siya lang at wala nang iba. Ngayon umiiwas na siya sakin, dati naman ay okay kami.
Nakita ko si tonete na lumabas nang classrom nila. Ang totoo inaabangan ko talaga siya lumabas para sabay kami mag lunch.
"Tonete, lunch tayo?" Pagyaya ko sakanya, ngayon nako aamin nang pagmamahal ko sa kanya. Desidido nako sa gagawin ko, gusto ko sumugal. Susugal ako para malaman ko kung ano mangyayari.. Gusto ko maging worth it lahat lahat nang kaba, takot lahat nang pagmamahal ko sa kanya. Pero magiging worth it lang to kung mamahalin din niya ko.
"San?" Sabi niya nang nakangiti sa akin "Libre moko?" Pagpatuloy niya sa sinasabi niya
"Sa cafeteria. Tara!"
Nasa cafeteria na kami, um-order ako nang favorite niya at um-order ako para sa sarili ko. Tinitignan ko siya kumain dahil gusto ko syang tumaba dahil ang tingin niya sa sarili niya e mataba siya kahit na hindi naman.
"Antonete, gusto kita." umiling ako "Hindi, mahal kita. Mahal kita tonete."
Natigilan siya sa pag kain niya. Sabay tumawa nang malakas. "Gago ka talaga kahit kelan. Wag ka magbiro nang ganyan. Nakakasuka, kumakain pa naman ako." Sabi niya sa akin.
"Hindi, hindi tonete hindi ako nagbibiro." tumingin siya sakin
"Hindi pwede calvin, hindi pwedeng magustuhan moko. Hindi pwede. Salamat nalang sa lunch mo." Tumayo na siya at iniwan niya kong magisa sa cafeteria.
Oo, hindi. Hindi kami pwede alam kong iniisip ni tonete si christine.
Nasaktan ako nang sobra noon, pero ngayon? Hindi ayos nako. Tanggap na ni tine ang lahat tanggap na niya na si tonete ang gusto ko. Okay na, si tonete nalang ang kulang sa buhay ko.
Nagkita kami ni tine sa parking lot, dahil nag favor ako sakanya kung pwede ako sumama sakanila mag mall. Pumayag si tine pero diko alam na may plano siyang iwan kami ni tonete. Diko alam kung ano nasa utak niya.
Pag kasama ko si tonete, masaya ako. Sobrang masaya ako kahit na hindi na niya ko pinagkakausap ngayon. Masaya padin ako. Basta alam kong nasa tabi ko siya, okay nako.
"Balita ko, may nakilala ka daw sa batanes?" Panimula ko habang naglalakad kami papunta sa cinemas
"How I wish, na kami nga.." Matagal siyang sumagot.. Wari ko'y iniisip niya eh, yung ryo na na-meet niya sa batanes... pero hindi ko alam kung ano laban ko doon.
"Ano sinasabi mo dyan tonete?" tanong ko sakanya
"Ahh wala!!!" Nakikita ko sa kanya na nahihiya siyang kasama ako. Siguro e naninibago dahil alam na niya ang totoo.
"Eto nalang." Sambit niya sabay turo doon sa poster
"Alright. Pila nako."
Tumalikod ako nang matapos mabigay sakin ang resibo, nakita kong may kausap na babae at lalaki si tine..
BINABASA MO ANG
LET IT BE (On-going)
RomanceKung magmamahal kaba kaya mong sumugal para lang malaman mong worth it lahat? Worth it lahat nang sakit na naramdaman mo kung kapalit naman nang pagsugal mo eh yung kaligayahan mo? Kase ako oo.. kaya ko.