A/N
Yas, thankyou guys sa matyagang paghihintay sa update ko! Akala ko e, hindi ko na matutuloy ito, pero syempre kailangan din magbalik loob. July pa last update ko pasensya na kayo! T.T Anyway! Merry Christmas everyone! Hohoho
--
Hoping
Nagising ako na wala si Ryo sa tabi ko, ang natatandaan ko ay tabi kami natulog at iniwan kami kagabi nila Tine. I wonder kung saan sila natulog?
Mabilis akong bumangon sa kama at dumiretso sa banyo upang magayos ng sarili bago lumabas.
Nakita kong nasa kusina si Ryo at amoy na amoy ang niluluto niyang soup hindi niya alam na nakaupo nako sa likudan niya at at pinapanood ko siya kung paano magluto. Hindi manlang naramdam ang presensiya ko. Tsk
Ang laki ng katawan niya wala siyang saplot sa katawan apron lang, bakit kaya hindi niya naisipan mag tshirt?
Nagulat siya sa presensya ko, nung pag kaharap niya sa akin lumaki ang mga mata niya saglit at tinitigan ako. "Kanina kapa?" Gulat na tanong niya sa akin.
"Hm, Medyo. Bakit?" Sabi ko, habang nakapalong baba ako. Hindi sa nagpapa cute ako sa kanya, saming dalawa nga ay siya ang cute dito. Dahil sa apron na nakasuot sakanya na hello kitty anf design, siguro ay kay tine itong apron na 'to. Bahagya akong natawa sa naisip ko.
"Wala, nakakagulat ka eh." Sabi niya, hinubad niya ang apron niya at umalis sa harapan ko. Dali daling pumasok sa kwarto, magbibihis ata. Hahaha
"Kumain kna, pinaghanda talaga kita ng makakain." Sabi niya habang nasa loob ng kwarto.
"Uhuh, hindi ka sasabay?" Pagsigaw ko sakanya dahil baka hindi niya ako marinig.
"Sasabay." Sabay labas niya sa kwarto.
"Okay, bakit soup? Wala naman akong hangover?" Sabi ko sakanya.
"Hm, wala lang gusto ko lang. Hindi ba masarap?" Tanong niya sakin. Syempre masarap siya nagluto eh. Hahaha.
Hindi na ako nailang sakanya kagabi, dahil hndi naman iyon ang first kong matulog kasama ang lalaki, hindi ko naman sinasabi na madami akong nakatabi syempre si calvin lang. 'CALVIN NA NAMAN ANG NASA UTAK KO'
Speaking of, simula nung nagusap kami ay hindi na siya nagpaparamdam sakin, pero mabuti nadin iyon para naman maging maayos at madali ko lang makalimutan pero bakit parang limot ko na nga?
May parte sakin limot ko pero may parte sakin na hindi pa lalo na't nalaman ko na sinadya talaga ito ni Eunice dahil malandi nga talaga siya, at ang pakay niya talaga ay sirain kami ni Calvin. Pero hindi mawawala sa puso't isip ko kung pano nila ako ginago. At yung point doon ay may nangyari sakanila. Ayun nayo, period.
"Hey. Kanina pako nagsasalita dito bat biglang kang natulala?" Kinalabit ako ni Ryo. Bahagya naman akong bumalik sa katinuan galing sa malalin na iniisip ko.
"Ha? Ah eh sorry, naalala ko kasi kagabi, ah. Diba? Hindi na sumunod sila Tine satin, alam mo ba kung saan sila nagstay?" Pagtatanong ko, kahit hindi naman sila tine ang nasa isip ko, 'BAD'
"Yun nga sinasabi ko sayo kanina hindi ka nakikinig, nasa condo sila ni tine. Doon sila nagstay. Ewan ko ba bakit ayaw nila dito. Bakit hindi sila dito nagpahinga." Nagtataka ang mukha niya habang sinabi iyon.
"Ang sabihin mo, set-up to. Edi sana umuwi nalang tayo diba? Kung alam natin na ganto." Sabi ko sakanya.
"Let me tell you something." I asked, pagiiba ko ng usapan.
BINABASA MO ANG
LET IT BE (On-going)
RomanceKung magmamahal kaba kaya mong sumugal para lang malaman mong worth it lahat? Worth it lahat nang sakit na naramdaman mo kung kapalit naman nang pagsugal mo eh yung kaligayahan mo? Kase ako oo.. kaya ko.