A/N
Sooyoung as Christine (:
Surprise
Christine's pov
"Ano oras daw ba ang dating nila dito sa pilipinas ha?" Pagtatanong ko kay Ryo, tinanggal ko ang earpod sa kaliwang taenga niya. Apat na oras na siguro kami dito sa airport hindi padin dumadating sila tita Anna at tito Nate.
"I don't know, chill ka lang. Mamaya andito nadin iyon." Chill nga ang pagkakasabi niya, nakapikit pa siya ha! habang nakasandal ang ulo sa upuan. Tanginang chill yan!
Biglang pumask sa isip ko si Jake, andon na kaya iyon sa condo? Kumain na kaya iyon? Hay
Bumaling ako kay Ryo.. "Anong chill pinagsasabi mo? Kanina pa tayo dito!" Pag sigaw ko sakanya, hindi na niya ako pinansin sinuot niya na ulit ang earpods sa isang tenga niya.
"Christine!" Ay pucha ka busy ako sa kakalaro ng dumb ways to die sa cellphone ko nang bigla nang gugulat etong si tita andito na pala sila mabuti na't hindi ko naisigaw ang una kong nasabi sa utak ko. Hahahahaha
"Oh hi tita! Kamusta po? Long time no see!" Pagbati ko kay tita sabay ko siyang bineso beso
Bumaling naman siya kay Ryo na nakapamulsa at ngumiti lamang sakanila magasawa siguro ay nahihiya etong isang to.
"Iho, kamusta? Salamat pala, buti nalang at nariyan ka at tinulungan mo kami na makawala doon panandalian para sa graduation bukas ninyo ng anak ko, ano?" Sabi ni tita kay Ryo naglalakad na kami patungo sa sasakyan na pinahanda ni ryo para kila tita.
"No problem tita, basta para kay Antonete, at para sainyo din po."
"Saan nga pala kami mag-stay iho?" Pagtatanong ni tito kay Ryo
"Doon daw po muna kayo sa Hotel nila tito. May kwarto na kayo na hinanda ni Ryo doon." Ako na ang sumagot sinamaan naman ako ng tingin ni Ryo at binelatan ko nalang eto hinawakan ko sa kamay si tita Anna at sabay kami nagtungo papunta sa sasakyan na gagamitin nila.
"Ah tita tito, dito po kayo sasakay ihahatid po kayo ng driver, at siya nadin po ang magtuturo kung saan kayo naka room, ihahatid po ako ni Ryo sa condo ko, at saka po niya kayo pupuntahan. Okay po ba?" Masayang sabi ko, ang usapan namin ni ryo kanina ay kila tita na ako sasabay papunta hotel eh dahil gusto ko na umuwi ay pinangunahan ko na siya magsalita.
"Ay nagabala pa! Osya sige, salamat sa inyong dalawa. Mag ingat kayo." Sabi ni tito sa aming dalawa. "Kayo din po." Sambit ni Ryo sa likudan ko at saka ko sinara ang pinto ng kotse.
Dumiretso ako kung saan napark ang kotse ni Ryo, at hinintay ko pa siya dahil sa bagal niya maglakad. Tsk! Habang papalapit siya sa akin ay ang sama sama ng tingin niya, akala naman niya apektado ako sa masamang tingin niya.
Pumasok na siya sa loob at saka ako umupo sa tabi niya. "Ayoko sa likod, mapagkamalan ka pang driver ayoko naman non. Hehehe" Pagbibiro ko sakanya.
Pinaandar na niya ang kotse at saka nagsalita sa akin "Ano ba usapan natin? Diba doon ka sa kotse nila tita at tito para naman may kumausap sa kanila." Masungit na sabi niya sa akin.
Ang sungit naman nito! "Aba, ginawa mo naman akong turista? Eh mga taga pilipinas naman yon!" Kahit alam kong hindi naman iyon ang point niya eh, yan na ang sinabi ko para maasar siya ang sungit kasi.
"Sinabi ko ba na maging turista ka? Para lang may makausap sila doon," Nakikita kong pinipigilan niya lang ang pagkainis saakin medyo na tatawa na ako.
BINABASA MO ANG
LET IT BE (On-going)
RomanceKung magmamahal kaba kaya mong sumugal para lang malaman mong worth it lahat? Worth it lahat nang sakit na naramdaman mo kung kapalit naman nang pagsugal mo eh yung kaligayahan mo? Kase ako oo.. kaya ko.