3 years Later... Present Time, 2016.
Hacienda Cassarina, Tagaytay, Philippines
Isa-isang muling binasa ni Chris ang bawat nilalaman ng pahina nang mga papeles na iyon mula sa envelope na ibinigay sa kaniya ng kapatid na si Daniel. Ayon rito ay mismong si Amanda pa raw ang personal na naghatid niyon sa Hacienda, nagkataon naman na nasa isang business meeting siya sa Amerika ng araw na pumunta ito roon kung kaya't di sila nagkatagpo ng dalaga. At dahil natapat rin na weekdays itong dumaan doon ay ang personal na assistant ng kapatid na si Vince na si Marie ang pinag-abutan nito ng envelope.
Maliban sa mga papeles na nilalaman ng envelope ay wala na kahit na anong detalyeng iniwan pa ito. Maging ang Hotel o bahay na tinutuluyan nito sa kasalukuyan o kahit pa nga Mobile Number man lang ay hindi pinagkaabalahang ibigay ng dalaga. Lalo lang tuloy napu-frustrate si Chris sa pagiging clueless sa whereabouts ni Amanda.
"Damn it!" Galit na sigaw ni Chris at sabay bato ng mga hawak na papeles sa hangin. Para tuloy iyong mga confetti na nagkalat sa ere at isa-isang nagbabagsakan sa carpeted floor ng malawak niyang silid.
Noon din ay saktong bumukas ang pintuan ng kaniyang silid at pumasok ang kapatid na si Daniel na may hawak namang bote ng Jack Daniels. Mukhang nakatunog ito na hindi magiging maganda ang mood niya sa oras na mabasa ang nilalaman ng envelope kung kaya't naririto ito ngayon dala ang alak.
"Whoa, chill Chris." Nakangisi pa ito habang pinaaalalahanan siyang kumalma.
"Chill? You really expect me to fucking chill, Daniel?" Iritadong sagot niya.
"Drinks?" Alok ng kadarating lang na binata sabay lahad ng baso na may lamang alak."By the looks of it, mukhang tama nga ang iniisip ko tungkol sa nilalaman ng envelope na iyan. Right?"
"Yes." aniya sabay isang lagok lang ng baso ng alak na kaabot lang sa kaniya.
"It's inevitable Chris, alam nating lahat na darating rin ang araw na mangyayari to. And you should know better." Paalala ni Daniel patungkol sa problemang hinaharap niya ngayon.
Tama ang mga sinabi ng kaniyang kapatid, kung meron mang higit na nakakaalam ng lahat, iyon ay walang iba kundi siya. At siya rin ang mas dapat na may malawak na pang-unawa higit kanino man sa sitwasyong kinasasadlakan niya dahil siya ang personal na involved sa mga pangyayari.
Makailang beses pa siyang huminga ng malalim para kalmahin ang sarili. At nang abutan siyang muli ni Daniel ng isang baso muli ng alak aydi siya nangiming iisang lagok lamang muli niya iyon para kahit papaano ay maibsan ang bigat at inis na sa kaniyang dibdib.
"So what are your plans? Cause as I it, I don't think Amanda will stop now or anytime soon. Mukhang desido talaga siyang ituloy ang pinaplano niya lalo pa at siya mismo ang personal na nagdala niyan dito." Seryosong pahayag nito sabay kuha ng mga papeles at saka iyon isa-isang binasa. Mukhang kahit ito ay labis na nag-aalala para sa kaniya. "And I can tell she really wants it this time around."
"I'm going to stop her, Daniel. Hindi ako papayag na papabor lang sa kaniya ang lahat at makuha niya sa akin ang mga bagay na meron ako. What is mine is mine." Mariing wika niya. Alam niyang hindi titigil si Amanda hangga't hindi nito nakukuha ang gusto nito, at sigurado siyang mas lalong hindi ito titigil hangga't hindi siya nakikita nitong miserable ang buhay. "At hindi rin ako papayag na basta na lang masira lahat ng pinaghirapan ko dahil lang sa kaniya."
"Well, I say good luck with that bro." Nakakalokong nakangisi pa si Daniel sa kaniya na animo'y hindi naniniwalang kakayanin niyang labanan si Amanda. "Cheers to your battle with the amazon lady" Sabay taas ng hawak na baso at nakipag-toast sa kaniyang baso.
![](https://img.wattpad.com/cover/75805866-288-k539096.jpg)
BINABASA MO ANG
Still Yours (Playboy Series #2)
Short Story(Tragic Romance) Si Chris ang pinakamasakit na bahagi ng nakaraan ni Amanda na ayaw na sana niyang balikan hanggang kamatayan. But destiny seems to have another stupid plan ng muli sila paglapitin ngunit sa maling rason na di nila matanggihan. Pero...