Matapos ang naging matagumpay na operasyon sa mata ni Vince, ang bunsong lalake sa pitong magkapatid na Hendelson, at mabigyan ito ng release order mula sa Hospital ay agad naman dumiretso ang buong Pamilya nina Chris sa kanilang bahay doon sa Amerika kung saan nagplano ang kaniyang mga magulang na magkaroon ng munting salo-salo ang buong Pamilya Hendelson at ilang malalapit nilang kaibigan.
Nang makakuha ng tyempo ay agad namang tinawagan niya si Amanda upang ipagbigay alam sa dalaga ang magandang kinalabasan ng resulta sa operasyon ni Vince.
I know she'll be happy to hear about this one. Aniya sa kaniyang sarili. At makalipas lang ang ilang ulit na ring ng phone ay narinig na niya ang pagsagot nito.
"Hello Beautiful." Bungad na bati niya ng marinig ang maamo at malambing na boses ni Amanda mula sa kabilang linya ng telepono.
"Anong balita kay Vince?" Diretsong tanong agad ng dalaga ng di man lamang siya binabati o kinakamusta.
"Ouch naman. Si Vince agad? Hindi ba pwedeng ako muna hanapin mo, batiin mo muna ako ng Hi and ask me how I'm doing?" Pakunwari ay pagtatampo ni Chris sa tila ba kawalang interest ni Amanda sa kaniya.
"Malaki ka na Chris, you can take care of yourself." Pambabara ni Amanda mula sa kabilang linya ng phone. "Tell me, how is he? Is it succesful? Anong sabi ng Doctor? Nakakakita na ba siya?" Sunod-sunod na tanong nito na bakas ang labis na concern para sa kaniyang kapatid na si Vince.
"He's doing great. The operation was successful. Nakakakita na siya ulit." Masayang balita niya sa asawang si Amanda. "You can relax now. There is no need to worry about anything anymore. Vince is good and his eyes has no complications at all."
"Thank God." Masayang saad nito mula sa kabilang linya na nagbitaw pa ng ilang buntong hininga na siguradong sanhi ng labis na pag-iisip at pag-aalala.
Sinabi na nga ba at tiyak na kagaya nilang lahat sa buong pamilya ay siguradong nag-aalala rin ng husto si Amanda sa magiging resulta ng operasyon ni Vince kahit pa nga na sa Pilipinas ito. Si Vince kasi ang isa sa mga naging abay sa kanilang kasal at masasabing pinaka-close kay Amanda dahil halos bunsong kapatid na rin kung ituring nito iyon kaya alam ni Chris na nakaabang ito buong araw at gabi sa magiging resulta.
"Na saan na siya? Katabi mo ba, pwede ko ba siyang makausap?" Muling paghahanap nito sa bunsong kapatid niyang si Vince.
"He's with the family now. Everyone is so happy and in a celebratory mode, makakabuting kausapin mo na lang siya bukas para naman makapag-usap kayo ng maayos at mas matagal." Bigay imporma naman niya sa sitwasyon nilang buong pamilya doon sa Amerika.
"Sabagay. He's probably busy enjoying the moment. Just tell him na tumawag ako sa kaniya, that I am very happy for his successful operation and I can't wait to see him again and spend some time." Excited na pagbibilin nito mula sa kabilang linya.
"I will tell him all that, don't worry. Anyway, It's getting late now there in the Philippines. Mabuting matulog ka na at may pasok ka pa bukas." Pakikisuyong utos ni Chris sa dalaga ng mapansing ala-una na pala ng tanghali. Ibig sabihin ay pasado ala-una naman ng madaling araw sa Pilipinas.
"Yeah, I should go to bed. Salamat sa pagtawag and also for updating me about Vince's condition. I really appreciate it a lot Chris." Sinserong wika ng dalaga na halata ang pagod at antok base sa tono ng pananalita nito mula sa telepono.
"Amanda..." Tawag niya sa pangalan ng nito bago pa man tuluyang tapusin ang tawag.
"Yeah?" Tipid na tugon ng dalaga.
BINABASA MO ANG
Still Yours (Playboy Series #2)
Conto(Tragic Romance) Si Chris ang pinakamasakit na bahagi ng nakaraan ni Amanda na ayaw na sana niyang balikan hanggang kamatayan. But destiny seems to have another stupid plan ng muli sila paglapitin ngunit sa maling rason na di nila matanggihan. Pero...