Nang magising si Amanda nang umagang iyon ay ramdam na ramdam niya ang pagod at pananakit ng buong katawan niya at mabigat rin ang kaniyang ulo na para bang binibiyak iyon.
Ouch, wrong timing naman oh. Marami pa akong tatapusing trabaho ngayon. Hindi pwedeng magpahinga. Aniya sa sarili habang nakapikit at nakahiga pa rin sa kama habang minamasahe ang kaniyang ulo. Anong oras na ba?
Nang iharap niya ang kaniyang katawan sa kanang bahagi niya upang kapain sana sa katabing bed side table ang kaniyang alarm clock, ay katawan ng isang tao ang nahawakan niya. Agad siyang naalerto at mabilis na nagmulat ng mata, ganoon rin kabilis gumapang ang labis na gulat at takot na bumalot sa kaniyang dibdib ng makitang hindi pala siya nag-iisa sa kaniyang kama.
"Aaaaahhhh!!!!" Malakas niyang tili sabay nagmamadaling bumangon at umalis sa kama habang hila-hila ang kumot.
Napabalikwas naman ng bangon ang estrangherong lalake at malakas na gumalabog pa ito ng mahulog pa nga sa gilid ng kama, ngunit mabilis rin naman itong bumangon... Doon ay nakilala niyang ang asawa pala niyang si Chris ang estrangherong katabi niyang nakahiga sa kama.
"Anong ginagawa mo rito? Bakit narito ka sa kwarto ko? Anong ginawa mo sa akin?" Nagpa-panic niyang kompronta rito habang hawak niya ang isang unan na gagamitin niyang pangdepensa sakaling magtangka ito ng masama.
"Relax, relax. Wala akong ginawa sayo okay." Depensa naman ni Chris sa mga akusasyon niya habang nakataas ang dalawang kamay nito bilang tanda na hindi ito manlalaban.
"Then why are you here in my room? Why are you sleeping on my bed?" Muli naman niyang tanong ng di pa rin naniniwala sa sinasabing iyon ng binata.
Isang malalim na paghinga ang binitawan ni Chris bago nagpaliwanag sa kaniya, "We are not in your house Amanda, and definitely not in your room."
Nang dahil sa sinabi ni Chris ay ngayon lang niya napansin na iba nga ang ayos ng kwartong kinaroroonan nila ngayon kumpara sa kaniyang sariling kwarto. Di hamak na mas malaki ang silid na ito, king size bed ang laki ng kama, at ang disenyo ay iyong tipong makikita mo sa mga Presidential suites sa isang luxurious five star hotels sa America. Sobrang magarbo at mamahalin ang interior ng kwartong iyon.
"Na saang hotel tayo? Bakit dito mo ako dinala?" Nagtatakang tanong niya sa binata, "Anong balak mong gawin sa akin huh?" Akusa pa niya sa kung anong intensyon nito at bakit siya doon dinala.
"We are not in a hotel." Maamong saad naman ni Chris na hinihimas pa ang ulo dahil mukhang nagkabukol iyon mula sa pagkakabagsak kanina. "We are here in Tagaytay, nasa Hacienda tayo. And this is my room... Our room. Remember?" Dagdag paliwanag pa nito.
Na sa Hacienda sila ngayon? Kung ganoon ay mula subic, nag-4 hours long drive pa ito papunta roon sa Family vacation house sa Tagaytay at doon siya dinala. Pero bakit? Sa anong rason?
At ang kwartong iyon, malaking-malaki na ang ipinagbago kumpara sa ayos nito na naaalala niya noon. Dati, sa tuwing uuwi sila ni Chris sa Pilipinas para magbakasyon ay doon sila nag-stay. Mas simple lang ang ayos niyon dahil nga bibihira lang naman sila kung umuwi roon. Majority ng kanilang pagsasama ni Chris ay namuhay sila sa Midtown, New York sa America.
At ngayon lang din niya napansin na sa may isang bahagi ng silid, ay naroron at nakasabit ang isang malaking litrato... Hindi lang iyon basta-bastang litrato, iyon ay ang wedding picture nila Chris nang ikasal sila 5 years ago.
"I had it framed ever since I decided to stay here in the Philippines for good." Paliwanag ni Chris ng makita nitong nakatitig siya sa malaking litrato. "Just so I have something that would remind me of my happy days. The days of my life... with you."
![](https://img.wattpad.com/cover/75805866-288-k539096.jpg)
BINABASA MO ANG
Still Yours (Playboy Series #2)
Short Story(Tragic Romance) Si Chris ang pinakamasakit na bahagi ng nakaraan ni Amanda na ayaw na sana niyang balikan hanggang kamatayan. But destiny seems to have another stupid plan ng muli sila paglapitin ngunit sa maling rason na di nila matanggihan. Pero...