Chapter 2 - [Amanda]

8.9K 102 5
                                    

Manila, Philippines

Busy sa pagbabasa ng mga reports si Amanda ng marinig niyang bumukas ang pinto ng kaniyang opisina, hindi na rin siya nag-abalang lingunin pa ang pumasok dahil tiyak na si Karen lang naman iyon, ang kaniyang executive assistant. Ito lang naman kasi ang pinahihintulutan niyang pumasok sa kaniyang opisina at istorbohin siya sa gitna ng trabaho.

"Excuse me, Ms. Amanda..." Tawag nito sa kaniya na tila ba nag-aalinlangan pa.

"Yes?" Simpleng tugon niya ng di pa rin ito nililingon at nakatuon lamang ang buong atensyon sa mga binabasang business reports.

"Magpapaalam lang po sana ako kung pwede na akong kumain ng lunch..." Nahihiyang saad nito.

Nang dahil sa sinabing iyon ng dalagang assistant ay napatingin siyang bigla sa oras sa suot niyang wrist watch. Ala-Una pasado na pala, hindi ko man lang namalayan.

"Sure, go ahead and take your lunch." Nakangiting tugon niya rito, "Sorry at natambakan pala kita masyado ng mga gawain." Dagdag paumanhin pa niya.

"Naku, Ms. Amanda wala po yun. Part naman po talaga ng trabaho ko ang i-assist kayo." Magiliw na pahayag ng kaniyang executive assistant.

"Thank you dear. Sige kumain ka na." bigay pahintulot niya rito.

Bago pa man tuluyang makalabas ng pintuan ng opisina ay tinanong pa siya ng assistant na si Karen kung mayroon ba siyang gustong ipabiling pagkain ngunit tumanggi na lamang siya, tiyak kasing napagod ito sa dami ng trabaho na ibinigay niya kaya mas maigi na i-enjoy na lamang nito ang lunch break ng walang ibang iniintinding utos mula sa kaniya.

Nang lumabas na si Karen at maiwan siyang mag-isa ay tsaka naramdaman na rin niya ang pagod at stress sa dami ng kaniyang mga ginagawa kung kaya't nagpasya siyang magpahinga na muna. Isa pa'y nakaramdam na rin siyang bigla ng gutom kaya naisip niyang mag-lunch break na rin. Marami pang gagawin mamaya kaya mabuting kumain na muna ako at siguradong makakalimutan ko na naman kumain mamaya.

Habang inaayos ang kaniyang bag ay muling bumukas ang pinto ng kaniyang opisina. Tiyak na si Karen iyon at aayain siyang kumain. Bukod kasi sa pagiging mabait at masunurin na assistant nito ay napaka-sincere at thoughtful din nito at halos parang nakababatang kapatid na nga kung iturung niya.

"Karen di ba sabi ko kumain---"

"Hi there, my wife" Saad ng isang baritonong boses na pumutol sa kaniyang pagsasalita.

Napatigil bigla si Amanda sa kaniyang ginagawa ng marinig ang boses ng isang lalake. Kilalang-kilala niya ang may-ari ng boses na iyon. At nang mag-angat siya ng tingin ay sumalubong sa kaniya ang pares ng asul na mga mata... nakumpirma nga ang kaniyang hinala... Si Chris nga iyon.

"What are you doing here?" Malamig ang boses at seryosong ekspresyon na bungad niya sa binata.

"I'm visiting my wife." Sagot nito ng may pamimilosopong ngiti sa mga labi.

"Oh, as far as I'm concerned wala kang asawa dito." Pagtataray niya rito habang nakapamewang. "Try mo sa Mental Hospital, baka naka-confine doon yung hinahanap mo."

"Ang sungit mo naman Misis, hindi mo man lang ba ako na-miss?" Patuloy na panunuyo nito sa kaniya. Lalo lang tuloy umiinit ang ulo niya sa mga pinagsasabi ng walang kakwenta-kwentang lalakeng ito sa kaniyang harapan.

"Na-miss? Ikaw?" Mapang-asar niyang tugon sa sinabi nito, "Don't be so damn delusional Chris. Baka nga magpa-fiesta pa ko kapag nalaman kong wala ka na."

Still Yours (Playboy Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon